author
stringclasses 10
values | sentence
stringlengths 10
1.44k
| Jose N. Sevilla
int64 0
1
| Engracio L. Valmonte
int64 0
1
| Balbino B. Nanong
int64 0
1
| Honorio López
int64 0
1
| José Rizal
int64 0
1
| Cleto R. Ignacio
int64 0
1
| Fausta Cortes
int64 0
1
| Juliana Martinez
int64 0
1
| S. A. D. Tissot
int64 0
1
| Ismael A. Amado
int64 0
1
|
---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|
Engracio L. Valmonte | mayamaya'siyang lalapitan ang bukas na pianong parang nagyayaya, at sandaling titipa ang maliliksing daliring tila mga kandila, samantalang ang mga mata'ipapakong walang kurap halos sa papel ng tugtuging lahad ang mga dahon. ang inaagpangan niya ng gayong pagtugtog ay isang fox trot na naglalarawan ng sarili niyang haka. kung ang mga ibon at maging halaman ay nagkakalaya sa pagiibigan, ang isang mestisa'dapat ding magnawnaw ng mga biyaya ng katalagahan. ang mestisa'may pagirog na kaparis ng balana, at anak din ni bathalang tumanggap ng isang mana; mana'dapat na gamitin ng ayon sa pinipita ng likas na pagkatao at sariling kaluluwa. sa harap ng batas ng pagkakalikha. babae'lalaki ay pantaypantay nga; kung gayon, mestisa, di dapat lumuha sa piling ng ibang kapwa mo diwata. | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Engracio L. Valmonte | kapagkuwa'siya namang haharapin ang malaki'malinaw na salamin, at dito'waring ipagtatanong kung ano pa kayang ayos ang marapat niyang gawin sa kanyang maganda nang pusod, kung ilan pang daan ng espongha ang marapat niyang gamitin upang mawalan ng balantan ang pulbos ng kanyang mukha; at kung alin pa kayang kasuutan ang sukat niyang ipalamuti sa kanyang baling kinitang pangangatawan upang maging kahalihalinang lalo ang kanyang anyo na ipasasalubong sa makatang kinahuhumalingan ng kanyang pagibig. nahagisan ng tingin ni elsa ang isang alilang babae na patagong sumisilip sa pinto ng kusina na wari'nangingimbulo sa kanyang pagbikas, at kanyang tinanong: maganda na ba ako? wala na pong maipipintas ang lalong pihikang makamamasid, ang may lakip na ngiting itinugon ng alila. kung ikaw ba'lalaki ay mahahalina ka na sa akin? patay na lamang po ang hindi tablan ng pagkahalina! at ikinasiya ng mestisa ang mga patunay na narinig sa alilang yaong babae ring paris niya. | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Engracio L. Valmonte | subali'gayon man, upang huwag yatang maging angap ang kanyang mga kilos, at nang mawalan na ng sukat makasaksi sa kanyang pagbibigay panahon sa pagpapakaliklik sa pangangarap ng gising sa laot ng mga hiwaga ng pusong inaalihan ng bulag at walang habas na pagsinta, ang ginawa'inutusan ang dalawang alilang tanging kasama noon sa bahay, na bumili ng kahi'anong bungang kahoy na maaaring magulasina, gaya ng siko, mansanas anoman. kung dito po sa malapit sa ati'walang mabibili niyan, ipinasubaling tugon ng mga inuutusan. kahi'doon sa palengke'sumaglit na kayo; at magtagaltagal ma'makapaghihintay na ako. at nawala noon din sa harap ni elsa ang kanyang mababait na alagad. nang mapanaog ang mga alila ay wala na siyang sukat pangilagan sa loob ng bahay. binuksan ni elsa ang isang lagpas taong aparador na sikip na sikip sa kanyang mahahalagang kasuutan. kumuha ng isang sayang sutla; isinunod ang isang may burdang baro; saka ang panyong nauukol na pangalampay. inilaglag sa sahig ang nasa katawan. | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Engracio L. Valmonte | at iyon ang inihalili. lumingon sa likod. at nagparaandaan sa harap ng isang malaking salamin, at binikasang maigi ang kanyang anyo. bawa'lupi ng panyo'iniayos na mabuti; bawa'lukot ng baro ay maingat na pinantay: at ang mahabang buntot ng saya ay boong husay na binitbit ng kamay na kaliwa. ayaw niya niyon! hindi iyon ang dapat niyang ipasalubong kay tirso. kung kapagkaraka'gayak na siya, mawiwika nitong talagang sinadya niya ang gayong pagbibihis. naglabas na naman ng iba: ang isa sa kanyang pinakamagagarang pangbahay ang napiling kunin. at gaya ng una, ay isaisang inilaglag ang kasuutang nasa katawan. nguni'hindi rin tumama sa kanyang loob ang damit na huling pinili, kaya'di na naman ipinagpatuloy ang pagsusuot. alin nga kaya ang kanyang marapat gamitin? narinig niyang tinugtog ng isang orasang nakasabit sa dingding ang ikapito ng gabi; at napadungaw siyang saglit sa bintana, gawa ng pagkainip, wari sa paghihintay sa kanyang tinipanang makata. | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Engracio L. Valmonte | wala pa, ang nasabi, marahil ay mahahatinggabihan ng dating ni tirso, yamang ang mga tao'nalalaang magpuyat ngayon dahil sa pagsalubong sa bumubungad na bagong taon. at pagalis sa durungawan ay napataas ang kanyang tingin sa mukha ng salaming kaharap. at kanyang nakitang sa boong hugis ng katawan niya ay walang nalalabing tagapagkubli ng kahihiyaan liban sa isang manipis at maputing damit pangloob na mula sa dibdib na nakaluwa ay nagtatapos ang luwang sa may kalamnan ng binting yari mandin sa lalikan. subali, dahil sa kanyang pagiisa, hindi inalumana ang kanyang pagaanyo, at nagyao'dito pa sa bulwagang binibigkas ang ganito: sinungaling iyang tubig, kapag hindi napilitang maginalon at sumulak, kung may apoy na nadarang; ang isda ay mailap nga'di mahuli sa baklaran nguni'dagling nabibinwit, pag may paing nakaumang. bulaan ang paroparong di maaakit sa bulaklak. | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Engracio L. Valmonte | pag ang ganda'kulay nito ay may tamis na kalangkap; gamogamo'hamak lamang, pag ang ilaw'walang ningas, datapwa'kung may sindi na'bayani ring matatawag. may halamang gabigabi'tikom nga ang mga dahon. parang taong natutulog na nahapo sa maghapon; nguni'tao'halaman ma'nagigising, nagbabangon. pag ang araw'may sikat nang sa lahat na ay pagukol. katiyap ng panghuling alingawngaw ng tulang itong bininigkas sa sarili ay naulinigan ng mestisa ang ilang sunodsunod na yabag ng mga paang mandi'pumapanhik sa hagdan. siya noo'nabubungad sa pintong paharap sa hagdanan, at sa isang pihit ng tingi'hindi mangyayaring di niya mapagsino ang pumapanhik na iyon. at nakilala nga: ang makatang hinihintay na darating. sa pagsasagupa ng kanilang mga mata, dalaw at dadalawi'kapwa napatdahan ng dila'tila nangapatulos sa kanikanyang kinatatayuan. inibig ni elsa na tumakbong magtago magtungo sa may sisidlan ng damit, datapwa'ang kanyang mga paa'hindi naiangat sa pagkakayapak sa ibabaw ng tabla. | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Engracio L. Valmonte | si tirso nama'nagtangkang manaog na walang paalam upang makaiwas sa gayong napakatuksong pagkakataon. subali'walang anoano'tinanggap ng kanyang mga taynga ang ganitong malambing na tawag ng birheng iyon na wari'naghihimala sa harap niya: magtuloy ka, tirso! at ang lalaki'napalingon sa kabila. at ang babae, sa gayong pagkakimi, ay madaling nakahalata. kaya'sa nakakikiliting kilos ay itinanong ng boong lamyos: may hinihintay ka bang kasama? at si tirso, sa narinig, ay parang dumamdam ng hiya. muling inilantad ang mukha sa harap ng himalang iyon ng karilagan, nguni'noon di'waring nangasilaw ang kanyang mga mata. kaya'ang mga ito ay mabanayad na kinublihan ng isang palad, bagay na siya namang ikinatanong ni elsa ng isang paaglahing turing: at ikaw ba ay napuwing? at ang makata ay wala nang nagawa kundi sumuko at pabihag na buongbuo sa diwatang iyong naghahatid sa puso niya ng di mailarawang mga tibukin. | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Engracio L. Valmonte | sinaksihan ng mga namamalikmatang balintataw ni tirso ang banaybanay na pagangat at pagdipa ng dalawang bisig ni elsa, na, nang mga unang sandali'nagmistulang lawin na dadagit ng sisiw, datapwa'kaginsaginsa ay nagsalangaylangayang mandi'lumalangoy sa gitna ng alapaap. nagiisa ka yata. pautal halos na namitiw sa mga labi ng lalaki, pagkalipas ng saglit na walang imikan. at kung nagiisa man? isinambot ng mestisang sinundan ng isang hakbang na papalapit sa kausap. nahahalayan ka bang makiharap sa akin ng sarilihan'? idinugtong pang punongpuno ng lambing. tanging naitugong lipos ng pagkakimi ng makatang pinaghaharian ng kabaklahan. mabilis na gaya ng isang nakasisilaw na kidlat, ay kagyat na nagdaan sa papawirin ng alaala ni tirso ang larawang mistula ng kanyang kabiyak ng dibdib na hindi niya matulusan kung saan naroroon. ang naibulong na lamang sa sarili. | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Engracio L. Valmonte | datapwa, ang paglalatang ng budhi ng mestisa ay patuloy na walang untoluntol, sumusulak na tubig na nahahandang mamayani sa kanyang maaaring lakumin. halika sa loob, tirso, kung hindi ka talagang nahahalayang makiharap sa akin sa ganitong ayos, anya. masok ka, at may mga kalugodlugod na balita akong iuulat sa iyo. pagkarinig sa gayong binigkas ng dalaga, isang pagkahalinang hindi mapaglabanan ang kaagad naramdaman ng makata sa kaibuturan ng kanyang sumisikdong puso. kaya'pigil halos ang paghingang sumunod sa nais ng magandang si elsa. dalawang mesedorang magkaagapay na anaki'tinatanuran ng isang nakapatungong salamin ang napili nilang pagtigisahan. at pagkahilig sa tinurang likmuan ay si elsa ang unang nagbukas ng pananalita. pinapagtataka mo akong lubha sa mga kilos na iyong ipinamamalas sa akin! natatalastas kong ikaw ay makata, isang lalaking anak sa tulaan at marahil ay magpapakatapos sa mga tulain. | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Engracio L. Valmonte | datapwa, sa di iilang pangyayari'napagkilala kong ikaw ay isa pa pala riyan sa mga kawal ng pagpapakunwari. gayon man, ay pakikibagayan din kita. na ikinahihiya mo ang ganito kong ayos na iyong nataunan sa iyong pagdating? magdadamit ako, kung gayon. pagkawika nito, ang mestisa ay maliksing tumindig; tinungo ang magarang aparador at nuha ng isang maringal na kasuutan, yaong kakulay ng apoy na nakadadarang at nakapapaso hanggang sa puso. pagkapagbihis ay muling pumiling sa kinahihiligan ng lalaki. oh, gaanong pagkasilaw ang nangyari noon sa mga balintataw ng makata! di ba tayo pasasa pandakan? ang mayamaya'naitanong ni tirso, nang mamasdan niyang si elsa'parang naghihintay sa kanya ng anomang sasabihin. oo nga, isinagot ng mestisa, nguni'mamayang maghahatinggabi, pagkatapos na tayo ay makapagpasyal sa escolta at makapanood sandali ng sayawan sa plaza moraga. kung gayon, ay tayo na. | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Engracio L. Valmonte | bago tayo lumakad ay ibig ko munang mangako ka: hindi mo na kaya ako lilisaning walang paalam na gaya ng iyong ginawa noong tayo'nakaautong magtungo sa luneta? hindi naikubli ni tirso ang isang ngiting may lihim na kahulugan, bago nakapakli. ibig kong ibalita sa iyo, elsa, anya, na sa mga sandaling ito marahil ay pinasisimulan na ang taunang sayawan ng club filipino at gaya ng pagkaalam mo, ako ay kaanib sa klub na iyan. gayon ma'wala ako sa sayawang iyon at ngayo'nasa piling mo, alangalang sa isa mong hiling na samahan kita sa pandakan. sa pangyayaring ito, ay dapat nang mahulaan mo na kahi'abutin tayo roon ng umaga, ay nalalaan akong hindi magsasawa ni lalayo sa iyong piling. at sino ang kapareha mo? walang iba kundi ang aking mabait at butihing kaibigang nagpahatid sa akin kanina ng isang mahalagang aginaldo, ang pinakatatanging mestisa na kausap ko ngayon. ang mestisang lagi mong inihahatid sa alanganing kalagayan!. inihahatid sa alanganing kalagayan? sukat na, tirso. | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Engracio L. Valmonte | may sayawan nga pala kayo sa club filipino ang sabihin mo sa aki'kung ano'hindi ka na naganyaya. alalahanin mong may sulat ka sa akin tungkol sa sayawan sa pandakan; anyayahan kita sa klub ay sasabihin mo na lamang na talagang binibigo ko ang iyong mga lakad. tirso, tila bumabait ka na ngayon. mangyari'nagaaral sa mga turo mo. sa lihim na pitak ng dibdib ni elsa ay dumalaw noon ang ilang tilamsik ng liwayway na waring naghatid sa kanyang kaluluwa ng mga unang balita ng isang kapalarang di maglalao'mapapakanya. nang sandaling iyon ay naitanong ni elsa sa kanyang sarili kung tunay nang ang kilos na yaong namamasdan sa makata ay nagtataglay ng ibang damdamin, ibangiba, yaong di papalayong gaya ng una, kundi papalapit na'magbibigay kasiyahan sa kanyang mga lihim na pangarap. tiningnan niya si tirso ng isang tinging parang nangungusap. at ang bilang naging tugon ng makata: kay ganda mo, elsa! | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Engracio L. Valmonte | kaikailan man sa boong pagkikilala nila ay di magunita ng mestisa na siya ay nakarinig na ng gayong hayagang pagpuri ng makatang si tirso, kundi nang gabing iyon. magdudulot na nga kaya ng masaganang ani ang mga pananim ni elsang inaalagaan sa pitak ng kanyang dibdib?. maalaala ko pala, ang mayamaya'narinig kay tirso, di ba'wika mo sa iyong sulat na ako'babalitaan mo ng ilang bagay na mahalaga ukol sa aking kasaysayan, kaya mo ninasang ngayo'maparito ako? oo nga, ang amin ng dalaga, nguni'nagaalaala akong baka hindi mo na naman paniwalaan. huwag lamang bang hindi ikaw ang magbabalita eh. sabihin mo na nga, elsa. mabuti'panggagaling na natin sa pandakan. anhin ko kung ayaw ka! di mo matatamo ang mahalagang balitang may kinaalaman sa babaeng kinauululan mo! at dagling nakaramdam si tirso ng malaking pananabik. may kinaalaman kay teang? itinanong na agaran. hindi ako nagbibiro, ang matatag na sambot ng mestisa. ay bakit ayaw mo pang sabihin ngayon? sinasabi ko sa iyong mamaya na. | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Engracio L. Valmonte | kung gayo'tayna sa pandakan. ayoko na yatang sa pandakan tayo magtungo. ibig mo sa aming klub? mabuti, kung magkagayon. nguni'lalong mabuti kung madaluhan natin kapwa ang dalawang sayawan sa gabing ito. sa klub at saka sa pandakan pa? una muna sa club filipino saka kapag maghahatinggabi na'tumawid tayo sa pandakan. ikinatuwa ng mestisa ang mungkahi ng makata. at noon di'inilabas na ang kanyang mahahalagang hiyas, isinakatawan ang mga ito, at pagkatapos ay isinuot ang kanyang bagong sapatos na kakulay ng ginto. dumating ang mga alila na taglay ang mga ipinabili ni elsa. hinuhulaan ko na nga bang paririto ngayon si mang silveira, ang manawanawang ibinulong ng isa sa mga alila sa kanyang kasama, pagkaabot kay elsa ng kanilang mga binili. kapag naghintay ay talagang may darating. itinugon namang lihim ng pinagsabihan. at hindi naglipat sandali'nasarili na naman ng makata at ng mestisa ang loob ng kabahayan. naito ang mansanas, ang magiliw na alok ni elsa sa kanyang panauhin. | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Engracio L. Valmonte | nagpabili ka pa pala niyan, ang nawika ni tirso pagkamalas sa ipinagaanyaya ng mestisa. nagpabili ako nito, tirso, at nais kong sa pamamagitan nito ay mahulaan ko ang iyong mga niloloob. sa paanong paraan? kung mamasarapin mo ang mga frutas na ito, ay ituturing kong mamasarapin mo rin ang pakikipareha sa akin ngayon; datapwa'kung mapuna kong hindi mo ito ikinasisiya, ay ipalalagay ko namang magpaunlak ka ma'napipilitan lamang. mabuting panghuhula! at sa panghuhula mong iya'walang pagsalang matutunayan mong boong kaluluwa'boong pagkataong ikagagalak ko ang pagdalo nating magkapareha sa sayawan ngayon, sapagka'kakanin ko ng boong pananabik ang. iyong mansanas. natawa si elsa. at natawa rin si tirso. makasandali ay saka nagsalita ang mestisa. natatandaan mo marahil na sa sulat ko'nasasabing magsasalo tayo sa gabing ito, anya, samantalang tinatapos sa bibig ang huling kagat ng isang mansanas na kanyang tinalupan. | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Engracio L. Valmonte | ang pagsasalong iya'matutuloy; hindi nga lamang dito kundi sa isa sa mga hotel restaurant sa maynila, sapagka'hindi na napigil ang pagpapauna sa pandakan kanina pa ng mga kapatid ko. tayna, kung gayon, tanging naipulas sa bibig ni tirso. may kalesang naghihintay sa atin sa daan. mayroon ba? at pagkapagiwan ng ilang tagubilin sa mga alila, ang mestisa'ang makata ay magkasunod nang nanaog at nawala noon din sa dilim ng gabi. ang kalesang sinasakyan ni elsa at ni tirso na isang de primerang walang taglay na bilang sa likod at hila ng isang masipag na kastanyong ayaw manding madiktan ng pamalo sa katawan, ay sinusundan ng dalawa pang mahahagibis ding kalesa na lumiwa sa tapat ng gusali ng germinal at paakyat sa tulay ng ayala, nang masalubong ng isa pa ring kalesang kinalululanan naman ng dalawang lalaking sa wika ni cervantes naguusap. pagkalampas ng sasakyan nina tirso ay halos nagkasabay ang pagulat na turing ng dalawang lalaking kasalubong: si silveira at ang mestisa! | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Engracio L. Valmonte | at kapwa hinabol ng tanaw ang kanilang nakita. at ang kanilang kutsero ay hinudyatang huminto. nakilala ba ninyong mabuti? dr. nicandro? itinanong ng nasa kanan sa kanyang kaagapay. kailan ma'hindi ako pinagdadayaan ng mga mata ko,. martinez, ang naging sagot ng nasa kaliwa. sa pagkatingin ko man ay sila rin. kung gayo'madali tayong magpihit at sila'tultulan natin. mabuti nga, at sa isang tukoy sa tagapagpalakad ng sasakya'sinabi: kutsero, vuelta . nguni'ang hayop na humihila ay tila suwail na hindi kadaglidagling nakukuha sa mga pabiglabiglang ubos. nagumurong pa muna sa mga tabi ng bakod na parang tumututol sa mga hampas na tinatanggap sa kutsero bago pumayag na bumalik ng lakad at muling tumakbo. nang makapihit ang sasakyan ni dr. nicandro at ni martinez ay di na nila mapagsiya kung alin sa tatlong kalesang nagpapatulinan ang kina tirso at elsa. gayon ma'pinilit nilang magdagdag ng bilis ang mabilis nang takbo ng kanilang kabayo, sa nais na mapalapit din sa tatlong nagpapalusutan. | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Engracio L. Valmonte | palo, kaibigan! ang utos pang nagkakanggagahol ni martinez sa kutsero. buwisit na kabayo! ang payamot namang saad ni dr. nicandro na sinasabayan pa ng kamot ng ulo. pagkabagalbagal! babayaran ka namin ng doble abutan lamang natin ang isa sa tatlong kalesang iyon, sinabi pa ni martinez sa kutsero. at ang kutsero, sa panghahawak sa karangalan ng pangungusap ng mga maginoong sakay niya ay walang imik na sunod na lamang ng sunod sa bawa'sa kanya'sabihin, samantalang ang likod ng kabayo'siyang nag uumaso halos sa malimit na lagpak ng pamalo. ilan pang sandali sa paghahabulan at nakita nina martinez na iisa na lamang ang kalesang kanilang nasusundan. at nagtibay sa kanilang paniwala na iyon ang kinasasakyan nga ng makata'ng mestisa. ang iba ay nagsiliko marahil sa ibang daan at hindi na nila mabakas. habol, at malapit na tayo! ani dr. nicandro. huwag na tayong hihiwalay sa sinusundang iyan kahi'saan makarating! | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Engracio L. Valmonte | samantala, ang mga sanhing naguutos ng gayong pagtultol ng dalawang lalaking magkasama sa lakad ng sasakyan nina elsa at tirso, ay mapagkikilala sa ganito nilang salitaan: ngayon tayo dapat maniwala sa kutob ng ating loob, ang sabi ng isa kay martinez. siya nga po, dr. nicandro, ang ayon ng kapiling. at ito po'hindi na kutob lamang ng loob, kundi isang katotohanan nang itinatalampak ng mga pangyayari sa ating mga mata. ako rin ang may kasalanan, kung sa bagay, sa ganitong aking napagsapit, ang wika pa ng manggagamot habang nagkukumamot halos ang kanilang kabayo. sapagka'gayong sa club nacionalista ay may nahalata na ako ay kung ano'hindi pa nagbago ng loob sapul noon. at matagal na rin bang nahahalina kayo sa mestisang iyan? mula pa po noong una kong makita iyan at makatabi sa sine ideal . kayo naman, kailan pa naging paris kong umasaasa sa pagkakapalad sa nasabing mestisa? oh, di ko na ibig alalahanin, doktor! | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Engracio L. Valmonte | sukat ang nalalaman na ninyong kapwa tayo sinawi ng ating pagasa, at wala na. sa ganang aki'wala na nga pong nalalabi kundi ang masunduan ko ngayon kung saan naroroon ang pugad na pinagpapasasaan ng aliw ng dalawang ibong iyan. kundangan naman kasi'nagpakahilam tayo sa babaeng iyan! parang ipinagtatanong pa natin kung ano ang mestisa!. nguni'kung ang babae po ay di ko pinagngingitngitan; at ang kanyang pagpapahalaga sa iba ay walang anoman sa akin na gaya rin ng pagkawalang anoman ng pagkahalina ninyo sa kanya. at di ba ninyo natatantong tayo ay wala kundi dadalawa lamang sa hanay ng di mabilang na mga lalaking paris natin na naaakit din ni elsa sa minsang pagbabati sa isang pagkakatitigan kaya? at ang kilos na iyan ni elsa ay siyang talagang kilos na sarili ng mestisa. samakatwid ay kay silveira kayo nagtatanim? paano po'pinamuhunanan ko ng magandang loob ang lalaking iyan, saka ganito ang iginanti sa akin. | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Engracio L. Valmonte | ah, magkasama nga raw yata kayo sa philippine law school tangi po sa riya'nakatukatulong din niya ako sa kanyang mga lakad para sa isa pang babaeng kababayan ko pa naman. at may nililigawan pa bang iba? di po lamang nililigawan, kundi talagang nobya na. at saka ngayo'si elsa balboa naman ang kasama? iyan po ang labis kong ipinagdurugo ng puso! tunay nga palang ang poeta ay walang kabusugan, walang hindi pinipintuho, walang hindi inaawitan ng kanilang mga tulain. paano ka nga ba sa mga taong iyan! pasasaan ba'hindi ako makagaganti! pagsapit dito ng salitaan ng dalawa, ay namalas nilang ang sinusunda'ayaw hiwalayang sasakyan ay biglang nagtigil sa isa sa mga tagong lansangan sa sampalok. aha, at dito pala! ang sabi ni martinez, kasabay ng pigil sa balikat ng kutsero. nalalaman na natin ngayon! ang susog naman ni dr. nicandro. kutsero, huwag tayong pakalapit at baka makita nila. | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Engracio L. Valmonte | nguni'ang kabayong nagngingitngit mandi'hindi napigil ng nagpapalakad kung hindi nang halos ay mabunggo na lamang ng kanilang kalesa ang kalesang sinasapantaha nilang kinaroroonan ni tirso at ni elsa. sa gayo'kapwa walang maalamang gawin sa pangungubli, dahil sa malaking pagaalaalang sila'makikita ng makata at ng mestisa, kung ang mga ito'magsiibis sa sasakyan. datapwa'wala nang magagawa; nagkasubuan na. maghintay na lamang sa pagibis ng dalawa. ang dilim ng gabi ay maaari na marahil na maglingid sa kanila sa mga mata ni tirso at ni elsa. nang mga sandaling hinihintay nina martinez at dr. nicandro ang panunod na pagpanaog sa sasakyan ng mestisa'ng makata, ay siyang paglunsad sa malapit sa kanila ng isang malaki'mabigat na katawan ng isang lalaking ang kulay ng mukha ay nakikipangagaw sa dilim ng gabi. isang matabang negro! ang naibulong na punongpuno ng mangha ng kutsero sa dalawa niyang sakay. ang hindi naman magkantututong sambot ng dalawa. | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Engracio L. Valmonte | at noon di'namasdan nilang sila'nilapita'kinikilala ng tinurang negro . at pagkalapit sa kanila'tumanong: what are you doin, here, hombre? por que sigue conmigo ang kutsero, sa kabiglaana'pagaakalang siya ang tinatanong, ay halos mautal sa pagsagot ng: no gat, sinyor, no gat; mi bueno hombre. salamat sa ganitong nakatatawang tugon ng kutserong nahintakutan nga yata sa itim at laki ng tinukoy na amerikano, si martinez at si dr. nicandro ay kapwa malamig ang loob na humingi ng nauukol na paumanhin matapos na ipaliwanag ang kanilang pagkakamali. ang amerikano'anyong nagalinlangan pa sa mga ipinahayag ng dalawang magkasama, subali'dahil sa napaghalatang sila'mga tao ring may pinagaralan, alangalang sa kanilang malinis at sanay na paggamit ng inggles, saka sa mabuting ayos ng kanilang pananamit na di mahihintay sa mga may masasamang loob na dapat paghinalaan sa gayong pangyayari, ay nagkibit na lamang ng balikat bago tumalikod na pumanhik sa isang bahay na nakaurong sa daan. | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Engracio L. Valmonte | gayon na lamang ang nangyaring tawanan ng mga naliho ng kadiliman ng gabi. at habang nililisan nila ang pook na yaon, ang pagngingitngit ng loob ay pinararaan sa matunog na halakhakan. pero wala ka bang nakitang isang babae'isang lalaki sa mga nasalubong natin sa may tapat ng germinal itinanong ni martinez sa kutserong nagtututop ng tiyan sa di mapigil na tawa. mayroon nga po. ay saan nagtungo? aywan po ba; ang boong asa ko'talagang ang nasusundan natin. at si dr. nicandro'halos hindi makapagsalita sa pagiihit ng tawa. martinez, ibig ninyong magbalik tayo sa pasay upang matiyak kung siya nga hindi ang ating nakita? ang tanong makailang saglit. hindi na po kailangan, ang tanggi ng tinukoy. at di ba kayo naniniwalang talagang siya at si silveira ang nasalubong natin? naniniwala rin, nguni'nasaan sila? ano'isang matabang negro ang nakatungo natin pahinto ng ating sasakyan? ang buwisit na negro at sumunod na naman ang pagkakaingay ng tawanan. | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Engracio L. Valmonte | sa mungkahi ni martinez, ay minarapat ng dalawang makikisig na binatang kabilang sa, hanay ng mga nabibighani ng dilag ni elsa nguni'di nagtatamong pala, na magtuloy sa isang bar sa santa cruz upang kung mangyayari'lunurin ang malaking pagkabigong kanilang kinamtan sa loob ng ilang kopita ng alinmang inuming pumapaso sa lalamuna'dumadarang sa diwa. anopa'dahil nga sa kabiguang iyon at pagkapahiya pa sa harap ng isang amerikanong itim, ang pagkamanggagamot ni dr. nicandro ay walang nagawa kundi makiayon sa gayong mungkahi ng kasama. sinarili ni martinez at ni dr. nicandro ang isang munting mesa na nasa isang dulo ng tindahang iyon ng sarisaring alak, ng sa isipan nila'walang namumugad kundi ang larawan ni elsa at ni tirso na magkapiling ng boong laya, sa loob ng isang kalesang aywan nila kung saan nagtungo. ang dalawang binatang ito ay nagkita nang gabing iyon sa liwasang goiti. | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Engracio L. Valmonte | at sapagka'nagkakilala sila sa sayawan sa club nacionalista nang isang gabing kasama ni martinez si elsa, ang ginawa ng manggagamot ay kinaulong ang lalaking ito ng ang mestisang sinabi ang tukoy ng kanyang pakikipagusap. sa pagniniig nilang iyon ay dili ang hindi sila nagkatapatan ng kanikanyang loob hinggil kay elsa, at napagkaisahan nga tuloy na sila'magsadya kapwa sa pasay, at magpasumalang maganyaya sa mestisa sa pakikigalak sa bagong taong bumubungad, si martinez na sadyang may ugaling di makapagsarili ng lihim, at si dr. nicandro na masasabi namang halos mahibanghibang na sa ngalan at larawan ng mestisa, ay kapwa hindi gumamit noon ng pagkakaila at ang tuyo at lagay ng isa ay ganap na sumakaalaman ng isa pa. anopa'sa wakas ng kanilang salitaang iyon ay lubusang napagtalastas ng isa'isa na sila ay kapwa nabibilang sa mga lalaking gayong pinagpapakitaan ng mabuting loob ni elsa ay kung ano'hindi naman magkamit ng kanilang minimithimithi. | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Engracio L. Valmonte | at kapwa sila umamin, lubha pa nitong masalubong nga nilang kasarilihan ni elsa sa dilim ng gabi si tirso, na ang mga lakad ng makatang ito ay talagang malayo na ang nararating na kung pakahahabulin pa nila'dili ang hindi mangyari ang sila'uyamuyamin at ngisihan na lamang. wala na tayong nararapat gawin,. martinez, kundi ang pawiin na sa ating alaala ang mestisang iyan, ang wika ng manggagamot nang maparaan sa lalamunan ang unang tungga ng nakalalasing na inumin. kung sa ganang akin nga ay walangwala na ang lahat, iniayon naman ng pinagpayuhan. nguni'ang hindi lamang yata karakarakang mapaparam sa gunita ko ay ang di mabuting iginanti sa akin ng lalaking pinautangan ko ng magandang kalooban: si silveira. ang ginawi ng lalaking ito anhin ko mang limii'humihingi ng nababagay na kapalit, ng nauukol na paghihiganti. hintay kayo! | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Engracio L. Valmonte | biglang inihadlang ni dr. nicandro sa pangungusap ni martinez, at ang mga mata'palihim na itinudla'saka binawi sa dalawa pang lalaking nasa isang mesitang di lubhang kalayuan sa kanila, sa may tinatalikuran nati'tila nauulinigan kong ang pinaguusapa'dili iba'ang pinaguusapan din natin. ibig ba ninyong makimatyag? ang dalawa ay kapwa nanahimik at tinalasan ng taynga ang sinasabi ng nasa kanilang likuran na nang kanilang linguni'hindi naman namukhaan. at ang narinig nila: ganoon ang lalaki! nasusulit ang pagod! hindi paris mong sa pamamalakaya sa mestisang iyan ay panay na talo at walang panalo. ang sabihin mo'lalong mapalad siya kaysa akin. kung ako ang nasa katayuan ni silveira, hindi ko masabi kung saan na kami nakarating! ibig mo bang sabihi'hindi mo magagawa ang paris ng ginagawa ni silveira? ang sinasabi ko ay magagawa ko ang paris ng iyong hinahangaan sa kanya, kung ako ang nagkaroon ng kapalarang maghari sa kalooban at pagibig ni elsa. | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Engracio L. Valmonte | sa salitaang nauukol sa babaeng mestisa, ay di na kailangan ang paghahanap paghihintay ng kapalaran. ang pagkakapalad ng isang gaya natin sa harap ng mestisa, ay di sa mestisa nanggagaling kundi sa atin din. ang mestisa ay hindi kagaya ng ating mga babaeng ibig na'ayaw pa. ang kaibang sangkap ng dugo ng isang paris ni elsa ang nagbibigay sa kanya ng kaibhan sa wagas na pilipina. kung sa bagay ay di ko natatalos ang hulo at luwasan ng mga lakad sa kanya ni silveira, nguni'gayon ma'hinuhulaan kong kung nagkapalad man ang lalaking iyan ay sapagka'natutuhan niyang tugunan ang mga lihim na hangarin ng mestisa. nalurok niyang si elsa ay may kaluluwa na laging nauuhaw sa hamog ng kabataan, na ang puso'lahad na parati sa dilig ng sarisaring aliw na idinudulot ng kamunduhan; si silveira nama'walang sinayang na pagkakataon, at ang lahat ng iyo'kanyang inihahandog ng ubos kaya. at kung kayo ng makatang iya'may pagkakaiba, ay sa dakong iyan kayo talagang nagkakalayo. | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Engracio L. Valmonte | nguni'si elsa balboa ay hindi paris ng balanang mestisa. sa dinamidami ng naaamuyan kong nangingibig sa kanya, ay iisa lamang naman si silveira na nakalalamang sa akin. di siya katulad ng ibig mong ilarawan na may pusong tuwina'may pitak sa sangdaan mang pangalan. kung bagaman ay sa dahilang hangga ngayo'nagiisa pa rin si silveira na natututong bumagay sa maiinit na sulak ng dugo ni elsa. subukin mong gawin ang mga kasanayan ng makatang iyan, at makikita mong ako'hindi nagpapakalabis sa aking mga hakahaka. aywan nga ba sa mestisang iyan!. paris ngayon: ano ang napanood natin? samantalang ikaw at ang tanang paris mong tutulogtulog ang damdami'waring naglalaway sanhi sa pagkatingala sa isang manggang nakabitin sa puno, si silveira naman ay boong pagwawaging nagdaan sa harap nati'kakawit bisig ang mestisa na pumanhik sa isang hotel. | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Engracio L. Valmonte | pagkarinig nina dr. nicandro'martinez sa dakong ito ng salitaan ng dalawang lalaking hindi nakikilala, bagaman alangang asalin ng gaya nila ay kapwa sila nagtangkang makilahok sa gayong paguusap, upang kung sakasakali'kanilang matalos kung aling hotel ang binanggit na iyon. datapwa'hindi naman nangyari, palibhasa ay panunod nang nagsilabas noon din sa pintuan ng tindahan ang mga lalaking kinaringgan ng gayong salitaan. si elsa at si silveira sa hotel sa ganitong oras! ang pakagat labing nasambit ni martinez. ah, talagang ang kapalaran ay kanila na! kaya dapat na tayong magpugay sa kanila, ang wika naman ng manggagamot. nguni'kung hindi ang buwisit na negro sana'hindi nila tayo napaglihuan. at ang dalawa man naman ay nagsilabas na rin. sa nais manding ganap na malimutan ang gayong dagok ng kasaliwaan ay nagkaisang magpapauwi na kapwa ng bahay at hindi na tuloy makikibahagi sa kasayahang pinagpupuyatan sa lahat ng dako. | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Engracio L. Valmonte | kinakailangang gamitin ko na ngayon ang lahat ng paraang aking magagamit sa ikapagwawagi ng aking mga adhika, ang naibulong ni elsa sa kanyang sarili samantalang pinagmamasdan niya ang masasayang kilos ni tirso nang sila ay nagsasalo ng boong lugod sa isa sa mga mesa ng hotel de francia . at may katuwiran si elsa upang magsaloob ng ganyang balak. ang damdamin at palagay na kanyang nadadama sa bawa'kilos at pangungusap ng makata nang gabing iyon, ay talagang di na kagaya ng dating may lamig ng yelo ng pagkawalang pakiramdam, kundi may init na ng apoy ng isang kaloobang pinapagaalimpuyo ng lihim na pagiimbot. | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Engracio L. Valmonte | ang ginawang paghawak ni tirso habang nasa kalesa sila sa kanyang dalawang maliliit na kamay na binibigyan pa ng bahabahagyang pisil na isinasaliw sa kahi'anong sabihin; ang pagpaparinig sa kanya noon ng mga halimbawang may dalawang kahulugan na kung minsa'makakiliti at kung minsa'makakalamkam; at ang malimit na paglalagay sa pinggan niya ng sarisaring ulam nitong nagsasalo na sila; saka ang mahigpit na pagtanggi'pagkakaila ni tirso nang banggitin niya'pakibalitaan si teang; ang lahat ng ito ay mga pangyayaring mahigpit sa kailangan upang siya, si elsa, ay magkapaniwalang si tirso ay dili ang hindi nga natatawag na sa di karaniwang alindog na tinataglay ng kanyang pagkamestisa. | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Engracio L. Valmonte | at ang paraang dapat kong gamiti'ang lunurin siya sa galak, lasingin ang puso niya sa alak ng aliw at kung mangyayari'suubin ang kaluluwa niya ng kamanyang ng ligaya, hanggang sa pumaimbuyog sa lawak ng pangangarap ang kanyang diwang kapatid ng mga salamisim, ang wika pa ni elsa, habang tanggap siya ng tanggap sa bawa'putaheng sa kanya'idulot ng makatang kapiling. sinabayan muna ng mestisa ang pagtagay ng valdepenas ni tirso bago muling ipinagpatuloy ang lihim na pagduduklay sa sarili ng ganito: ang ginawa ng pari sa hihigan ni teang na natutop ni manang magda sa tahanan ni tia basilia ay mabuting ipaghintay ko na muna ng ibang pagkakataon para ibalita sa kanya sa ayos na magalingin ko. kung iyo'ngayon ko sasabihin, anomang balatkayo'hindi makagigitaw at ang dibdib niya'papasuking walang sala ng malaking kalumbayan. kung magkagayon ay nanganganib akong maparam na nama'sukat ang ganitong kanyang mga kilos at palagay na sa masid ko'nangangako ng aking nalalapit na tagumpay. | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Engracio L. Valmonte | elsa, ang sa malambing na tinig ay itinawag sa kanya ng makatang kasalo, tawag na siyang gumambala sa kanyang pagmumunimuni. nahuhulaan mo kaya ang sukat isaloob ng mga taong nakamamalas sa ganito nating anyo?. at ang tanong na iyo'lalo pang nagparamdam ng kasiglahan ng pagasa sa mga lamad ng puso ng dalaga at siyang nagpapula ng kanyang mukha sa sandaling iyon. kaikailan man ay di siya nakaririnig ng gayong pangungusap na iniuukol sa kanya ni tirso. subali'ano ang marapat niyang itugon? hulaan mo nga, elsa, ang iniisip ngayon ng mga taong iyang nagtingintingin sa atin, ang pangiti pang saad ng makata, kasabay ang panakaw na pagpupukol ng sulyap sa mga iba pang taong nagpapasikip sa malaking hotel na iyon. ang sa di kawasa'ipinakli ng mestisa, ang aking hula ay iniisip nilang sila'nakakikita ng isang lalaki at isang babae na nagsasalo sa mesitang itong ating pinaghaharapan. mabuting panghuhula! nguni'hindi iyan ang ibig kong marinig sa iyo. | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Engracio L. Valmonte | nakakikita nga sila ng isang babae'isang lalaki sa mesitang ito; nguni'ang kung ano ang kanilang ipinalalagay na sanhi ng ganitong pagsasalo ay siyang ibig kong hulaan mo. sanhi ng pagsasalo? alin pa kung hindi ang pagkain! kay pilyapilya mo! hindi ba tama ang aking hula? pagkain nga. subali'magano ang palagay nila sa atin? alalaong baga: magkapatid magkaibigan? magkaibigan magsinggiliw, magsinggiliw magkaaway? diyan ka natalo! ikaw: ano ang hula mo? itinuturing nilang tayo ay dalawang pusong iisa ang tibukin. makikita mo'iiwan kita, kapag ganyan pagkapilyopilyo mo. at kanino ka sasama? kung kanino nga, eh? sa lelang mong panot! at biglang itinungga ni tirso ang nalalabing laman ng kopang nasa harap niya. pagkatapos ay nagmukhang malungkot, saka itinanong sa mestisa: kung iiwan mo nga ako, elsa, ay kanino ka sasama? nahihibang ka ba, tirso? ano ang nangyayari sa iyo? malinaw ang aking pagiisip. datapwa'nais ko lamang na magkaroon na ng wakas ang mga pagaalinlangan ko. | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Engracio L. Valmonte | sumikdo ang dibdib ni elsa. pagaalinlangang paano? kanyang itinanong. sukat na nga, tirso, iyang mga kaululan! limutin mo muna ang iyong pagkamakata. pagkamakata!. ako'bantad na sa iyo. bantad na paano? na ako'may labis nang pagkakilala na ikaw ay nagsasalitang lumilipad sa malayo ang isip. iyan ang hindinghindi mo mapatutunayan. ako ay may pinagbabatayang mga pangyayari. pangyayaring ano? itigil mo na muna iyang kaululan, sabi eh. ang isipin mo ay kung saan tayo nararapat dumalo pagkakain natin: sa pandakan na magdaan pa kaya sa inyong klub. sa klub muna namin. maging saan man ang tungo nati'dapat mong paggayakan kung ano ang imamatuwid mo, sakaling makarating sa mga taynga ni teang ang ganitong ating pakikipaglamay sa kasayahan ng gabing ito. si teang ay wala na sa akin, at ni di ko maalaman kung saan siya naroroon sa mga oras na ito. ay kapag naalaman mo kung saan siya naroroon? magkagayon ma'wala akong sukat na ikabahala. tunay na tunay! at ang mestisa ay nangiti. | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Engracio L. Valmonte | at ang makata ay napatitig. sabihin mo nga, elsa, kung saan naroon si teang. ani tirso mayamaya. sabihin ko sa iyo? ang tanong ng dalaga. kahi'wala na siyang anoman sa aki'ibig ko lamang matalos ang kinadoroonan niya. talagang may pagmamalasakit! hamo'mayamaya, at kung hindi matuloy ay sa iba nang araw. nagkataon namang sa lalapit ang tagapaglingkod na may idinudulot na malamig na sorbetes, bilang pangwakas na nasasaysay sa di pangkaraniwang menu na inihandang pangbagong taon ng hotel de francia. nang sila ay manaog sa gusaling yaon, ay kasunod na nila ang kung anoanong bulungan ng mga taong mapagbigay ng kahulugan sa kahi'anong makitang kilusan ng isang babae'isang lalaki na gaya na nga ng kina tirso at elsa. masama ang lagay ng dalawang iyon! malamang na malayo ang abutin ng kanilang mga lakad. pagkakabisala'may maipagsusulit silang masarap na. bagong taon ngayon sa kanikanilang mga magulang. ang asal nga naman ng kabataan sapanahong ito! | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Engracio L. Valmonte | sa aba ng mga ina at ama na naninibulos ng pagtitiwala sa kabaitan ng anak! at ang mestisa'ang makata, makailang saglit pa, ay kasalamuha na sa di magkamayaw na taong naglisawlisaw mula sa plaza moraga hanggang sa pasalapang na dulo ng escolta. sa mga pook na sinabi, gaya ng ginagawa sa taon taon, nang gabing iyo'lumundo ang di mabilang na taong kung saansaang dako nagbuhat, mga taong paraparang kinababadhaan sa mukha ng kagalakang hindi masayod. sa magkabilang bangketa at hanggang sa gitna ng lansangan ay salusalubong ang mga nagbibiruan ng boong tiwala. naghihiyawang animo'mga kawal na galing sa pinagwagihang digma. may pinatutunog ng ubos lakas na mga pakakak tambol, lata anomang bagay na makatutulong sa kaingayan. naghahagisan ng confetti hanggang sa mangapuwing at mangasamid. nagsisiluan ng mahahabang serpentina . lumalakad ng papasingpasing; umaanyo ng katawatawa; nagpapahid sa mukha ng kung anoanong kulay; ngumingisi, sumisigaw, humahalaklak. | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Engracio L. Valmonte | anopa'kung ang bathalang sinasamba ng mga taga mundong ito ay siyang tunay na bathalang nakababatid ng tanang ginagawa ng kanyang mga nilikha, ay labis na sanang makapagpalubag ng kanyang poot ang gayong pagdurumog ng kamaynilaan sa walang habas na pagdiriwang bilang tanda raw ng pasasalamat sa kanya tuwing sasapit ang paghahalili ng mga taong binibilang sa kabuhayan ng mga tao. at ang bayang ito ay di na sana niya inibig na ipadalaw na lagi sa sarisaring salot at kapanganyayaang gaya ng kolera, pagsasalat sa ani at pangdadayupay ng mga dayuhan. subali, sa may napapala wala man, sa natatalos hindi ni bathala ang gayong inaasal, ang totoo'mistulang ulol nga ang lahat kapag gayong gabi na ng pagsalubong sa bagong taon. sa mga, bahaybahay ay halos mga sanggol lamang na walang isip ang natitira sa higaan. | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Engracio L. Valmonte | babae'lalaki, lipas ma'nasa kapanahunan, ay dili ang hindi nagbabata ng puyat at nakakayag na magsadya sa escolta at sa pakikipaggiitan sa kapal ng tao'doon na naghihintay ng pagtugtog ng ika ng hatinggabi. pagsapit ng oras na ito, ay nagsasabaysabay namang gigimbal sa apat na panulukan ng himpapawid ang mga sipul ng mga pagawaan at sasakyang dagat; ang mga batingaw ay magsisiawit ng ubos kaya mula sa kanikanilang kinalalagyan sa mga taluktok ng simbahan, hudyat na nagbabalita sa lahat na bagong yugto na naman ng panahon ang humahandog sa buhay ng tao. at si elsa at si tirso ay nagdaan pa nga muna sa escolta na kaparis ng balana. ang buhok ng mestisa ay sinaliksik at ginusot ng mga saboy ng confetti ang mga taynga ni tirso ay nabingaw halos sa itinututok na sigaw ng mga tambuli, at sila kapwa, bagaman magkakawit ng bisig at di naglalayo bahagya man, ay nagbata ng di gagaanong pagkalukot ng damit at pagkalupiras halos ng boong katawan. | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Engracio L. Valmonte | gayon man ay lalo pa silang nagalak, katulad ng madlang nakasalamuha nila. at kung hindi lamang totohanan nang wala silang daan upang masilip man lamang ang sayawang ginagawa sa binilogbilog ng liwasang moraga, disi'nalimutan na nila ang pagsasadya sa pandakan, matapos na magpalipas ng mga lima sampung tugtugin sa sayawan sa balitang klub sa avenida rizal. ibinabalita na ngang kasalukuyan ng mga sipul ng pagawaan ng yelo ng pamahalaan at ng mga sasakyang nalilimpi sa palibidlibid ng ilog pasig ang maluwalhating pagpasok ng taong nang si elsa at si tirso ay magkakawit ang mga palad na sumasakay sa isang munting bangka na, animo'maitim na kabaong na lumulutang sa ibabaw ng mahinhing agos ng ilog sa may nagtaha na ang tubig noo'nakikikulay sa kadiliman. elsa, lumigaya ka nawa sa bagong taong ito! tirso, maging mapalad ka sana sa mga pangarap mo! | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Engracio L. Valmonte | dinatnan ng dalawa ang isang lalaking may kagulangan na, na sa anyo at pagbabansag ay napagkilala nilang siyang tagapagpalakad ng tinurang sasakyan. ayon sa pahayag ng lalaking iyon, ang bangka niya ay isa sa labingdalawang bangkang sadyang inilaan ng maypiging sa pandakan upang ipaglingkod na talaga sa tanang dumating na panauhin. at ang ganyang pahayag ay pinatitibayan naman ng mga napapansin ng magkasama na mga palamuting palaspas ng niyog, maliliit na watawat at mga parol hapong walang sindi, saka tanikalang papel na nagsalabat sa lahat ng panig ng nasabing bangka. narinig ni tirso na painong itinanong ni elsa sa matanda: bakit po wala kayong ilaw? at ang naging sagot ng pinagtanungan: kanina pong maagaaga pa'mayroon, nguni'pawang nangamatay sa hihip ng hangin. | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Engracio L. Valmonte | si tirso, na nang gabing iyo'napanibaguhan ng malaki ni elsa dahil sa mga kilos at pananalitang kung tayahi'parang nagpapahayag na ang mestisang ito na lamang ang tanging naghahari sa kaibuturan ng puso niya; pagkarinig sa gayong pagbanggit ng tungkol sa ilaw ay malamyos na bumulong sa kanyang kapiling. bakit, elsa, iniino mo pa ang pakawalang ilaw? nadidimlan ka ba sa piling ko? si elsa'biglang nakaramdam ng kaba ng dibdib. ano na kaya ang ibig sabihin ng gayong pagtatanong?. sabihin mo, elsa, ang wika na namang narinig sa lalaki, natatakot ka bang makipagsarilihan sa akin sa laot ng kadiliman at sa loob ng isang bangkang paris nito na tila duyang inuugoy sa ibabaw ng tubig? at ang mestisa ay nangliliit manding sumagot ng bahagyang: hindi naman, tirso. kung hindi, ay bakit mo pa pinapansin ang kawalan ng ilaw? mangyari ay madilim. tayo, elsa, ang hindi ko malaaman kung kailan pa mangyayaring magkaisa ng iniisip at dinaramdam. at hindi ba totoong madilim? aywan nga ba sa iyo! | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Engracio L. Valmonte | sa ganang akin, kahi'natuturang madilim na ganyan ang gabi, kung ganitong kasama kita, kasarilihan sa laot ng katahimikan at lingid sa mata ng mga makasalanang tao, ay. kalabisan na lamang ang liwanag ng iba pang ilaw. mistulang nasusian ang bibig ni elsa. kaikailan man sa malimit na pagtitiwala niya ng kanyang pagkadalaga sa pagkalalaki ni tirso, ay noon lamang siya totohanang sinidlan ng takot sa makatang ito. kinusa niya ang pagliham kay tirso upang ito ang kanyang makasama sa pagdalo sa pandakan, pagkapalibhasa'hinahangad niyang patabangin ang loob ng nasabing makata sa pagkababae ni teang sa bisa ng ibabalita niyang himala ni pari casio na napatanghal sa bahay ng kanyang ale: at ang pagtabang ng loob ay kanyang hinahangad, upang mapapagiba niya ng hilig ang mga pangarap ng makatang iyan, matutong umunawa sa masisidhing pitlag ng kanyang puso, at kung mayayari'matuto ring magpahalaga'tumugon ng nararapat sa lihim na pita ng kanyang kaluluwa. | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Engracio L. Valmonte | ang ganitong tunguhin ay siyang namumugad sa kanyang isipan, kung kaya'nang mapanhikan ni tirsong siya'nakasuot pangloob lamang ay hindi na siya nagkubli. ito rin ang nagatas sa kanyang matiwalang pagsalo sa makatang iyan sa hotel . at siya rin namang nagbigay sa kanya ng balak na kung maaari'lunurin na niya noon sa alak ng aliw ang boong pagkalalaki ng tinurang makata upanding magkamit na lamang ng kasiyahan ang kanyang mga hinahangad. subali'ngayong ang kanyang pain ay tila hihigitin na, at ang ibong pagkailapilap ay waring darapo na rin sa iniuumang niyang bitag, ay aywan ba niya'kung bakit siya na rin ang nagkagayong nasindakan ng loob, napatdahan ng dila at pinanglamigan ng boong katawan. higit kailan man ay noon pa lamang naniwala ang kanyang pagkamestisa na siya pala ay babae ring katulad ng manipis na kristal na napapanganib na lubha kapag nalalapit sa matigas na bakal. malayo pa po ba tayo sa pampang, mama? | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Engracio L. Valmonte | ang naitanong na lamang makasandali ni elsa sa tagapagpalakad ng bangka. malayolayo pa rin po, itinugon ng matandang nakapatag ng upo sa isang dulo ng sasakyan at walang tahan ng kasasagwan. at si tirso ay may sinasabi na naman sa lalo pang paanas na salita: ikinaiinip mo na ba, elsa, itong pamamangka natin? at ang mestisa'pumakli: baka ako'pinakahihintay na ng aking kapatid. sinasabi ko na nga ba'talagang nagkakalayo tayong lagi ng pagaakala! pabuntonghininga pang saad ng makata. saka idinugtong: samantalang ang ibig mo ay agad tayong makaahon sa pampang, di ko na lamang naman anhi'huwag nang matapos ang pamamangka nating ito. tirso, di ko pala dapat paniwalaan ang sinabi mo kanina nang tayo'nasa bahay pa. alin iyon? yaong winika mong kahi'abutin tayo ng umaga sa pakikipagsayaw sa pandakan, ay natatalaga ka ring makikipagtagalan at di magsasawa. alin pang sayawan ang tinukoy mong kahi'abutin ng umaga, kung ganyang nasa pamamangka palang ganito ang iyong loob? | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Engracio L. Valmonte | nasabi ko iyon sa kahulugang saan man tayo makarating at saan man tayo maparoon ay natatalaga akong umagahin sa iyong piling. at sapagka'dito man sa bangka ay nasa piling mo rin ako, kaya baga aking pinanghihinayangan ang madaling ikatatapos ng ating pamamangkang ito. nguni'sayawan at hindi pamamangka ang ating ipinarito. sa ganang aki'iisa ang katuturan niyan, kailan pa ma'tayo rin ang magkapiling, ang magkapareha, ang magkaakbay. at kung ako'pamimiliin mo kung alin sa pagsasayaw at sa pamamangka ang aking ibig, ay masasabi ko sa iyo ng boong pagtatapat na ibig ko na ang ganitong pagsasarili natin sa ibabaw ng payapang tubig kaysa magtungo pa sa maalingasngas na sayawan. hindi na maalaman ng babae kung ano ang kanyang isasagot. ang himig ng mga katagang iyan, na bagama'marahang ibinubulong sa kanya'naririnig naman ng boong linaw hanggang sa liblib na liha ng kanyang puso, ay labis na nakababalisa sa kaluluwa niya at nagdudulot sa kanyang diwa ng di mapaglabanang pangamba. | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Engracio L. Valmonte | nang ang makatang yao'anyong nagbibingibingihan sa mga silakbo ng kanyang naglalatang na damdamin, marahil ang mga katagang iyan at hindi iba ang pinananabikan niyang marinig. nguni'ngayong ang mga iya'boong lambing nang umaalingawngaw sa kanyang mga pangulinig, nanggagaling sa mga labing hirati sa pag awit ng mapapanglaw na hibik ng puso'taghoy ng kaluluwa, ngayon nga, ang pagkababae niya ay kung ano'parang tinatawag ng kapanganyayaang sukat ikabalino ng lalong matining na kalooban. nagunita ni elsa na ang lalaking yaon na kinahahabilinan noon ng boo niyang puri ay may kinabibighaniang ibang alindog: si teang. at ang tinatangka niyang paglalarawan sa babaeng ito sa harap ng naturang lalaki sa anyong sukat ipamutla ng mukha'ipangrimarim ng budhi, ay hindi pa niya nagaganap. hindi kaya isang marungis na pagiimbot lamang ang umaaling iyon kay tirso upang gumamit ng gayong mga bigkasin at kilos na lubhang nakababahala sa kanyang pagkadalaga?. | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Engracio L. Valmonte | tila ang mga napagdaranasan ay nagtuturo kay elsa na ang pagiingat kailan ma'hindi kalabisan, at ang malabis na pagtitiwala sa lalaki kung minsa'maaaring magbudlong sa babaeng gaya niya sa bangin ng pagkapariwara. ito po ba, mama, ang ilog na sinasabing pinamangkaan daw yata ni balagtas at ng kanyang selia? ang narinig na naman ni elsa na itinatanong ni tirso na nakapalingon sa matanda. hindi po, ang naging sagot, tila po ang nababanggit sa florante at laura ay ang mga ilog ng kahilom at beata. malayo po ba tayo ngayon sa mga ilog na iyon? ang usisa pa ni tirso. sa beata po ay malapit na, nguni'ang kahilom ay may kalayuan pa. at ang mestisa na naman ang kinausap na pabulong ng makata. elsa, anya, nalalaman mo ba kung bakit pinakikibalitaan ko ang mga ilog na nilakbay ng hari ng mga, makatang tagalog? ibig ko sanang ipagpalagay ngayon, kung tayo ay nasa alinman sa mga ilog na iyon, na ako ay si balagtas at. ikaw naman ang aking selia. | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Engracio L. Valmonte | nguni, tirso, sa kasaysayan ng balagtas na iyan ay nasasabi bang siya ay nagkaroon ng dalawang selia? kung gayon, kahi'makata ka, ay hindi mo maipagpapalagay na ikaw ay si balagtas. dalawa ba ang elsang kinakaulayaw ko sa sandaling ito? hindi nga; datapwa'samantalang di mo napapawi ang paniwala kong ang iyong selia'si teang, ngayong magkasarilihan tayo sa gabing ito ay di ko masasangayunan ang iyong halimbawa. ang selia ko'si teang? isang paratang na salat na salat sa katotohanan! si teang ay malayo na, nagpakalayolayo upang patibayan ang wika ko sa iyo na ang pagkikilala namin ay ganap nang natapos; at sa kalaliman ng hatinggabing ito ay ikaw ang aking kaniig at siyang tanging pinaghihingahan ng lalong dalisay kong damdamin. may iba pa kayang selia ang makata sa sandaling ito, elsa, liban sa iyo? minsan pang natigilan ang mestisa. nagaagawan sa kanyang panimdim ang pagibig at pangamba. | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Engracio L. Valmonte | iniibig niya si tirso; nguni'sa dahilang di niya hinihintay na magkakaroon ng gayong pagtuturing ang makatang ito sa gabing iyon ng kanilang paglalamay, ay nangangamba naman siyang baka iyo'kung ano nang babala ng kanyang kapariwaraan. salamat na lamang at ang pagkakatigilan nilang dalawa ay ginambala ng mahinang salita ng matandang tagapagpalakad ng bangka. sadsad na po tayo. nang lingunin ni elsa'ni tirso ang dakong dulo ng bangka, ay naanag agan nilang isang dangkal na lamang halos ang layo sa lunsarang pampang. sa gayo'maluwag nang nakahinga ang dalaga. ang makata naman ay dili ang hindi nakapagbitiw ng isang malalim na buntonghininga. pandakan na po, ang saad ng matanda; at ang bahay na iyong natatanaw nating sagana sa ilaw, ay siya ninyong patutunguhan. marami pong salamat, ang nagkapanabay na sambot ng magkasama. mula sa malayo ay may makapangyarihang tinig na sumigaw: elsa? at ang tinig ay nakilala ng mestisa: sa kanyang kapatid. | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Engracio L. Valmonte | oo, ako nga, itinugong kakabakaba ang dibdib sa pagdadalang takot. at ang tumawag ay napaharap noon din sa dalawa. sino ang kasama mo? ang may katigasan pang tanong ng sumalubong. tirso, ang sagot ng dalaga. ako, ang pakilala naman ng makata. at, noon din ay samasamang lumakad ang tatlo ng ang sinoman sa kanila'hindi nagbibitiw ng kahi'isang salita. malungkot si elsa. ang mukha niyang datidati'pinaaaliwalas ng nagtatamisang ngiti na malimit mamilaylay sa kanyang mayuyuming labi, nang hapong yao'pinapangulimlim ng isang kalumbayang tinutugunan sa puso ng mapapait na tibukin. ang mga balintataw niyang may kislap ng tala ay nagmistulang alitaptap na bahagya nang makagitaw ang liwanag sa sungit ng kapighatian. at ang sanhi ng lahat ay mapagkikilala sa isinasaysay ng kalatas na itong kanyang sinusulat sa gayong pagiisa sa loob ng kanyang tahimik na silid: pasay, enero,. | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Engracio L. Valmonte | aywan kung nahulaan mo ang tunay na kahulugan ng mga kilos na ating napuna sa kapatid ko kagabing tayo'magkaakbay na umahon sa pandakan, nguni'ang totoo, ay tinanggap ko sa kanya, oras na pagkauwi namin ng bahay at pagkatalikod mo, ang di maulatang galit na kanyang ibinabaw sa akin dahil sa pagkabalam ng ating dating sa bayang sinabi. oh, gayon na lamang ang iyak ko! kung hindi pa ako nakalasap ng di gagaanong mabuting pagtingin at pagpapalayaw ng kapatid kong ito, marahil ay di ko pa pakadaramdamin ang ganitong poot niya sa akin. pagkahiraphirap nga ng ganitong napagsapit ko! | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Engracio L. Valmonte | at sapagka'kung tutuusi'ikaw lamang, tirso, ang tanging pinagbuhatan ng lahat ng ito, ay itulot mong sa iyo ko rin tanging isiwalat ang binabata kong hirap, upang kung tunay na nagbubuhat sa ubod ng iyong mahabaging puso ang mga pamimigkas na iyong ipinasinaya sa akin kagabi, ay matapunan mo ako mula riyan sa iyong katiwasayan hanggang dini sa laot ng walang kahulilip na pagluha, ng iyong mapagkandiling paglingap. lingapin mo nga, tirso, ang ganitong kalagayan kong napagsapit alangalang sa iyo. alangalang sa iyo sapagka'ang pagiisa kong kasama mo nang tayo'mainip na salubungin ng kapatid ko sa lunsaran sa pandakan ay siyang pinagmulan ng lahat niyang pagkagalit sa akin. dapat kong ipagtapat, tirso, na nakagawa nga ako ng malaking pagkakasala. nang sila ng hipag ko ay bago magtungo sa bayang nasabi ay hiniling ko sa kanilang ako'iwan na at may katipanan lamang na ilang kaibigan dalaga na sa gabi na darating doon. naniwala sila. | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Engracio L. Valmonte | at pinakahintay ngang darating ako sa pandakan ng ang kasama'mga babae ring paris ko. datapwa'nagdatingan daw roong sunodsunod ang madlang pananuhin at ang tanang kakilala namin, anino ko man anya'hindi nila makita at sinoman sa mga yao'walang makapagsabi kung ako'saan naroon at kung darating pa hindi na. may palagay ako na ang malimit na pagtatanong tungkol sa di ko pagsipot ng kaibigan naming naghanda ang siyang nakapagulol na lalo sa kainipan at kung anoanong sapantaha ng aking kapatid. bakit ay mahigit daw sa tatlong oras na pinamutian siya ng mata'nagtila kaning nagpakapanghal sa pagaabang sa lunsaran, nguni'ang kung bakit di ako dumarating ay hindi niya masayod liripin. | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Engracio L. Valmonte | laban sa dating lubusang pagtitiwala niya sa aking pinagaralan, ay itinanong sa akin ng kapatid ko, sa ayos na kapitapitagan at nakapangyayari, kung ano ang di sasalang sinasapantaha ng balanang nakabatid sa gayong ating ginawa, na anopa'para bang inilagay sa alinlangan ang kalinisan ng pagkababae ko buhat sa gabing iyon. tinunton at pinanghinayangan ang mga pagpapalayaw na kanyang ipina utang sa akin, at sa paniwala raw niya'labis ang aking napagaralan upang mapagtalastas ko ang pangit at kapuripuri, ang masama at mabuti. nguni'ang ginawa ko raw na iyon ay dapat lamang umanong hintin sa mga babaeng talipandas, halaghag at walang pinagpapakundanganang pangalan sa harap ng kapisanan. bakit ang isa pa ay kulang na lamang ang ako'itulak sa hagdanan upang masabing ako ay itinataboy. at halos tiyakin na sa aking ikinahahalay na ng kanyang pangalan ang pananatili ko sa lilim ng tahanang ito. | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Engracio L. Valmonte | ang lalong masakit nito ay ang ginawa niyang walang pigil na pagsasalita sa akin sa naririnig ng aking hipag, ng hipag kong matagaltagal na ring may hinalang lihim sa ating mga palagayan. limpaklimpak daw na kahihiyaan ang itinapon ko sa harap ng mga taong dumalo sa pandakan. ako ay ipinagtanggol na mabuti in dioni, ng mabait at mapagmahal na hipag ko: datapwa'ang pamamagitan niya'malulubay na paliwanag ay nagparang tubig lamang na nabuhos sa buslong butas. ang kagalitan nga ng kapatid ko ay di nakarinig sa mga katuwiran ng sinoman sa aming dalawang babae. sa lahat ng ito, tirso, ay lubos na lubos ang kanyang paniwala na ako ay nagpain ng puri sa iyo at. pinagsamantalahan mo naman. nang magmatuwid ako, ay sinabi pang kung talaga raw na nakapananagutan ako sa aking ginagawa ay makita niya kung paano ang gagawin kong pagbabangon sa aming pangalang inilagpak ko kagabi sa lusak ng dilang kapulaan. ngayon, tirso, ay nasa iyo ang karapatan sa pagpapasya. | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Engracio L. Valmonte | kapagkarakang magkakilala tayo ay di ko na pinagalinlanganan ang busilak mong budhi at gintong kalooban. at kung tunay na nagsipamuhatan sa guwang ng iyong dibdib ang mga kataga mong ipinasinaya sa akin magmula sa bahay, pati sa kalesa, sa hotel at hanggang sa bangka. at kung hindi pagsasamantala lamang ang ginawa mong malimit na pagpisil sa mga kamay ko. ay panahon nanga ng ayong marapat kang mapukaw, mahabag at matutong humango sa akin sa kinasadlakan kong kahihiyaan. tahasang sinasabi ko na di ako maaaring mamalagi sa ganitong buhay na pinaghatdan mo sa akin. inuulit kong ikaw nga, tirso, ang sanhi at kadahilanan ng lahat na ito. kung hindi sa malaking pagtitiwala ko sa kabayanihan ng puso mo, bakit ba'di ko pa ipagtatapat, ay sa ako'sadyang kalaban ng pagpapakunwari, ay hindi sana ako bumalangkas ng kasinungalingan sa harap ng kapatid ko'hipag, at disi'di ka naman nagkaroon ng maliligayang sandali sa pangangarap ng gising sa piling ko kagabi. | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Engracio L. Valmonte | kung sa bagay, ay di nga kaila sa iyo ang aking pagkamestisa. nguni'hindi maikakait ng sinoman na sa mga ugat ko'tumatakbo rin naman ang dugong pilipino. ang pagkakaroon ko ng kahi'gapatak ng dugong ito ay sapat upang angkinin ko rin ang likas na ugali ng babaeng pilipina, na kung ganitong napapangat na sa kapulaa'nagiging sanhi ng mga pangit na sabisabi, ay gumagamit ng karapatan sa paghanap ng katubusan sa kamay ng lalaking puno at dahil ng ganitong kinahinatnan. ako nga, tirso, ay binawian ngayon ng pagmamahal ng bugtong kong kapatid, at anya'ipinalalagay na ng madlang taong nagtitipon sa pandaka'nakahiging sa pangyayaring iyon, na ako raw ay isa na lamang alibughang walang puri, samantalang hindi mo inilalawit ang aking kaligtasan. | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Engracio L. Valmonte | dumudulog nga sa iyo ngayon, tirso, ang abang babaeng sinundo mo sa kanyang tahanan, iyong iniangkas sa kalesa, kinasalo mo ng boong lugod sa hotel at katalamitam mo'tanging kaakbay sa pakikigiit sa kapal ng tao sa escolta, kaparepareha mo sa sayawan sa inyong klub at sa wakas ay kapilingpiling mo ng boong laya sa pamamangka sa ilog sa pandakan. ipinaghalimbawa mo kagabi na ikaw ay si balagtas at ako ang iyong selia. ipinagunita ko naman sa iyo ang ngalan ni teang, ng babaeng hinangaan mo sa simbahan datapwa'walang gayon ang ginawa mong pagpapatibay na. ako na lamang ang tanging laman ng iyong dibdib at kaaliwan ng iyong puso. at ngayong nanghahawak ako sa gayong mga winika mo, ay babayaan mo kaya ako, mabait na makatang nagsuob at gumising sa puso ko ng mga tulain sa buhay?. | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Engracio L. Valmonte | sa ano'paano man ang kapasyahan mo, ay ipinamamanhik ko sa iyong sagutin mo lamang ang napalawig na liham na ito, kapagkarakang mabasa mo na, upang sa ganya'mapagtalastas ko kung ako ay totohanan na ngang sawi sa mata ng kapisanan, at kung ikaw nama'sadyang may marangal na budhing tangi at ibangiba sa karamihan ng mga lalaking paris mo. di mo kaya ako hahabagin? salamat kung gayon. naghihintay ng boong lungkot, . matapos lagdaan ng nanginginig na mga kamay ng mestisa ang mahabang kalatas na ito, ay minsan pang ibinaling sa dakong puno ang kanyang mga namumugtong mata at muli pang pinaraanan ng masiyasip na pagbasa, bago nagbitiw ng isang pahimutok na buntonghiningang kinalalangkapan ng di masukatang sukal ng loob. nahahabilin sa sulat na ito ang lahat kong pagasa, ang nanghihingapos niyang wika, kapag nabigo pa ako rito ay tapos na sa akin ang lahat. | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Engracio L. Valmonte | kapagkuwa'naglabas ng isang munting sobre, ito ay sinulatan, tuloy diniktan ng nauukol na selyo, at noon di'tumawag ng isang utusan upang ipahulog sa koreo ang kanyang ginawa. ang kanyang kapatid na katatapos pagsikpan ng dibdib dahil sa sasal ng poot, ay nanaog umagangumaga pa ng araw na iyon at ayon sa iniwang sabi'sa palaisdaan na niya sa malabon magpaparaan ng pananghalian. si dioni namang may likas na mababang luha na madaling dumadamay sa sinomong dinaratnan ng ligalig sa buhay, ay maghapong halos ayaw umalis sa kusina na wari bagang walang pusong maitatagal kung makarating sa kanyang mga pangulinig at mamalas ng kanyang mga paningin ang tinangistangis ng kanyang magandang hipag. mahigit sa kailangang panahon nga ang nagamit ni elsa sa pagsisiwalat ng tanang dalamhati ng kaluluwa niya sa kalatas na kanyang ipinadala kay tirso. | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Engracio L. Valmonte | nguni, sa halip na kilalaning paggalang sa kalubhaan ng mga sandaling tinatawid niya ang katuturan ng di pangangahas ni dioni na gumambala sa kanyang kusang pagtatago sa silid, na siyang tanging tunay na ibig sabihin ng ginawa ng hipag niyang ito, ay ipinalagay ni elsa na marahil ay nasusuklam na nga sa kanya pati ni dioning sa una'una pa'pinakamahal na niya'itinuring na katapatang lihim na walang kasingbait. at dahil sa ganitong pagpapalagay ay lalo nang naputos ng luksa ang kanyang puso at lalo nang naganyong libingan ang tanang namamalas ng kanyang luhaluhaang mga balintataw. sa laki ng hinanakit sa kanyang hipag na sinasapantahang nagiiba ng loob sa kanya'pumapanig sa asawa, ay ipinagbiling ni elsa sa alilang pinagbigyan ng sulat na si dioni'papasukin sandali'mayroon lamang siyang sasabihing ilang bagay na lihim. at, babahagya pang nasusungaw sa ginto ang mukhang malamlam ng hipag na ipinatawag, ang mestisa ay kaagad nang humagulhol na animo'batang paslit na nilisan ng magiiwi. | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Engracio L. Valmonte | at mababa rin namang sandali ang namagitan, bago nakuhang magsalita ng ganito: naku, dioni! pati ikaw naman yata!. at ang hipag ng mestisa ay natuluan pagdaka ng luha sa malaking pagkalunos. elsa, wala kang dapat ipaghinala sa akin, tanging naisambot. hindi ba'pati ikaw ay nagagalit na sa akin? ang malumbay na tanong ng dalaga. hindi, at minamahal din kitang kagaya ng dati. salamat, dioni, kung gayon. nguni'bakit kaya baga'nakaraan ang singkad na maghapong kibuin dili mo ako sa ganitong pamamahay ko sa di maulatang kapanglawan?. nahahambal lamang akong totoo sa nanyayari sa iyo. nabahambal ka, samakatwid ay di mo sinasabing ikinahihiya mo ang pananatili ko sa lilim ng bubong ng bahay na ito? hindinghindi, elsa, at ikaw'kapatid ko ring pinaguubusan ng mabuting pagtingi'lubos na pagmamahal. subali'ang kapatid ko, si kuyang, ay. galit na galit sa akin! siya lamang ang nagagalit sa iyo. at sukat ang gayong pagkagalit niya, upang ako ay huwag nang bilangan ng maraming araw sa tahanang ito. | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Engracio L. Valmonte | saan ka paroroon? aywan, dioni, at ang lalaking puno at dahil ng ganitong napagsapit ko ay akin nang sinulatan ngayon. sinulatan mo si tirso? at sa anong bagay? bagay sa nararapat niyang gawin upang ako ay mahango sa ganitong kapulaan. napamata na lamang si dioni, pagkarinig sa ganitong pahayag ng mestisa. ang mga unang kutob ng loob niya hinggil sa gayo'ganitong maaaring maging katuturan ng kilusa'palagayang malimit niyang mapuna sa hipag niya'kay tirso, ngayo'hindi kutob lamang kundi isang katotohanan nang pinatitibaya'siyang inaamin ng kanyang kausap. dahil sa gayong ginawang pagliham sa makatang hinihinala na nga niyang namamalakay sa bahay na iyon, ay maliwanag na nadama niya ang kaselanan ng mga sandaling tinatawid ng kanyang hipag, palibhasa siya man, si dioni, nang magdaan na sa mapanganib na katayuang paris niyon, ay gayon ding pagsulat kaagad ang ginawa, pagsulat na siya tuloy ikinabunsod na maaga ng kanyang pagaasawa sa kapatid ni elsa. iiwan mo na nga ba ako, kapatid ko? | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Engracio L. Valmonte | ang makasandali'boong kalumbayang itinanong sa mestisa. siyang tanging marapat kong gawin upang manumbalik ang dating payapang buhay ni kuyang. elsa, kung kinikilala'minamahal mo ang iyong kaisa isang kapatid, ay hindi mo siya nararapat pakitikisan. kinagalitan ka niya, hindi sapagka'talagang ikinasusuya na ang iyong pamamalagi sa lilim ng kanyang kalinga, kundi alangalang din sa ikapapanuto ng malinis na pagkababae mo. nguni'ako ay wala nang kasingdumi sa tingin niya. hindi naman, elsa, ipinakita lamang sa iyo ang kamalian mo. at walang taong hindi nagkamali. tumagaltagal din ang salitaang iyon ng dalawang maghipag na kapwa sinasakbibi ng dalamhati ang mga puso. at hindi nagkawakas ang hinikbihikbi ng isa'isa sa kanila, kundi nang marinig nang tumatawag buhat sa hagdanan ang kapatid ni elsang asawa ni dioni. nagwalawalaang sumalubong ang asawa sa kanyang dumating na giliw, samantalang pinapananauli sa kanyang maaliwalas na mukha ang masayang anyo na di sukat kahalataan ng anoman. | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Engracio L. Valmonte | si elsa naman ay kusang nagpaiwang nagiisa sa loob ng kanyang silid, na, nang sandaling iyo'bahabahagya nang nilalaganapan ng dilim, upang kung mangyayari'mabigyan niya ng maluwag na pagkakataon ang pakikipagbulungan sa dalamhati ng kaluluwa niyang ginugutay ng bagabag. sabay na tumawag sa pinto ng hagdanan ni tirso silveira si martinez at ang tagadalang sulat na nagabot ng kalatas ni elsa. pagkatanaw ng makata sa tagadalang sulat ay nakaramdam kaagad ng biglang pagsinsin ng pintig ng puso, pagka'sinapantaha niyang yaon na kaipala ang sulat na pinakahihintay niyang magbubuhat kay teang. datapwa'ang sikdo ng dibdib ay tinugunan noon din ng isang pamumutlang bumakas na maliwanag sa kanyang mukha, kaya'nahulaang madali ni martinez ang pagkabigong tinanggap ng makata. hindi yata dumating, ang painong turing ng binatang kapapanhik. pakailang tanong ng maybahay. ang sulat na hinihintay mo, ang wika pa ni martinez. ako'walang hinihintay, lalo pang pakailang iwas ng makata. | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Engracio L. Valmonte | at sino naman ang susulat sa akin sa mga araw na ito? si elsa, manapa. hindi nalalaman ni tirsong tinik na sumubyang sa dibdib ni martinez ang huli niyang winika. susulat sa kanya si elsa? talagang hindi namamali ng hinala si martinez! si martinez ay naparoong daladala sa isip ang isang lihim na tangka ng paghihiganti sa lalaking ikinalupig ng kanyang mga lakad sa mestisa, gayong pinautangan niya ng tulong ukol naman kay teang. at ang narinig niyang sinabi ni tirso ay parang paghahamon sa ikatutuloy ng kanyang tangka. subali, ang totoo, sa harap ng makatang magiliw ring naganyaya sa kanya hanggang sa silid na sulatan niyon, ay natutubigan siya mandi'hindi matutuhan kung ano'kung alin ang sasandatahin niya sa gayong balak. sa hindi niya pagimik na parang nawawalan, ay si tirso ang nagsalita. matagaltagal nang hindi mo ako binabalitaan ng tungkol sa iyong kababayan. at si martinez ay lihim na namuhi. ano pa ang kailangan sa iyo? itinanong na tuyongtuyo. anang makata. | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Engracio L. Valmonte | alangan na ba akong magpatuloy ng pakikipagkilala sa kanya? hindi sa alangan, kundi sa dalawang dahila'wala nang kailangang balitaan pa kita ng anomang natutungkol sa kanya: una, sapagka'wika mo'si elsa at hindi si teang ang hinihintay mong susulat sa iyo at ikalawa, sapagka'si teang nama'. malayo na sa mararating ng mga gunita mo. si teang ay malayo na sa mararating ng mga gunita ko? siyang totoo. martinez, ano ang ibig mong sabihin? silveira, ang ibig kong sabihi'ang paris ng iyong narinig. tinatalinghagaan mo ba ako? hindi; at ang mga sinasabi ko ay maliliwanag. kung maliliwanag ay sukat sanang mawatasan ko kaagad ang tukoy ng iyong pangungusap, nguni'ang totoo ay nalilito ako. wala akong magagawa kung ikaw ay nalilito; nguni'kung sadyang nais mo ring mabatid kung bakit sinabi kong malayo na si teang sa mararating ng mga gunita mo, ay wala akong dapat gawin kundi isa: ang ipaala ala sa iyo na siya ay wala na sa bahay ng kanyang ninang sa san lazaro. at saan naroon? | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Engracio L. Valmonte | aywan kay pari casio! napuna ni martinez ang untiunting pagkainis ng kausap. ang ngalan ni pari casio ay nang oras na iyon na lamang niya naisip, at kung gayong tila ang natuklasan niya'magkakabisa, ay kailangan nang ipatuloy yamang nasimulan na. subali'ano kaya ang kanyang kakathain hinggil kay teang at sa binanggit niyang pari? ah, may nadampot siya! at ang kanyang isinagot: ikaw ba, silveira, ay patay na loob na di nakabalita, kahi'balita lamang, tungkol sa milagrong nangyari kina donya basilia? lalong nagibayo ang bakla ng panimdim ng makata. at itinanong: milagro kailan? nitong ilang araw na kalilipas na bago maalis sa bahay na iyon ang babaeng ipinagtatanong mo. iulat mo, martinez. iulat ay huwag na. sasabihin ko na lamang sa iyo, kung talagang wala kang naaamuyan, na marapat mong pagsisihan ang pagkakilala sa babaeng sayang at naging aking kababayan. naku, silveira, may katotohanan pala ang bulungang kumakalat sa amin bayan tungkol kay pari casio at kay teang! | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Engracio L. Valmonte | tanungin mo si manang magda, at siya ang nakatutop sa bayaning pari sa tulugang katre ng kanyang anak na dalaga! martinez, kapag hindi mo napatunayan ang iyong sinasabi'.! at biglang dinaluhong ni tirso at ginagap sa dalawang balikat ang binatang iyong naparoon yata upang umaglahi ng walang kasingsakit sa kanyang kapalaran. nguni'si martinez, na talagang inaalihan noon ng malaking paghahangad na makapaghiganti sa katotong ipinalalagay niyang umagaw ng kanyang ligaya, ay di nabalino sa gayong namamalas na kilos ng kausap, kundi bagkus nagpakatatag at parang nakatanaw ng nalalapit na pagwawagi. ikaw ang bahala, silveira! kung ayaw kang maniwala, ay mapanisan ka ng laway ng dilat ang iyong mga mata! nakaramdam si tirso ng isang malaking pagkahapo ng katawan. sa kanyang noo ay gumiti ang malalamig na butil ng pawis, samantalang ang mga litid ng dalawang paa'tila bahabahagyang tinatakasan ng lakas. | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Engracio L. Valmonte | makasandali pa, ay boong panglalambot nang ibinagsak ang katawan sa isang peresosang nasa may likuran niya. at ang iba pang ibig sanang sabihin ay ipinahayag na lamang sa pamamagitan ng ilang buhol ng buntonghiningang sakdal ng pait. nguni'hintay, ang bawi ni martinez mapamayamaya. hindi ko makita ang bagay kung bakit ipagdaramdam mo ng ganyan ang gayo'ganitong kababalaghan ni pari casio at ni teang, ay sa ngangayon pa lamang halos ay sinasabi mong si elsa ang hinihintay mong susulat sa iyo. hindi ba totoong si teang ay inibig mo sa isang saglit lamang, samantalang ang magandang mestisa'siyang talang nagniningning na lagi sa diwa mo at alaala? hindi na sumagot si tirso. di na lamang niya anhin ay matapos na ang gayong paguusap na labis niyang ipinanggigipuspos. sa bawa'dalawa tatlong sabihin ni martinez ay palad nang siya'magbitiw ng isang kataga. | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Engracio L. Valmonte | salamat na lamang at ang isa ay para namang nasiyahan na sa nangyari kay tirso, kung kaya'pagkaraan ng mga, sampung minuto sa pagbubuklat ng ilang aklat na kanyang natunghan sa sulatan, ay nagpaalam na'di umano'may lalakarin siyang bagay na mahalaga sa bahay ng isa pang kasama. pagkaalis ni martinez ay sarisaring mapapait na gunitain ang sumilid sa panimdim ng makata. ang balitang natanggap kay martinez ay lumikha ng isang malaking sugat sa guwang ng kanyang puso, sugat na walang tanging ikababahaw kundi ang alinman sa dalawang ito: pagusigin niya kahi'saan naroon ang babaeng alibugha na naglaro sa kanyang kapurihan upang papanagutin sa bigat ng salang ginawa sa kanya, yao'ilibing niya sa hukay ng limot na parang hindi niya naging kakilala kailan man. | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Engracio L. Valmonte | datapwa'maging alinman naman sa dalawang ito ay tila malayo sa ikabubunsod, palibhasa'kung magpapakapusok siyang magusig kay teang sa mga araw ding iyon ay sapilitang mababalatong ang pagtatapos ng kanyang pagaaral, at kung limutin nama'lalong hindi mangyayari pagka'buhol na walang kalag ang sinumpaan niyang higpit ng kanyang pakikiisang kapalaran sa babaeng iyon. paano ang mabuti niyang gawin? unaunang marapat niyang matiyak ay kung, hanggang saan ang taglay na katotohanan ng mga ipinahayag sa kanya ni martinez. kinakailangan niya ang patotoo ng kahi'isa man lamang saksi, kung baga sa isang usaping nililitis sa hukuman, upang mabigyan niyang halaga ang mga balitang kanyang tinanggap. at sa bagay na ito'sino ang kanyang lalapitan? sino ang makapagbibigay ng patibay na kinakailagan niya? sa katatanong ng ganito sa kanyang sarili, ay nagunita ni tirso ang mestisang si elsa, ang pamangking buo ni donya basilia. | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Engracio L. Valmonte | tunay na si elsa at si teang ay untiunting pinapaglayo ng mga hiwaga ng puso, nguni'sa dahilang ale ng una ang may ari ng bahay na sinasabing pinangyarihan ng himalang ibinalita ni martinez ay dili ang hindi kahihiwatigan ang tinukoy na mestisa ng anomang tandang sukat mapagkakilanlan kung tunay hindi ang sinasabing himala . bakit ay nagunita pa ni tirso na kaya raw siya inanyayahan ni elsang sumama sa pandakan ng gabing kalilipas, ay sa dahilang may ibig ibalita sa kanyang ilang ulat na may kinaalaman kay teang at sa kanya. isa lamang kayang biro ng mestisa ang gayong pahayag? naalaala ni tirso ang sulat na tinanggap na galing kay elsa. madali niyang dinukot sa isang kahon ng kanyang sulatan na pinagtaguan niya upang iyo'huwag nang makilala ni martinez, at pagdaka'binuksan. ah, anong kalatas na pagkahabahaba ang kanyang nabasa! anong pagkalungkotlungkot na mga katagang animo'sigaw na napaaawa ng isang inabot ng sigwa sa laot ng dagat! | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Engracio L. Valmonte | sinasabi ng kalatas na yaong ang sigwa ay kay tirso nagbuhat, nababagay nga kayang ang makatang ito ang sumaklolo'sumagip kay elsa? sa larangan ng pagibig, kung may nakikilalang hiwaga ang puso ng tao, ang hiwagang umaakibat sa kapalaran ng makatang si tirso ay isa nang hindi karaniwan halos masasabing walang kapangalawa sa tanang nangyayari, at kung sakali'mayroon ay bihirangbihira. sa isang dako'ipinagtatalo ng kanyang loob ang hindi pagkatupad ng kapangakuang iniwan sa kanya ng babaeng pinagsanglaan ng walang tubos ng kanyang kaisa isang pusong namana sa magulang, saka ang mga balitang tungkol sa babaeng iya'inihatid sa kanya ng isang binatang itinuturing na kaibigan; samantalang sa kabila nama'hayan ang kalatag ng mestisang sa mula'mula pa ng kanilang pagkikilala'wala nang ipinatamasa sa kanya liban sa di karaniwang pagtatangi'tuwina'pagkahalina sa anomang kanyang ginagawa, sa lahat niyang mga tula. | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Engracio L. Valmonte | samantalang ang mga pangyayari at ang mga natatanggap na balita'nagtataboy sa kanya upang pagbuntuhan niya ng ngitngit at ikahiya sa kabatiran ng iba si teang, si elsa naman ay patuloy na nagpapasinaya sa kanya ng, mataas na pagtinging sukat lamang hintin sa isang tunay na kasuyo, sa isang tapat na kasing nananagisag ng kawagasan. sa mga sandaling yao'hindi niya maturol kung sa kaninong anak ng dios nahahabilin ang palad ni teang, at sa mga sandali ring yaon ay nasa harap naman niya ang liham ni elsang naglalahad ng walang pagtutumpik sa tanang pithaya ng pusong nauuhaw sa pagirog. at ang sulat na iyong kinakaharap niya, higit sa isang pagpapahayag ng mataas na pagtingin, ay isang tunay na paghingi'paghihintay ng kanyang magagawa, ng sukat niyang ilingap sa isang minamahal at itinatangi sa buhay. paano ang marapat niyang gawin sa pagpapabaya ni teang? at paano ang gagawin naman niya sa gayong pagbubukas ng dibdib ng mestisang nabihag ng kanyang pagkamakata? saang panig siya dadako? | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Engracio L. Valmonte | sa wakas ay minarapat ni tirsong ibilang pa ng ilang araw, ng ilang panahon, ang paghihintay ng sulat ng babaeng pinagtiwalaan niya ng puri'karangalan, samantalang ang sukat itugon sa sulat ng mestisa ay siya namang pinagliming masusi ng kanyang bait at siyang nihanap ng hatol sa kahinahunan ng kanyang pagkukuro. nguni, lahat ng kanyang naisip tungkol sa isasagot kay elsa, ay di niya inibig na sulatin sa ayos ng isang kalatas na ipadadala sa tinukoy na mestisa. ang sulat ay isang katibayang kanawanawang maipapalad sa harap ng ibang tao. at ang kaselanan ng kanyang tayo dahil sa sinumpaang pakikiisang dibdib sa harap ng hukuman sa sampiro, ay nagaatas sa kanya upang magpakaingat sa ikapagkakaroon ng masasangguning katibayan ng pakikitalamitam niya sa sinomang babaeng naiiba kay teang. mabuti'makipagkita ako sa kanya, at sa harapang paguusap nami'saka ko siya tutugunin ng nararapat, ang tapos ni tirso sa kanyang magulong pagninilay. | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Engracio L. Valmonte | makailang saglit ay may tumawag kay tirso, at ipinagbigay alam na sa telepono ng botikang nasa silong ng gusaling kanyang tinitirha'mayroong naghinintay na ibig makipagusap sa kanya. nagdudumali siyang nanaog. at pagkahawak sa telepono'tinig ng babae ang kanyang narinig.? si silveira nga po itong kausap ninyo. sino po ba naman sila?. ah, ikaw pala, elsa!.? oo, natanggap ko.? kung kailan mo tatanggapin ang sagot? ang ibig ko sana ay sagutin kita ng harapan sa isang pagniniig. paiirugan mo ba ako?. kung kailan ka may panahon ay tumipan ka'ating pagusapan ang bagay na iyan.! pariyan ako sa mga araw na ito? iyan ang hindi mabuti. maipalalagay niyang tayo ay naninikis.! huwag ka sanang mabiglain. ang galit ng kapatid ay pagmamahal. kung hindi ka minamahal, ay di ka kagagalitan.? isang araw ay masok tayo kahi'sa aling sine at doon natin pagusapan.? ikaw ang bahala: pasama ka kahi'kay dioni, kung nangangamba ka nang makipagniig sa akin ng sarilihan. | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Engracio L. Valmonte | nalalaman ko namang paibaibang talaga ang lagay ng panahon.? wala akong ibig sabihin kundi ang pagpapaubaya sa iyo ng boong kapasiyahan. marapatin mong magsarili kita, salamat: magsama ka naman ng kahi'sinong mabutihin mo, salamat din. ako ay walang hindi kinadoroonan. kung gayo'hihintayin ko ang araw at pook na iyong itatakda. salamat, elsa.! taglayin mo ang aking alaala. bahagyang naibsan ng pabigat ang kaluluwa ni tirso sa pagkapagusap nilang iyon ng mestisang sumulat sa kanya. gayon ma'nakalipas ang singkad na maghapong hindi niya halos namamalayan, ng siya ay nanghihinamad mandi'walang alis sa pagkakatungo sa ibabaw ng kanyang sulatan. dalawang linggong mahigit ang nadaan. bagama'gayon na lamang ang pusok ng loob ni elsa nang kanyang sulatin ang liham na ipinadala kay tirso, ay nakalipas din ang gayong dami ng mga araw ng ang tipanan nilang paguusap na sarilihan sa bagay na iyon ay hindi pa nabibigyang katuparan. | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Engracio L. Valmonte | paano'sa siyang pinaiiyahan ng lalaki, ay parating nagkakaroon ng salabid tuwing ipagbabalak ng araw at pook ang ikabubunsod ng gayong salitaan. sa loob ng panahong iyan na hindi rin idinarating ng sulat ni teang, kay tirso naman ay lalong nagtitibay ang paniniwalang napalungi nga ang kanyang palad sa babaeng kung bakit ba'napaghabilinan niya ng kanyang boong pagtitiwala. ang pagpapahalaga sa mga balitang tinanggap niya kay martinez ay untiunti nguni'patuloy na naguugat sa guwang ng kanyang puso, at nakatutulong ng malaki upang ang pangalan ni teang ay maging buntuhan ng kanyang kasuklama'lalong masasaklap na hinala. pati ng unang balak na paghanap pakikibalita sa kinaroroonan ng babaeng iyon ay bahabahagya nang iniwawaksi sa kanyang isip, yamang kung gayon anyang kay teang nanggaling ang paghamak sa kanilang sumpaan, magusig man siya'ibayong hirap na lamang ng loob ang kanyang mapapala. | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Engracio L. Valmonte | si tirso ay kasal sa babaeng iyon, oo, nalalaman niya; nguni'bakit pa niya hahangarin ang mapapisan sa isang talipandas na walang tunay na pagibig sa kanya? saka, ang kanilang pagkakasal ay lihim na lihim at walang sinomang nakamamalay liban sa hukom na sa kanila'nakialam. ang pagmamakaingay tungkol sa paguusig ay magiging isang tunay na pagkakalat na lamang ng kanyang sariling kahihiyaan. patawarin ang nagkakasala at ipagparaya ang nagkukulang ang aral na itinuturo ng kapisanang kanyang kinaaaniban; at malalabag na lamang sa itinuturo ng aral na iyan ang paguusig sa babaeng kusang tumaliwakas sa kadakilaan ng sumpa, ang yumurak at gumutay sa kahalagahan ng pangako. mananga'tumahimik na nga siya'kanyang pagaralang pawiin sa alaala ang pangala'larawan ng babaeng bumitay ng kanyang magandang pagasa. samantala, sa isa sa mga bulsa niya ay laging hindi nahihiwalay ang sulat ni elsa na kinalilimbagan ng isang pagibig na walang kapantay sa karubduban. | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Engracio L. Valmonte | ang pagibig na iyong sa kanya iniuukol ay hindi nakakikilala ng pagmamaliw. ulani'arawin man sa laot ng kanyang pagkawalang loob, na sa nagdaang mga araw ay siya niyang ipinahalata sa naturang mestisa, ay patuloy ring; taglay ang dakilang uri, ang kawagasan, na sa wari niya'sukat ang kanyang naisin upang pagtamasahan niya ng dilang lugod, ng madlang biyaya at tanang luwalhati, na sa buhay na ito'siya na lamang mahihintay ng kinapal na paris niya. sa harap ng sulat na iyong hindi gumagamit ng anomang bahid ng pagpapakunwari, ano pa ang magiging katuturan ng pagpapakabalisa ni tirso sa isang babaeng gaya ni teang kung hindi kabaliwan? magpakabaliw kung kinababaliwan ay hindi masama at lilikha pa kaipala ng paghanga sa sinapupunan ng kapisanan. datapwa'magpakabaliw sa babaeng humahalakhak at umooroy sa kanyang kasawian ay iyan na ang sukdulan ng kahalayan na hindi sukat makita sa isang paris ni tirsong paano'paano man ay may pangalan na ring nakikilala sa maraming lipunan. | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Engracio L. Valmonte | kaya, masakit mang walang kasingsakit, ay kailangan na ni tirso ang makiayon sa tadhana ng kanyang palad. ang tadhana ay waring nagaanyaya sa kanya sa isang dako upang sayurin niya ang kadalisayan ng pagibig ni elsa, hindi siya dapat magmalaking huwag magpakundangan sa anyayang iyan. at, habang dumarami ang mga araw na hindi idinarating ng sulat na pangako ni teang, ay patuloy namang pumapanaw kay tirso na parang kimpal ng ulap na nawawala sa katingkaran ng sikat ng araw, ang pangala'alaala ng babaeng binanggit, katiyap ng untiunting paguusbong sa pitak ng kanyang puso, tulad sa halamang busog sa alaga, ng pagkahalina sa mga pakibang loob ng malulugding mestisa. minsan, isang gabi, ay minarapat ni tirso ang gumawi sa may pook nina elsa, nguni'hindi ang tangka'manhik ng bahay kundi mula sa palibidlibid ng looban niyon ay pakimatyagan ang kalagayan ng dalagang untiunting nagpupunla ng balisa sa kanyang gunamgunam. | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Engracio L. Valmonte | at gayong pakikimatyag na nga lamang ang kanyang minabuting gawin, sapagka'sa bahay na yaon ay ayaw muna niyang lumantad magmula nang may mahalata siyang sukal ng loob sa kapatid ng nasabing mestisa. si tirso ay sa may gawing baybayin ng dagat nagdaang paahon sa bulaos na patu ngo kina elsa. pinili ang lalong madidilim na palumpong, naglagos sa mga palikolikong landas, at pagkalapit sa may tinatalikuran ng silid ng mestisa, ay naghagis ng tingin sa dakong itaas at tinangkang makilala sa siwang ng sarisaring halamang gumugubat sa looban kung sinosino ang mga lalaking narinig niyang nagkakatuwa. nguni'wala siyang nakilala isa man. ang tinig ni elsa ay naulinigan din niya, subali'kung ano ang sinasabi'hindi niya mawatasan. makasandali ay kanyang narinig ang piano, pasimula ng isang one step ang tinutugtog, tugtog na noon din ay sinundan ng mahihinang sagitsitan ng mga paang nagsasalimbayan sa ibabaw ng tabla. | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Engracio L. Valmonte | datapwa'ang namalas ni tirso ay pawang mga lalaki rin ang nagsisiindak na magkakayapos sa gitna ng bulwagan, at anino man ni elsa ay di niya matanaw. inakala niyang si elsa ang nunugtog ng piano. nguni'ano bang tugtog! one step nga ang narinig niyang pinasimulan, na siyang sinundan ng pagsasayawan ng mga lalaking panauhin ni elsa, dapwa'hindi pa halos nakabubuo ng tigisang inog ang bawa'magkapareha, ay marcha funebre na ni chopin ang pagdaka'kanyang naulinigan. ang sayawan ay biglang natigil. at ang humalili'ang matunog na halakhakan ng mga lalaki. napilya na naman tayo ni elsa! ang malakas na wika ng isang nanungaw pa sa bintana pagkabalatong ng pagsasayaw. sapul pa kanina'pawang sa ganyang tugtog sa patay tinatapos ang alinmang tandang ating sayawan. at malinaw nang nawatasan ni tirso ang tinig ng maganda niyang paraluman. kayo ay hindi ko pinipilya, ang sabi. | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Engracio L. Valmonte | itinanong ko kung ano ang ibig ninyong aking tugtugin, at aninyo'ako ang bahala kung alin at kung paano ang tumutugon sa loob ko. at sa lagay ay siyang tumutugon sa loob mo ang marcha ni chopin? itinanong pa ng isa. mangyari, ang sambot ng mestisa, ay sa dinatnan ninyong patay sa akin ang dating kaligayahan ng puso; at bagaman namamalas ninyong ako'nakatawa rin, ang kaluluwa ko ay putos ng luksa'may nilulunok na apdo ng kadalamhatian. ang dating tawana'nasaksihan ni tirso na napaltan ng sandaling pananahimik. kung ang mga lalaking iyon ay walang napunang panglalamlam ng dating masayang mukha ni elsa kapagkarakang ito'makiharap sa kanila nang gabing iyon, disin ay may nagdamdam na sa ganyang mga kataga na walang kagatolgatol na kanilang narinig. nguni, ang totoo, si elsa nga ay madali nilang napanibaguhang malungkot noon at siya rin namang kaagad ibinulong ng hipag na si dioni at ipinagbilin pang huwag pagpapansinin pagka'walang anoman. | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Engracio L. Valmonte | kaya, ang isinagot na lamang ng isa sa kanila': kung ganyang ikaw ay may dinaramdam na kalungkutan, ay ibig naming makiramay sa iyo, elsa. inaakala kong iya'hindi ninyo magagawa, sapagka'ang mga damdaming ito ay para lamang sa aking sarili. sarili mo ma'makapakikiramay rin kami, kung huwag na kaming magtagal na gaano sa pagkakatuwang ito rito. nguni'hindi ko sinasabi, mga kaibigan, na ikinaiinip ko itong ating matiwalang paghaharap. gayon ma'kami ang nagaakalang marapat igalang ang mga sandaling ipinakikilaban mo sa iyong mga kalumbayan. kung ayaw na kayong magsayaw ay magusapusap na lamang tayo. ano pa ang paguusapan natin ay sa hindi mo naman ipagtatapat sa amin kaipala ang sanhi ng iyong mga lungkot? hindi kayo mawawalan ng anomang sukat maikuwento sa akin. at ang mga panauhi'namalas ni tirsong may mga hawak nang sombrero at anyong nagaabot ng kamay sa mestisa. | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Engracio L. Valmonte | hintay muna pala sandali, ang pigil ng dalaga, paunlakan muna, ninyo ang munting bagay na pinagaabalahan ng aking mabait na hipag. at may pinagaabalahan pa pala si aling dioni! sa wakas ay napahinuhod din ang mga panauhin. nguni'saglit nga lamang, at matapos pairugan ang ilang pamatid uhaw na magiliw na ipinaganyaya ni dioni, ay nangagpaalam na rin. si tirso, na nakasaksi sa tanang nanyari, nang umalis sa pook na iyon ay taglay sa dilidili'siyang pinaglilimi ang mga katagang narinig niyang binigkas ni elsa, tunay nga kayang patuloy kay elsa ang mga pagdadalamhating nasasabi sa kanyang sulat? si elsa kaya, hanggang sa mga araw na iyong hindi pa nagkakaroon ng katuparan ang salitaan nilang pagtatagpo sa panonood ng sine upang doon pagpasyahan ang suliraning ipinaghihintay ng magiging loobloob ng makata, ay hindi pa dinadalaw ng dating katiwasayan ng kaluluwa? naramdaman ni tirsong ikinaiinip niya ang hindi pagkakatuloy ng kanilang tipanan ng mestisa. | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Engracio L. Valmonte | at sa pagkainip ay iniisip niya kung saan sila lalong maluwag na magkakausap ni elsa, kung gayong tila may kahirapan ang pagkikita nila sa sine. kanyang binalak ang sa isang paliligo sa dagat, yamang arawaraw ring lamang halos ay lumulusong ang dalaga; at binalak din naman ang sa alinman sa mga bahay ng ibang kakilala sa pasay na rin, sa may di gaanong kalayuan sa pook na iyon, upang huwag maging halatain sa kapatid na pinakikitimbangan ang gagawing paguusap na lihim. datapwa'paanong ang gayo'maisasangguni niya kay elsa ay sa matagaltagal nang ito'hindi man lamang lumiliham ni tumatawag sa kanya? kung may telepono man lamang sana sa bahay nina elsa, disi'nangahas nang magpaunang tumawag si tirso. subali'sa kasamaang sukat ay wala nga, paano ang kanyang gagawin? samantala'nalalapit na untiunti ang mga araw na ipagdiriwang kay momo. | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Engracio L. Valmonte | nagunita ng makata na ang siyudad nito na tinitigib ng mga halakhakang ginaganap sa likod ng mga ngiwi ng sarisaring balatkayo, ay siyang malimit pagsinayaan ng mga pusong uhaw sa ligaya, siyang kadalasang pinagtitiyapan ng mga kaluluwang malaon nang naghihintay ng isang dakilang pagkakataon, hindi pa kaya sila makapakibahagi sa mga biyayang iyang idinudulot ng karnabal sa mga nasa kapanahunang paris niya'ni elsa? sunodsunod na nagdaan sa papawirin ng alaala ng makata ang mga pangyayaring kanyang napanood sa loob ng bakod ng mga karnabal na idinaos sa ilang taong tinalikdan. | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Engracio L. Valmonte | yaong isang pierrot at isang columbinang nahigingan niyang nagkaisang magtanan sa mga kasama'maliksing nakay sa isang autong aywan niya kung saan nagtungo; yaong isang dimonyong pula at isang dimonyong itim na nakipagindakan muna sa kapal ng tao sa auditorium saka pagkatapos ay magkakawit ang mga bisig na nagkubli sa dilim, nanunton sa mga pook na lingid at makasandali'matagal na nawala sa kung saang bahagi ng maluwang na siyudad na iyon; yaong isang aida at isang radames na nagpakalango muna sa malaking bar ng san miguel brewery sa loob ng siyudad at kapagkuwa'naghudyatang tila may paroroonang mahalagang bagay, bago'pagkatalingid sa mga taong sukat makapuna sa kanila'boong bilis na inihatid ng isang auto sa isa sa mga ligpit na hotel sa san sebastian, samantalang ang kanilang mga kasama'nakikipagbiruang walang hulaw sa loob ng mailaw na siyudad. ang lahat ng iyon ay mga alalahaning kumakayag sa budhi ni tirso upang siya ay magmunukala ng isang kaparaanang sukat bagang. | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Engracio L. Valmonte | ikaganap ng kanilang nabibiting tipanan ni elsa. bahala na sa karnabal, kapag hindi pa natupad sa mga araw na ito, ang nawika sa sarili ni tirso, matapos sayurin ng kanyang guniguni ang nangabanggit na pangyayaring napanood niya sa siyudad ni momo. at parang babala ng mabuting kapalaran, isang umagang siya'magawi sa escolta ay nakatagpo niya ang mestisa na kasama ni dioni at ng isa pang babaeng marahil ay kamaganak, kaibigan kaya'kanyang kapit bahay. | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Engracio L. Valmonte | sa pagkikita nilang dalawa noon, ay masasabing mabuti na rin ang nangyari, sapagka'bagaman sasandali at panakaw pa ang pagkakausap nilang lihim at sarilihan ay napagtalastas ni tirso kay elsa; na ang bagay na ipinagtipan nilang manonood ng sine ay sa karnabal na paguusapan; na yao'maluwag nang mabubunsod kaipala, yamang ang kapatid na lalaking pinangingilagan ng dalaga ay nagtungo sa nueba esiha at malamang na hindi mabalik kundi kung makaraan na ang nabanggit na karnabal; na ang binibili nina elsa nang umagang iyon ay mga kayong gagawing balatkayo, at ang may kagustuhan niyon, bilang pinakapangaliw sa mga pangungulungkot na palagi ni elsa, ay dili iba'ang kanyang hipag na si dioni. kung ano ang sidhi ng loob mo, elsa, sa iyong sulat ay siya namang sidhi ng loob kong magkaniig tayo, paris ng ating pinagusapang minsan: datapwa'hangga ngayon ay nasa paghihintay na lamang ako. ang may himig ng panunumbat na nasabi ng makata sa pagkapagusap nilang iyon. | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Engracio L. Valmonte | panahon lamang, tirso, ang wala sa atin. ang nagpapasigla ng pagasang isinagot noon ng mestisa. gawan mo sana ng paraan na maibalita agad sa akin ang itatakda mong araw, hane, ang pasamong bilin pa ni tirso. hamo'kung hindi kita mapadalhan ng kahi'isang postal ay tatawagan kita sa telepono, matibay namang pangako ni elsa. hanggang kailan ang ipaghihintay ko? hanggang sa bago dumating ang mga araw ng karnabal. maghihintay ako, kung gayon. asahan mong gagawin ko ang lahat ng maaaring gawin. salamat, elsa. wala kang sukat ipagpasasalamat, tirso. ako ang nararapat magpasalamat sa iyo, sapagka'sa di kawasa'. nakilala na rin nga yata ng iyong puso na may isang sawing babae ritong. akin ang kasawian, elsa, at sinomang babaeng nakikilala ko ay sadyang tinatangkilik ng magandang kapalaran. aywan nga ba kung ako ang bukod na natatangi sa mga mapapalad na iyan. at minsan pang namalas ni tirso noon ang talagang pagmumukhang nahahapis ng diwatang yaong kapatid ng kasayahan. | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Engracio L. Valmonte | ang mestisa'ang makata ay nagkatalikod noong taglay taglay sa ubod ng puso nitong huli ang mga bagong tibukin. ang dating pagpapalagay sa mestisang iyon na may tamis ng pagtatanging kapatid, nitong magpakasira si teang sa kapangakuang iniwan kay tirso, tangi sa katamisa'nalahukan pa ng init ng paglulunggating ibinubuyo ng isang pagmamahal na mahigit sa nagagawa ng pagkakapatiran. anopa'sapul nang gumitaw sa kanyang dibdib ang kutob na pinagmamaliwan na'nililimot siya ng babaeng nangako ng pagtatapat, ang nakakikiliting kilos at anyo ni elsa nang gabing mapanhikan niyang aawitawit na nagiisa sa loob ng bahay, at ang matiwalang pagsama sa kanya noon hanggang sa bangka, saka ang nilalaman ng mahabang liham na ipinadala sa kanya, ay hindi lamang mga pangyayaring laging sariwa sa alaala ni tirso kundi nagdudulot din naman sa kanyang puso ng bagong damdaming sinisibulan ng bago ring pagasa. ang buhay ng tao ay nasasalalay sa gulong ng kapalarang walang humpay na umiinog. | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Engracio L. Valmonte | kung sa ganang kay tirso'napailalim siya sa pagkabighani niya kay teang, nitong nalulurok na ng boong pagpapahalaga ng kanyang kaluluwaang bawa'bugtong talinghagang iniuukol sa kanya ng magandang mestisa ay parang ibinubulong ng kanyang sarili na nalalapit na naman ang kanyang pamamaibabaw at ikatatampok sa karurukan ng tagumpay. at buhat noo'hinintay na niya arawaraw ang pagdating ng tagadalang sulat na magaabot sa kanya ng pangako ni elsa, kaya'ang pagtawag nito sa teleponong nasa silong ng gusaling kanyang tinatahanan. ang makata ay nabigo na sa paghihintay ng sulat ni teang, sa paghihintay ng postal sa pagtelepono naman ni elsa ay mabibigo pa rin kaya siya?. lubhang makapangyarihan kung magutos ang dios ng mga halakhak at pagbibiro, ang hari ng balatkayuang lunas sa mga dalamhati ng kaluluwa at puso. babago pang napaguusapan ang mga araw ng kanyang pagdiriwang, sa iba'ibang panig ng maynila ang mga tao'abalangabala na sa sarisaring paghahanda. | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Engracio L. Valmonte | ang mga masalapi ay nagsisipagpagawa sa kanikanilang mananahi ng mga kasuutang ikatatampok nila'ikauungos sa gayak ng iba: mga sutlang kayong pulangpula na animo'dugo, mayroon namang dilaw na nakikipangagaw sa kulay ng apoy, at may lungtian pang nagbabalita wari ng pananagana sa lahat ng bagay ng taong sa kanya'nagpapakahibang. ang mga maralita naman, sa kabilang dako, ay nagtatamad sa paggawa, ilang araw na di sisipot sa pinapasukan, nagsasangla ng isang tumbagang singsing ng isang hilakong hikaw, na tanging hiyas ng kanilang karukhaan, nangungutang ng salaping patubuan at. bumibili ng isang murang balatkayo, isang nakangising maskara, upang sa likod ng mga ito'sandaling limutin ang kanilang kahinubong pagkasahol sa buhay, at sandali ring makilahok sa mga halakhaka'panunukso sa kakilala'hindi man. ang mga dalaga ay karaniwang magsuot ng gayak columbinang kaakitakit sa bawa'makakita, at ang mga binata nama'nagdadami'pierrot na lubhang katawatawa. | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Engracio L. Valmonte | bawa'pusong pinasisigla ng apoy ng kabataan, bawa'kinapal na nasa panahon pa ng kasariwaan, ay dili ang hindi naguubos ng kaya sa paghahanda ng tanang nararapat niyang gamitin sa pagsagap ng luwalhati sa sinapupunan ng dakilang karnabal. at yaong may kaluluwang hindi nagtitikim ng biyaya ng maligayang kapalaran, ay nagsisipangarap na sa mga araw na iyan ay mabibihis ang kanilang kasawian, mapapaltan ng tuwa ang kanilang mga paghihirap at sa duyan ng luwalhati'sandali silang aawit ng kasiyaha'mahahalinhan ng kabusugan ang binabata nilang uhaw. at, hindi malilihis sa katotohanan kung ang mestisa at ang makata ay ibilang sa ganyang mga may hinihintay. | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |