author
stringclasses 10
values | sentence
stringlengths 10
1.44k
| Jose N. Sevilla
int64 0
1
| Engracio L. Valmonte
int64 0
1
| Balbino B. Nanong
int64 0
1
| Honorio López
int64 0
1
| José Rizal
int64 0
1
| Cleto R. Ignacio
int64 0
1
| Fausta Cortes
int64 0
1
| Juliana Martinez
int64 0
1
| S. A. D. Tissot
int64 0
1
| Ismael A. Amado
int64 0
1
|
---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|
Jose N. Sevilla | nagkulong si nati sa kanyang silid nang huwag mahalata ng kanyang mga kasambahay ang kasalukuyang pagbabakang nagwawasak ng kanyang puso, nagpapalumo sa kanyang kalolwa at gumugutay sa lahat ng ginintuang pag asa na kinalaro laro tuwina ng kanyang diwa. at nang siya'nagiisa na at wala ng kinatatakutang malas na makapapanuod ng kaniyang pang gigipuspos ay binigyang laya ang dalamhati sa pamamagitan ng luhang naguunahan sa kanyang mga mata, mga unang luha ng kalolwang naghihingalong kasalukuyan dahil sa dagok ng sakuna na lalang ng isang kapangyarihang lumilikha ng mga kapinsalaan ng palad. anang ibang talaisip ang luha daw ay siyang buntuhan ng dalamhating umiinis sa atin kung ang puso ay nalulunod na sa kadalamhatian, kaya'ang luha'siyang dagliang dumadaloy kung ang ating katawan at kalolwa ay inuunos na ng sakuna. | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Jose N. Sevilla | at ang kulang palad na si nati na pinahihirapang kasalukuyan ng pagaalanganin ni maneng ay nangungunyapit na kasalukuyan sa maiinit na bagting ng tanikala na dulot sa kanya at isinilo ng anangki niyang nakapangingilabot. si maneng namang yumaon na ay tulad sa isang sasakyang walang ugit; susuling suling na hindi matukoy kung ano ang dapat na gawin. may mga taong mahihina at agad sumusuko sa mga bayo ng dusa at kung magkabihira'walang ibang pinagbubuntuhan kundi ang kabiglaanan, dagliang hatol ang dagliang pagbibigay sa mga udyok ng pita. sa diwa ni maneng ay nagsulpot sulpot ang mga ala ala niyaong mga sawi na nagpapatiwakal dahil sa pag ibig. sa lahat ng yaon ay walang mapili si maneng na dapat niyang uliranin. nasusuklam siya sa palad nang mga nagpapatiwakal na kanyang binabawan ng tawag na duwag at nangagsisitalikod sa katungkulang banal ng tao na makibaka sa buhay. | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Jose N. Sevilla | at boong tapang na tinungo ang kanyang tahanan at nagkulong din sa kanyang silid at yao'ditong di mapakali, na sinusukat ng kanyang banayad na hakbang ang maaliwalas niyang pahingahan. paano ang mabuti kong gawin? ani maneng sa kaniyang sarili. pakasal na muli kay nati pagkatapos ng kasal kay binay, ay ganap na pagpapatiwakal din sa kapisanang ito na aking pinakikipamayanan. kami'may mga batas na napakalulupit sa ganitong paglabag. bakit ba'di pa ako sa mga bayang tumatangkilik ng poligamia sumilang? disin ay di ako naghihirap ng paglutas ngayon nitong magusot na suliranin ng aking buhay. at napatigil na sumandali; lumikmo sa kanyang maringal na likmuan at pinagwawari ang dapat na gawin. mayamaya, ay napatampal sa hita at aniya: lutas na ang suliranin kung papayag ang pastor na nagkasal sa amin ni binay. ano ang mawawala sa kanya kung ang talaan ng aming pagkakasal ay mawala halimbawa? ang salapi ay isang mainam na panilaw. atuhan natin sa paraang ito. | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Jose N. Sevilla | limang puong libong bagay ang kay daling lutasin, nguni'ang tao ay napakahangal na sa isa lamang dito, ay natutulig na, at di magkatuto ng paglutas. at nagmadaling nagbihis. sinidlan ng maraming salaping papel ang kanyang kalupi at nagsilid sa dalawang sobre ng tiglilimang daang piso na handang pansuhol sa pastor ng iglesia metodista na kanyang handang upatan. at nanaog na daglian, nguni'nasalubong siya nang cartero na nagabot sa kanya ng isang sulat. lumulan sa kanyang auto na laging nakahanda at doon na binasa ang liham pagkatapos maipagbilin kay ikong na paroon sa bahay ng pastor, sa avenida rizal. gayari ang nasasabi sa liham: maneng ko: parine kang agad at nang maaga tayong makabalik at ang tatang ay darating daw ngayong hapon. kung pahintulot mo ay ihayag na natin sa kanya ang lihim nating pagiisang puso. | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Jose N. Sevilla | siya ay isang taong marunong maghunos dili at kung kanyang makita na huli na ang kanyang tutol ay maaasahan nating ang kaniyang pakikiayon sa atin, bagamang hindi na yaon kailangan. mabuti na rin ang walang pinangingilagan at inaala ala. ano ang sabi mo maneng? ako'uhaw na uhaw sa iyong masuyong alo na inaasahan kong di mo ipagkakait sa iyong tapat at tuwina'mairuging asawa. sinabayan ng punit ang liham, pinaggutay gutay at ipinalipad sa hanging humahagunot sa matulin niyang sasakyan. at ang sabi sa sarili: tapat na asawa!. kung ang lahat ng tapat ay gaya niya, ay baligtad na ang daigdig. wala ng taksil; wala nang maituturing pang pagkakanulo sa puring dapat na ingatan at mahalin tuwina. tapat na asawa!!. at ang bali hindi ako pahahalata. makikipagkita ako kay binay at kung siya'madaya ko yamang ako'dinaya din lamang niya, ay walang salang di magiging mapalad ako sa piling ni nati. | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Jose N. Sevilla | samantalang ito'nangyayari si nati naman sa gitna ng gayong dagok ng kapighatian ay waring walang ikakaya at ang kaniyang pihikang katawan ay linulupig ng dalamhati. ang ulo niya'parang iginigiba sa paniwalang siya'pinaglalaruan ni maneng at di siya marahil nasang pagtapatan. ang paniwalang si mameng ang siyang pinaguubusan niya ng suyo at sanhi ng gayong alinlangan ay uutas mandin sa kanyang buhay. at ngayon pa namang ang kanyang kalagayan ay napapanganib. ang lagnat ay katulong din namang sa kanya'gumagahasa at mahina palibhasa ang loob at mairugin tuwinang magbasa niyang mga balitang nagpatiwakal dahil sa pag ibig ay nagwawaging kasalukuyan sa kanyang diwa ang nasa na magkitil ng sariling buhay. | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Jose N. Sevilla | at gaya ng ibang hibang na sumusulat muna bago pugtuin ang hininga ay hinawakan ang panitik at ang inaakala niyang ay itinitik: ang di mo pagtugon sa aking ilinatag na suliranin sa iyo na di mo linutas; ang katayuan kong talastas mo na ang iba'ibang pangyayari na alam mo na rin, na siyang nagudyok sa iyo ng pagbabalintulot. ang lahat ng ito ay tulong tulong na humahatol sa akin na dapat na akong magpahinga . kung ang sulat na ito ay sumaiyong kamay, kaipala'ang kaluluwa ko'kaharap na ni bathala upang kanyang litisin. yayaon ako maneng na taglay ko ang maningas na pag ibig sa iyo na ipinunla mo sa aking puso. ay di na tunay na malaking kahihiyan natin. iligtas ka ng panginoon sa anomang kapanglawan at sa libingan ko'ilagay mo lamang ang gayari: isang kulang palad na ayaw maging ina ng isang anak na walang amang tatawagin. | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Jose N. Sevilla | si mameng ay parang tinutupok sa anyo ng kanyang pinsan na pagkaumaga na'di man lamang siya kinakausap, at sa hinala na baka may ipinahahayag na si maneng na sanhi ng gayong pagwawalang imik ni nati, ay di siya mapalagay. waring siya'napapaso. sapagka'si nati ay nagkulong sa kanyang silid ay ginahis din si mameng ng ugaling babai na tumaho magnais na tumaho ng lihim ng iba, kaya'sinilip niya sa butas ng susian ng pintuan kung ano ang nangyayari sa loob ng silid. at ang kanyang nakita ay ang pagsulat ni nati ng kanyang liham. nakita ni mameng na binabasa ni nati ang kanyang sulat at pagkatapos ay nakita niyang may binubuksang isang kahita at doo'kumuha ng isang pastillas na pikit matang isinamual. sa kahita ay ang mapulang bungo ang napapansin. at naramdaman yata sa lasong isinamwal na kasama noon ang kamatayan ay napahindusay na agad na ang dalawang kamay ay napabitin na parang pinanawan ng lakas. | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Jose N. Sevilla | napahiyaw si mameng ng ubos lakas at ang tanang kasambahay ay nagkagulong dumalo sa silid ni nati. kay lungkot na tanawing nagbabalitang ang bahay na yaon ng katahimikan ay may isang panauhing kakilakilabot: si kamatayan. dumalo si anselmo at si mameng na sinaklulohan ang hibang na si nati na sa pagkagulat ay bumagsak sa hihigang walang diwa at hawak sa kamay ang tagasiwalat ng lihim na kanyang huling liham. binasa ni anselmo ang liham na nagbubunyag ng pagtatapat ni nati at nang kakilakilabot na gagawin na ginanap na at nang ito'natalastas ay isinalokbotan ang kalatas nang huwag matalastas nino man. ipinagbilin ni selmo kay mameng na huwag hihiwalayan si nati ano mang mangyari, samantalang hindi siya dumarating at tinungo ang tahanan ni maneng na sanhi ng lahat ng yaon pagkatapos na matawag si dr. upang dumalo nang daglian sa kanilang tahanan. | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Jose N. Sevilla | at dinatnan ng doctor na pinagaagaw si nati, at sa bibig na bumubula ay dinudukot ni mameng ang lason na nadurog na at animo'gabok na mapula na kanyang hinuhugasang palagi kung sa kanyang kamay na idinudukot sa bibig ni nati ay pumigta ang sublimado corrosivo na nagdadanak sa laway ng nagpatiwakal. pinainom ng pangpasuka ni dr. at sa panahon, ay pinalabas sa kanya ring pinasukan si kamatayan na piniging ni nati upang siya'ilipad na sa bayang payapa. si aling tayang ay walang malamang gawin at gahol na gahol na pinatawag si yoyong ng pare. dumating si maneng sa bahay ng pastor at doo'humingi siya ng pahintulot na sila'magkaniig lamang. at siya'pinahintulutan at malugod na tinanggap. ako'naparine mahal na pastor ani maneng upang makipagtalastasan sa inyo ng isang bagay na bagamang maselang ay kailangang lutasin agad. ano po ang maipaglilingkod ko sa inyo, ginoo? ang tugon ng pastor. ako po ba'inyo pang naaala ala? patawarin po ninyo ako kung ako'may mahinang pananda. kayo po ba ay sino? | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Jose N. Sevilla | lalo pong mabuti na huwag na ninyo akong makilala. at dinukot ang isang sobre na kinalululanan ng dalawang puo at limang mayon at isinakamay ng pastor. mabuti mahal na pastor ang magkatalastasang agad. at talastasan daw pong pagbasa ay sinigang manding may lasa anang salawikain ang tugon ng pastor samantalang binubuklat ang mga dadalawampuing piso na sadyang ihinanda ni maneng upang bulagin ang pastor at magamit niyang kagaya ng isang kasangkapan sa kapakinabangang sarili. pagkatapos na mabilang ng pastor ng boong ingat ay inalis ang salamin sa mata na nakasasagabal mandin kung wala siyang ginagawa at aniya: limang daang piso!. opo, limang daang piso, na inyong tunay at dumakot pang pamuli at iniabot sa pastor ang isa pang sobre. at binilang pang pamuli ng pastor ang bungkos ng salapi: isang libong piso po ang kabuoan. may matuwid kayo at iyan ay ipinadadala sa inyo ng isang kaibigan ko, bilang kapalit sa isang bagay na hihilingin naman. | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Jose N. Sevilla | ano po yaon at binitiwan ng pastor ang salapi na pinatawan ng isang pabigat upang huwag manambulat at humingi ng kalayaan kung pahiramin ng hangin ng kaniyang pakpak. may isang ginoo po na ikinasal ninyo ng lihim dini sa isang binibining taga lalawigan. ang kasulatan po ng kasal na yaon ay nasang mawalan ng bisa punitin ninyo kaya nang wala ng matunton; at katumbas po noon ang salaping yan na bilang papala sa inyo. at ang dugtong pa ni maneng: at maaasahan po ninyo ang bulag na pagkakalinga sa inyo ng isang makapangyarihang kaibigan na magagamit ninyo sa panahong kailanganin. mahirap pong totoo ang nasa ninyong bilhin, ginoo, at di ko po kayang gampanan; kaya'likumin mo pong muli ang salaping yan na hindi makakatumbas ng nasa ng inyong kaibigan na aking gawin. at isang libo pa po na idaragdag ko mahal na pastor upang mahango kayo sa pagaalanganin. isipisipin mo po ng banayad. huwag na kayong mabahala ginoo anang pastor ng buong katiwasayan. | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Jose N. Sevilla | at aayaw ninyong tanggapin ang handog kong ito? itago mo po at marahil ay kakailanganin ninyo sa mga araw na haharapin sa ibang bagay na lalong mahalaga. labis po sa akin ang salaping yan, at di yan ang lalong dapat panghinayangan. ang kalinga ng isang kaibigang makapangyarihan ay di madaling makita sa buhay na ito. tunay po ginoo; nguni'lalo pong mahirap na hanapin ang isang payapang budhi. at kayo po ba'natatakot sa ano man? yaon po'isang himaling lamang at di sa nasang makaligalig kangino man. huwag nga kayong magala ala na ang hukuman ay makikialam sa bagay na ito. hindi po ako nababahala sa mga hukuman, hindi rin ako natitigatig sa kalupitan ng mga batas na kung minsan ay naiinis din sa tambak ng salapi. tunay ang inyong sinabi at kung kayo'mapapanganyaya, ay marami tayong salaping magugugol. maaasahan ninyo ang aking tulong at yamang di naman tayo maaapi ng sino man, ang payapang budhi ay saka na. | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Jose N. Sevilla | salamat po ginoo sa inyong walang pangingiming pagwawaldas ng sariling kayamanan na walang salang labis na labis sa mga gugulin ninyong karaniwan, nguni'. lalong mabuti ang inyong gugulin sa ano mang pakikinabangan ng tao at di sa ikapapahamak. ang kinatatakutan ko po ang dugtong pa ay ang tutol ng sariling budhi, ang pananalig na sarili, at ang malabis kong paniniwala na ang diyos ay di mapaglalalangan. sa kanya'walang nalilihim. ang diyos mahal na pastor ay hindi nakikialam sa mga tao. patawarin kayo ng dakilang manunubos, ginoo. hindi ko po matutulutang lumawig ang ganyang panunungayaw sa bahay na ito na kanyang liniliwanagan ng masaganang biyaya. kung gayon po'. hindi natapos ang sasabihin at ang kamay ng pastor ay iniabot sa kanya pagkatapos na masamsam ang salapi at sa kanya ay maisauli. yumaon si maneng na ngitngit na ngitngit at di na nagpatuloy sa bokawe gaya ng kanyang tangka. pinihit ang auto at umuwi sa bahay na taglay sa kaloluwa ang isang malaking ligalig. | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Jose N. Sevilla | dumating siya nang boong pagkahanga nang madatnan niya roon si anselmo at ang kanyang abogado na nagkakaniig at siya ang pakay. limang puong piso po lamang ang multa na kinawian ng basagulo ninyo kahapon mang maneng anang abogado, sa dumating na binata, at isinasauli ang kalabisan ng salaping kanyang ipinagkatiwala sa kanyang taga pagtanggol. itago ninyo sa inyo kaibigan, at saka na ninyo liwanagin sa akin sa ibang panahon. iya'di dapat makabalisa sa inyo. dahil lamang dito kung kaya ako naparini; tangi sa roon upang kayo nama'matahimik at handugan ko ng maligayang bati. itinawag na lamang sana ninyo sa telefono sana'hindi na kayo nagabala. ang bagay na yan ay inaasahan kong talagang sa gayon mauuwi, lalo na'sa ilalim ng inyong pantas na pamamatnugot. wala ka pong sukat alalahanin. nalalaman ninyong ako'laan sa inyong utos kailan man. siya po, upang kayo nama'magkapanahon sa inyong mga ibang kailangan ay yayaon na ako. | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Jose N. Sevilla | at ang abogado ay umalis pagkatapos na makamayan ang dalawang magkaibigan. hindi ka umiimik selmo, ano ang nangyari? walang malaking bagay maneng. nasa kong pumanatag ka at magusap tayong sumandali. ang ulo ni maneng ay nalito. inakala niyang baka natalastas ni selmo ang kanilang kasalanan ni mameng at dahil dito'natigilan at di makaimik halos. tumahimik ka maneng at walang malaking bagay. ano kaya ang maipaglilingkod ko sa iyo selmo? bakit kaya sa mukha mo'nababakas ko ang lumbay? at si maneng ay naupong balisang balisa. natatakot siya sa hiyaw ng sariling kasalanan. maneng ani selmo kagabi ay nasalubong ko dine ang magandang fondista at buhat kagabi ay napapansin kong balisa si nati. kangina ay nanggaling ka sa bahay at tayo'hindi man nagkausap dahilan sa agad kang umalis. pagkaalis mo'nagulo na ang ulo ni nati. bakit kaya? ibig mo bang liwanagin sa akin, maneng? wala akong maala alang ikabagabag niya, selmo. si orang ay isang babaing kilala mo at kilalang lalo ni nati. | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Jose N. Sevilla | hindi ko matalastas kung ito ang sanhi ng kaniyang kalungkutan. noong kamakailan ay iliniwanag ko na kay nati ang katayuan namin ni orang. ang mga sulat ni yoyong ay natuklas ko at ang mga sulat na ito ay nagsasalitang mag isa. ito'nasa sa kanyang lahat. huwag nating pagusapan iyan maneng, at may iba tayong bagay na dapat lutasin. binanggit ko lamang si orang sa kadahilanang baka ikaw ay may mahigpit na katayuan sa kanya ay nang huwag naman siyang maapi. narito maneng, basahin mo ang sulat ni nati at saka mo ako tugunin kung ano ang dapat nating gawin. binasa ni maneng nangangatal ang liham ni nati at pagkatapos ay nagsabi: selmo tayo na at di ko mapapayagang ang isang anghel ng kabaitan ay tumangis; lalo na kung dahil sa akin. at ang magkaibigan ay sabay na nanaog at tinungo ang tahanan ni selmo. kapuwa hindi umiimik na tinahak ang lansangan at dumating silang napapahanga sa kanilang dinatnan. ang doctor na na sa bulwagan ay kausap ni aling tayang at ni mameng. tahimik na tahimik. | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Jose N. Sevilla | halos anasan ang salitaan. isang pari ang nasa loob ng silid at nakayupyop kay nati; isang sakristan ang nakaluhod na nananalangin at dalawang kandila ang nagniningas sa dambana. kay lungkot na sandali! maya maya ay tumugtog ang kililing ng sakristan na nagbabalitang ang katawang mahal ni jesus ay itinatanyag at ang lahat ay nagluhuran at ang pakikinabang ay ginanap ni nati ng boong pitagan. natalastas ni maneng kay dr. ang nangyari at paglabas ng pari ay binalak nila ang isang dagliang kasal kung nabibingit sa kamatayan. ito ay isang mabisang biyaya anang pare. at si maneng sa gayong katayuan ay parang isang tupa na maamong maamo na sumusunod saan man dalhin; kahit na sa dambana na sa kanya'pagsusunugan. | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Jose N. Sevilla | sandali pa ang nakaraan at si nati ay asawang tunay na ni maneng, pagkatapos ng basbas ng pare. gumuhit sa diwa ni maneng pagkatapos ng basbas ng pare at kakilakilabot na wakas na nakahanda sa kanyang palad sa pagkapakasal na yaong muli; hindi kaila sa kanya na pinaguusig at pinarurusahan ng boong lupit ang lumabag sa kautusang yaon; nguni'sa harap ng mga pangyayari, sa kanyang alang alang kay selmo na kanyang pinagkulangan sa tungkuling dapat taglayin ng isang kaibigang tapat, at sa pag asa niyang si nati ay walang salang di niya ipagluluksa sa lalong madaling panahon, siya ay napanibulos na lumusong sa balon ng kapanganiban. nguni'ang palad niya gaya ng sa lahat ng halaghag ay talagang linikha mandin upang huwag tumahimik; at si nati laban sa pag asa nang lahat, na mamamatay na walang sala, ay gumaling pagkakasal niya kay maneng. | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Jose N. Sevilla | at ang lahat ng pangyayari na dapat ikatuwa ni maneng ay lumilikha sa kanya ng lalong kakilakilabot na sandali, para niyang nakikita na sa kabila ng kaniyang pagkadupilas na yaon ay nabuksan ang mga pintuan ng bilibid upang siya'bigyan ng puwang na makapasok, at ang nakapangingilabot na damit bilanggo na halang sa katawan ang guhit, sa lahat ng dako ay siya mandin niyang namamalas. siya'kinilabutan. nguni'isang kaisipan ang kanyang naaala ala at anya sa sarili: kung tayo'mamamatay din lamang bukas ano'di samantalahin ang araw ngayon? at sinikap niyang limutin ang lahat. ang tag init ay nagmamadaling sumasapit pagkaraan ng karnabal. ang alinsangan, lalo na dito sa maynila ay gumagambala sa tanan. wari lalong mainit ang araw, sampu ng simoy ng hangin ay wari sinasala sa isang malaking silab: at ang gayari sa lahat ng may mariwasang kabuhayan ay parang nagtataboy upang lumayo sa matao at maingay na kamaynilaan at humanap ng mga pook na may malamig na singaw. | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Jose N. Sevilla | sa mga piling ng bundok at mga batis. ang bagyo ay siyang dayuhan ng mga kagawad ng pamahalaan, niyang mga pinagpalang mabuhay at magliwaliw sa pamamagitan ng salaping bayan, at ang marilao, silang, sibul, los banos at antipulo ay nagpapangagaw sa ganitong panahon upang kanilang maging panauhin ang nangagsisilayo sa pangulong bayan kung tag init. si nati ay magiliw na lumapit kay maneng at aniya: napapansin ko maneng na palagi kang matamlay; bakit kaya? hindi ko maalaman nati kung bakit; sa katotohana'hindi ko nararamdamang ako'namamanglaw. marahil ang lagim na bumalot sa aking kaluluwa nang tanggapin ko kay selmo ang huli mong sulat sa pagkadalaga, ay siyang hangga ngayon ay sumusukob sa akin. ah maneng, yaon ay lumipat na sa mga pangyayaring yumaon. huwag mo nang ikabalisa ang isa kong kabiglaanan ay yao'bunga ng pagpanaw sa akin ng pag asa. subali'ngayon, ngayong sariling sarili natin ang buhay at walang sagwil na ano man, ang langit ng ating palad ay dapat ng magliwanag, hindi ba? | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Jose N. Sevilla | yaon ang dapat na mangyari nati, at ang puso ko'tigib na tigib sa ligaya, aywan nga lamang kung bakit ang tingin mo'malungkot ako. ang pusong ninibig maneng ay di madadaya, nararamdaman kong ikaw ay malungkot at kahit na sabihin mong hindi, sa nakikita ko ako maniniwala; ang mga mata mong dating maningning ngayo'lumamlam ang kiyas mong dating masigla ngayo'waring hapo at nanlolomo, sa iyong mga masasayang pangungusap na dinudungawan mandin ng masasaya mong diwa, ngayo'napalitan ng isang pananahimik na kakilakilabot. ipagtapat mo sa akin maneng kung ano ang sanhi at nang kita'madamayan. wala nati, maniwala kang wala at pinilit na pinadungaw sa kanyang mga labi ang isang ngiting pilit na pilit at binusog sa halik ang mairuging asawa. aywan maneng kung bakit at sa aking puso'kumakaba ang isang ala alang nakalulunos. hindi ba katungkulan ng isang babai ang magtapat sa kanyang pinipintuhong asawa? oo, nati, sa asawa ay walang dapat na ipaglihim. | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Jose N. Sevilla | yan din ang paniwala ko kaya'ako'hindi matahimik. at bakit nati, may ilinilihim ka ba sa akin? maneng ani nati ng boong tamis nahulaan mo maneng ang iwi niyaring puso, gaya nang lahat na mapagmahal na asawa ay nabasa mo sa aking anyo ang isang pagiingat ng karamdamang di maipagtapat, nguni'yao'nagbubuhat sa malabis na pagmamahal ko sa iyo maneng. hindi ko nais na dahilan sa aking mga kamusmusan ay dalawin ang puso mo ng bakas man lamang ng dalamhati; at di mo pa man ako asawa ay pinagingatan ko nang gayon na lamang ang huwag makapagdulot sa iyo ng anomang isusukal ng loob at yaon ang dahilan ng kung bakit ninasa kong taglayin sa libingan ang kakilakilabot na maling sapantaha na ayaw humiwalay sa akin; nguni'hinango ako sa libingan ng kabutihan mo maneng, ng katapatang loob mong umibig, ng karangalan mo sa pagkalalaki na bihirang taglayin ng iba; at dahil dito'nagkaroon ako sa iyo ng isang kautangang dapat kong gampanan tuwina at ito'ang lubusang pagtatapat. | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Jose N. Sevilla | hindi ba ikaw ang suhay ng aking kahinaan? may matuwid ka nati at ang lahat ng mabuting asawa ay di dapat na magkaroon ng lihim niya na di matatalos ng kanyang kasi sa kanyang kusang loob na pagtatapat. eh kung ang lihim maneng ay makapagkukulimlim ng katahimikan at kapayapaang naghahari? ang lalaki nati ay dapat tuwinang magtaglay ng isang pusong napakalaki at isang diwang matibay upang magkatulong na ibalikat sa ano mang anyo ng unos sa buhay na makagagambala ng kasalukuyang ligaya. pinalakas mo ang aking kalooban maneng at ang lihim ko na kaipala'siyang tanging sagwil ng ating katahimikan ay pakinggan mo ngayon at kusang loob kong ipagtatapat. ano yaon aking giliw? turan mong agad at sabik na sabik akong magbigay lunas kung ang lihim na yaon ay umiinis nang iyong puso. nalalaman mo maneng. | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Jose N. Sevilla | magmula ng huling gabi ng karnabal na sa kamusmusan ko'naisip kong kita'biruin sa pamamagitan ng pagpapalit ng balatkayo namin ni mameng; ang araw sa akin magbuhat noon ay nagbawas ng liwanag; ang mga bituwin ay nawalan ng kanilang ningning, at sampu mandin ng mga bulaklak ay nawalan ng samyo at naghubad ng kanilang mariringal na damit. at parang hindi pa nasisiyahan ang maitim kong palad ay inalis sa mga labi mo ang ngiti, kung ako'iyong kausap; pinawi sa mga kilos mo ang sigla, at ang lalong kalunos lunos, ay ang dapat na magtapat tuwina sa akin, ang dapat kong paglagakan ng katiwala, damdam ko ba'siyang mahigpit kong kabasangal. ito ang sanhi ng kung bakit ninasa ko ang pumayapa. tulutan kayong magkaroon ng laya at huwag ako ang maging hadlang ng ligaya. tulutan kaming maging malaya? sino ang tinutukoy mo nati? huwag kang magagalit maneng, hane? | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Jose N. Sevilla | at isinilo ang kanyang mga bisig sa liig ng asawa at sa gitna ng malamyos na titig, ng matitimyas na halik at boong pusong pagpaparamdam ng kanyang tapat na pagsuyo ay ilinapit ang kanyang mga labi sa taynga ni maneng at ibinulong ang isang pangalan. si maneng ay nanglamig. ang lihim nila ni mameng ay natatalos ni nati, nguni'hindi tumpak na yaon ay patotohanan, kaya'ngumiti ng isang ngiting napakatamis at anya: nati!. huwag mong papamahayin sa loob mo ang maling hinala. kawawa naman ang pinsan mo. inaakala mo bang ako'pakabababababa hanggang sa gayong kalagayan? hindi ba nati at panibulos at pikit mata kong linusong ang pagbabagong kalagayan, maitindig lamang ang kapurihan mong malulugso kung mahayag; at mabigyan naman ng marangal na pangalan ang magiging bunga ng ating pag ibig? | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Jose N. Sevilla | oo, maneng, ang lahat ng iyan ay tunay; nguni'nang huwag mapatlangan ang ating ligaya, tayo ay lumayo rito, malayong malayo; at nang huwag nilang mahalata, ay pasa sibul tayo na parang nagpaparaan lamang ng taginit, nguni'buhat doon ay alamin mo na'ayusin ang mga kailangan sa isang paglalakbay at paglilibot sa boong daigdigan upang malimutan natin ang mga bakas kapanglawan na dulot sa atin ng tadhana sa lilim ng sariling langit. ibig mo ba maneng? si maneng ay nabunsod at nakakita ng lunas sa kanyang mapanganib na katayuan. natuklas din niya ang paglayo kay mameng na sa pagkakataon ay naging bihag ng kanyang walang pitagang pita, gayon din ang pag ilag sa mga malulupit na bala ng mga batas na maghahatid sa kanya doon sa bayan ng lagim, sa libingan ng mga buhay na tao. at sila'yumaon upang gampanan ang pinagkasunduan sa sibol, liwaliwan kung tag init ng mga mariwasang tao. si tomas ay nagbuko ng isang walang maliw na higanti kay maneng. | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Jose N. Sevilla | una ay dahilan sa ang kaniyang mutyang si binay ay inagaw sa kanya, at ang inaasam niyang dilag noon, ay napariwara; pangalawa'dahil sa pagkakatampalasan sa kanya ni maneng isang hapon sa minandalang la campana . at buhat na noon ay naging anino siya ni maneng at ang pangangamoy ay higit sa isang masigasig na tiktik ng mga kagawad na lihim. natalos na ang pastor sa malaking sambahan sa daang avenida rizal, ay sinusuhulan ng halagang dalawang libong piso at pagkaalis ni maneng ay sinulatan yaon ng isang walang lagda na anya': natatalos nang lahat na ang salapi ay makapangyarihan, nguni'ang balaraw ng mapaghiganti ay di magiging mabilis gaya ng malilikha ng panitik na ang mga batas ay pagalawin upang ang mga lumalabag ay ibukod sa karamihan. at nang tanggapin ng pastor ang liham na ito ay itinuloy sa basket at anya sa sarili: kailangan ko kaya ang ganitong mga paala ala upang gampanan ko ang aking katungkulan? patawarin kami ng panginoon . | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Jose N. Sevilla | natatalos ni tomas ang lihim na kasal ni maneng sa magandang taga bokawe, bagay na sanhi ng kanyang di na idinalaw na muli kay binay. subali'ang gayaring lihim na kanyang hinahawakan ay iniingatan niyang tulad sa isang mainam na sandatang pamuksa. at nang kanyang matalos na si nati ay pinanumpaang muli pa ng salawahang kanyang naging kabasangal ay gumawa ng isang tudling sa mga pahayagan na gayari: gaya nang ang bulong ay mahigit sa hiyaw ay sumapit sa aming kaalaman na ang makisig na binata at mayamang mangangalakal na si . manuel san juan, ay nanumpa ng isang di magmamaliw na pag ibig sa matalino, marilag at napakagandang bulaklak ng ating kapisanan na si bb. natividad lopez. ang gayo'ginanap nang nabibingit sa kamatayan ang babai. ang pulot at gata na napataon sa tag init ay idaraos ng dalawa sa pinagdadayong bukal sa sibul, gayon din ng pagpapalakas ng galing sa sakit na ginang. ang aming maligayang bati sa mga kaibigang nasabi. | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Jose N. Sevilla | sa biglang tingin ang balitang ito ay waring walang pangalawang hangad, nguni'sa mapapansin ng aking giliw na mambabasa sa dalaw na ginawa ni tomas sa masayang si binay ay mapagtatanto ang laki ng saklaw ng gayong balita. binay ani tomas naparito ako upang isauli sa iyo itong imperdible na ninanasa mong sa iyo'aking isauli, sapagka'di lihim sa akin ang sa lahat hanggang ngayon ay lihim pa na ikaw ay ginang na ni san juan. ngumiti si binay sa pagtanggap ng balitang yaon sa dating kasintahan, at boong kakirihang sumagot: at di mo man ako hinahandugan ng isang maligayang bati, gayong talastas mo pala ang di pa natatalos ng marami?. at tinitigan si tomas ng isang titig na kagaya ng kanyang panghalinang ginagamit tuwina na, kung nais niyang siluin ang alin mang puso. si binay ay may isang ugaling ibang iba sa ibang mga kababai. hangad niya ang magtamasa sa buhay, pagaliwan ang lahat ng makikisig na binata, nguni'kailan man ay di siya napabibihag upang siya'labilabian pagkaraan noon. | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Jose N. Sevilla | ligaya niyang itinuturing ang marami siyang mangingibig lalo na'kung ang mga ito'nangagbabangay. at ang lahat ay nababahaginan niya ng pangako at ngiti. ang kaniyang nabalitaang pagaaway ni tomas at ni maneng ay inaakala niyang siyang sanhi ng kung bakit ang kaniyang dating mairuging asawa ay di dumalo sa kanyang tiyap na hiling. nagagalak siya ng gayon na lamang, sapagka'inaakala niyang si maneng ay nalulunod sa panibugho. kung nalalaman yata niyang si maneng ay nasusuklam sa kanya at tumatalikod na tahasan, kaipala'nagbago ang kanyang kasalukuyang galak. at hinarap si tomas at anya: hindi ka na tumugon. nagtatampo ka ba sa inyong dating kapuwa bata? hindi binay, nguni'ang magpakunwari ay hindi ko ugali at yaon ang sanhi nang hindi ko maibati sa iyo ng maligaya, sa pagka'sa katotohanan ay wala akong ibang hangad kundi ang kayo'maging sawi. at may hinanakit ka sa akin kung gayon? wala binay. | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Jose N. Sevilla | nguni'pakinggan mo ang aking ibabalita sa iyo: noong ikaw ay tumakwil sa aking pagsuyo ay wala na akong nasabi sa sarili kundi ang ikaw ay isang salawahan, nguni'nang matalastas kong ikaw ay lihim na nakipagisang puso at sa isang binatang haligi ng yaman, ay nasabi ko sa sarili na: may matuwid si binay, tumpak ang siya'mamili ng makabibili ng ligaya . at ano nga ba ang maihahandog sa iyo ng isang kawal ng panitik kundi pawang panagimpan lamang. kita'iniibig ng boong puso. ipinagtatapat ko sa iyo. datapuwa'ang panahon ay lumakad sa hindi niya mapipigil na pagtanda, at. ako sa hindi mo nahuhulaan kung bakit niya ako ihinatid dito sa iyong harapan. sinabi mong upang isauli ang imperdible hindi ba? oo; nguni'ang pangalawang hangad, yaon ang iyong turingan. pangalawang hangad? at may iba ka bang nasa tangi sa tumupad ng dapat mong gawin? yan ngang dapat kong gawin ang pinatuturingan ko sa iyo? ang iyong ginampanan; ang isauli ang isang bagay na hiniram lamang. | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Jose N. Sevilla | yaon ay nagampanan na; nguni'ano pa ang dapat kong gawin? ah, huwag kang magnasa ng anomang masamang nasa sa akin at kay maneng ang biro ni binay hindi ba tomas? hinaplos ni tomas ang kaniyang buhok na naglalaguan at saka tumugon. huwag magnasa ng anomang masamang nasa sa inyong magasawa? oo, tomas, yaon nga. kung gayon ay hindi ko magagampanan ang inaakala mong dapat kong gampanan. bakit, labag ba ang gayon sa dakilang asal? oh, hindi binay, hindi, nguni'paano maihahatid sa iyo ang mabuting balita na ikagaganap ko ng aking kautangan, sa pagka'kita'iniibig pa hanggang ngayon, kung ang balitang ito'malalaban naman sa kanya? iniibig mo ako hanggang ngayon? salamat tomas, salamat, nguni'hindi mo ba talastas na ako'isang may asawang tao, na di makaiibig pa, ng pag ibig na iba ang hugis kay sa sa kahilingan lamang ng mabuting gawi? nguni'ang pagka mayasawa mo binay ay ibang iba. natatalastas ko tomas, na kami ay may ibang himaling. | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Jose N. Sevilla | na sa ganang amin ni maneng ang pagmamahalan ay dapat pagingatan na huwag makasuya, ang ganitong himaling marahil ay di mo minamainam at itinuturing mong ibang iba ako sa lahat ng babai, nguni'; anong ligaya ng manabik! hindi binay, lahat ng paraan ay di ko pinapansin, at wala akong ibang tinitiyak kungdi ang wakasin. at banta ko'hangad ninyo sa ganyang paraan ang lalong maging matimyas ang mga sandali, lalong maging maringal sa ganang iyo ang bihis ng mga bulaklak, lalong maging masaya ang mga gabi at ang langit ay maging tuwi na'maaliwalas, hindi ba? oh, may matuwid ka tomas. nguni'binay ang palad ay sumalungat sa iyo. ang anangki ay napakalupit na nagguho ng iyong mga pangarapin. ano ang sabi mo tomas? basahin mo ang balitang ito ng mga pahayagan. binasa ni binay. tomas ang pahayagan ay napakasinungaling. hindi magagawa ni maneng na siya'magasawang muli. si maneng ay hindi hangal. hindi nga, nguni'may kasabihang: . ano ang ibig mong sabihin? | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Jose N. Sevilla | na ang mapanganib niyang libangan ay nagbunga na. at kung ayaw kang maniwala sa pahayagan at animo'sinungaling, ay maniwala ka sa katotohanan na siya'nagasawang pamuli sa si nati. liniwanagan ni tomas ang salitang maganda upang mangimbulo si binay. kapag ang balitang yan tomas ay kabulaanan ay nalaman mo nang ako'walang pakundangan. mananagot ka tomas mananagot ka. alamin mo at saka mo hatulan kung ako'tapat sa iyo. at kung matalastas mo na ang katotohanan, ay humihingi ka ng isang sipi patunay ng kasal na yaon at saka mo makikita kung si tomas ay tapat sa iyo. nagalimpuyo sa diwa ni binay ang di maisaysay na poot at anya kay tomas: bukas ay parini ka at nang tayo'magkaniig. alipin mo ako sa iyong ikaliligaya binay. hangang bukas. anang babai. hangang bukas. at ang dalawang pusong nagkakalayo ay pinaglapit ng iisang hangad na dili iba'si maneng ay pahigantihan. | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Jose N. Sevilla | samantalang ang mga maya ay nagaawit sa sibul animo'wala ng kamatayan ang bagong kasal na nagpapasasa sa pulot at gata ng kapanahunan. si tomas ay naglalamay sa ikapanganganyaya ni maneng at walang pinatawad na pangyayaring di sinamantala. si binay naman na nginangatngat na kasalukuyan ng panibugho ay nagmadaling lumuas sa maynila upang alamin ang katotohanan. palibhasa ay totoo ang balita ni tomas ay di siya nahirapan na magkaroon ng isang sipi ng pagiisang puso ni nati at ni maneng. kasulatang kanyang iningatan na parang isang sandata upang ipalpal kay maneng at ito'gawing isang kasangkapang hamak na pakikilusin ng kanyang diwa. iniwang sandali ni maneng sa kanyang biyanang babai ang mutya niyang si nati at sa pagka'talastas na kung ano ang sanhi ng pagyao ni maneng na dili iba'ang paghahanda ng kanilang paglalakbay na binabalak, ay di man tinutulan muntik man. | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Jose N. Sevilla | pagdaan ni maneng sa bokawe ay napataong nakadungaw ang masayang si binay, kaya'lumunsad si maneng na parang doon talaga ang kanyang pakay. naganyong mabalasik si maneng na animo'larawan ng lupit, samantalang si binay naman ay parang sabik na sabik at walang anomang nangyayari na sumalubong sa asawang dumarating. kay inam nilang magpakunwari. maneng ani binay anong laon nang di mo idinalaw sa akin. bakit nga kaya'tila nagtatampo sa akin ang tanging giliw ko? dapat mong mahulaan ang saad ni maneng ng boong saklap. dapat kong mahulaan ang ano maneng? ako'ginugulo ng iyong anyo. tinanggap mo ba ang liham kong kita'inaantabayanan? oo, binay, at talagang tinikis kong hindi dumalo upang yumaon sa akin ang masamang sandali. masamang sandali? ano ang dahilan aking maneng? oo, ang dahilan maneng. linawin mo nga sa akin? | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Jose N. Sevilla | naaala ala mo ba ang kalagimlagim na sandali nang ang auto ko at ang sasakiyan mo'nagkabangga, ay iginawad sa iyo ng aking mga kasakay ang isang imperdible oo, nguni'kasintahan ang sabihin mo at hindi kasakay. kahit na gayon. ang imperdible ay saan naroroon? at ipinababawi ba? pinagsisihan ba ang pagkakagawad noon sa akin. dapat niyang malamang yao'hindi ko hiningi. hindi nga, nguni'ibig ko lamang makita ang imperdibleng yaon. nakatago at aking minamahal, sapagka'sa kaniya galing. nakatago at iyong minamahal? oo maneng at nagtataka ka? si binay ay nagagalak sa panibugho ni maneng. ang imperdibleng yaon na gawad niya ay minamahal ko pagka'yao'kaloob mo sa kanya at sa paggagawad niya sa akin ay parang naging paraan na ikaw ay nahilig sa aking pagmamahal, hindi ba maneng? at ilinapit ang kanyang katawan kay maneng na animo'naglalambing. lumayo si maneng at pinagmalas ng isang malas na punong puno ng kutiya si binay, at saka nagpatuloy. kay inam mong magpakunwari. | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Jose N. Sevilla | sinabi mo ng boong katiwasayang ang imperdible ay iniingatan mo. ito'isang kabulaanan; sapagka'ang imperdible ay nasa isang lalaki na pumupugay ng aking karangalan kung ako'nakatalikod, nasa isang duwag na magnanakaw ng dangal. dahan dahan; ang isang lalaking marangal ay hindi parang isang hampaslupa na nagtutungayaw sa likod ng tinutungayaw. tangi sa roon ay hinahamon kita na di mo mapatutunayan ang mga paratang mo; samantalang ang aking sa iyo'ipinararatang ay patutunayan kong lahat. nasan ang imperdible ipakita mo sa akin at nang mabunyag ang kabulaanan mo. ako'hindi nalulungkot kung ikaw ma'nagbago ng suyo. makaaasa kang di kita titigatigin; nguni'ang di ko matutulutan ay ang ako ang maging tagabayad ng mga sirang kasangkapan. ikaw ang bulaan maneng at nagtindig at nangangatal na kinuha ang imperdible na isinauli ni tomas. narito anya kilalanin mo ang sangla mo kay nati na kanyang pinalibhasa at pinawalang halaga. | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Jose N. Sevilla | minamahal ko sana, sapagka'ang pangalan mo'naririyan; nguni'palabintangin ka at inialis mo sa akin ang kita'pagpitaganan. naririyan ang iyong imperdible at ihinagis sa kandungan ng binata. nagulat si maneng sa di inaantabayanang nangyari at sa dapat na siya'magalit ay siya ngayon ang di makaimik sa harap ng katotohanang kanyang nakikita. aling imperdible ang kanyang nakita kay tomas? ito rin, itong ito; nguni'bakit na sa kay binay? samantalang ito'nagsalimbay sa kanyang hinagap, si binay ay nagpatuloy: nalalaman kong gaya ng lahat ng bulag na asawa ikaw ay lubhang panibughuin, salamat maneng sa tandang ito ng pagiingat mo ng karangalan, mainam yaon kahit na ako'ipinalagay mong isang maawain nguni'ang dito'natatago, ang nalalaman mo, ang iyong tangka na aking nahulaan, ay ang makipagkagalit ka sa akin sa gayong paraan; nguni'maneng, maghunos dili ka. alalahanin mong ikaw at ako ay iisa sa harap ng dios. | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Jose N. Sevilla | alalahanin mo na maaari nating paglalangan ang iba, nguni'tayong nakatatalastas ng ating ginawa, tayo'di natin madadaya. at lumapit, na pamuli kay maneng. ngayon maneng, ang imperdibleng yan na hinahanap mo ay may matuwid kang mainis nga sa panibugho, nguni'di sa akin, kungdi sa iyong nati, na di natutong magmahal sa iyong alaala. aking nati!. ang pakunwari ni maneng. at inakbayan ng kanyang bisig si binay na hinigpit sa kanyang dibdib, upang mapaamo marahil. ani maneng, maaari bang ang ibang babai ay aking mahalin samantalang ang panunumpa ko ay sa iyo iginawad? at ang babai, babai palibhasa ay napalamuyot sa mga alo ni maneng at ang kangina'nagkakagalit mandin, ngayo'pamuling nagsilusong sa dagat ng ligaya. at sinamantala ni binay ang ganoong kahinaan ng puso ni maneng, na linasing na mabuti sa suyo at lamyos at nang makaraan ang ilang sandali ang lalaki ay nangusap: binay aniya patawarin mo ako sa aking kabiglaanan. | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Jose N. Sevilla | ang imperdible ay tanggapin mo at di ako sino upang bumawi ng isang bagay na di sa akin galing. itatago ko at tatanggapin ng boong puso bagamang umaapaw sa akin ang poot sa pinanggalingan niyan, sa babaing nagnanasang umagaw ng aking ligaya; nguni'sa kasawian niya maneng ay nasa piling kata at ako'iyong minamahal, ano hindi ba maneng? nang boong puso binay, ng boong kaluluwa. ayaw ko nang mawalay pa sa iyo maneng. ang tukso ay lumiligid sa akin at ang panganib ay lumiligid sa iyong ibig kang iwalay sa aking piling. bakit binay? ipinatatalastas ko sa iyo maneng na ni isang sandali ay di na ako makapagiisa. natatakot ako sa mga katotohanang umaagaw sa aking katahimikan. ano yaon binay, ipagtapat mo sa akin at aking lulunasan pagdaka. sa ikaw ay nasa ibang piling maneng, at gaya ng asawang mairugin ako'nananaghili. na ako'nasa ibang piling ngayong ako'naririto at iyong iyong magisa? oo, maneng ikaw ay nagkamali, nguni'pinatatawad kita. di na ako hihiwalay sa iyo isang saglit man. | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Jose N. Sevilla | ano binay ang ipinagkamali ko? napakasal ka kay nati. pabulaanan mo sa akin maneng ang katotohanang iyan, at alang alang sa salita mo'paniniwalaan kita. oh, hindi, hindi; kailan ma'hindi ko magagawa ang gayon ang animo'baliw na tugon ni maneng. pabulaanan mo maneng ang pahayagang iyan na nagbabalita ng isang paninirang puri at iniabot ang pahayagan. pagusigin mo kung sino ang naglathala. yan ay kabulaanan ng mga manunulat. pag uusigin ko. oo, kabulaanan nga; at hayan pa ang isang pakana ng mga kaaway mo at iniabot ang kasulatan ng kasal nila ni nati. kung ang lupa ay mabuka at linamon si maneng, kaipala'minabuti niya kay sa nangyaring yaon. malaong di umiimik at napalagmak sa panlolomo. ang pawis niya sa noo ay butil butil na sumisibol. si binay ay agad lumapit at anya: maneng, huwag kang malumbay. ano sa akin kung siya'isang hangal na sumugba sa ningas? ang karangalan ay akin at ang kapintasan ay nasa kanya sa kanya babagsak ang pula. | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Jose N. Sevilla | makalilibo ka mang ibigin ng ibang babai ay di ko pinipigil ang iyong laya. ibahin mo ako maneng, nguni'sapagka'ako'asawa mo, ay dapat na ang gabi ay ibigay mo sa akin, sapagka'yaon ay akin. salamat binay, kay laki ng iyong puso. at ang dalawang magasawa ay magkasamang lumuwas sa maynila pagkatapos na makuhang lahat ang mga ari arian ni binay. napatayo si maneng sa isang katayuang mapanganib, nguni'ano ang magagawa sa yaon ay likha ng mga pangyayaring di maiiwasan? dumating na maluwalhati si maneng at si binay sa tahanan ng lalaki. si gorio ay hangang hanga kung bakit at kakakasal lamang ng kanyang panginoon, ay iba na namang babai ang kasama at sa sarili pang tahanan iniuwi. makikita mo biyang ani gorio makikita mo at basagulo na naman ang taglay ng mang maneng. siya nga gorio; sa tuwing ang ating panginoon ay magdadala ng babai dito sa bahay ay kawil kawil na gulo ang dumarating. nakita mo noong karnabal? | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Jose N. Sevilla | oo, at lalong kataka taka ay iba ang dinala, iba ang naanakang naghahabol at iba ang naging asawa. at ngayon ay iba na naman ang dala rito. ano kaya ang magiging buntot ng dalaginding na ito? hintayin natin at makikita mo'komedya na naman itong walang pagsala. hindi pa natatapos ang salitaan at bago pa lamang halos nagiinit ang pagkaupo ng dalawang magkalaguyo sa isang maringal na sofa ay satatawag sa bahay ang isang lalaking anyong buhat sa lalawigan na may kasamang dalawang kagawad na lihim at isang sa bikas ay abogado mandin. sinalubong ni gorio at nang mapagtanto na ang pakay ay ang kanyang panginoon, ay ipinagkaila at sinabing wala roon sapagka'kinakabahan siya mandin; nguni'tinangaan siya ng kagawad ng kanyang revolver at anya: maiwan ka rine at kami ang aakiyat upang mapagalaman natin kung wala nga. | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Jose N. Sevilla | kumalat sa boong katawan ni gorio ang isang kahambal hambal na kagitlahanan at pagkasilip ni biyang sa nangyayari ay nasabi sa sarili ang gayari: sinasabi ko na'ang basagulo ay di malayo, at nagdudumaling tumawag sa silid ng kanyang panginoon. mang maneng po. mang maneng. marami pong tao sa lupa at si gorio ay dinadakip mandin. may mga revolver pang hawak. napaigtad si maneng at boong galit na lumabas at sinalubong ang dumarating: ano ang kalapastangang ginagawa ninyo sa aking tahanan mga ginoo, gorio bakit? ewan po mang maneng, kayo po ang kanilang hinahanap. kung ako ang inyong pakay mga ginoo ay mangagsituloy kayo at huwag gagamit ng anomang kagahasaan. huwag kayong biglabigla sa aking mga alila at ako'handang makipagtuos kangino man. at ang mga panauhing di kilala ay nangagsipanhik na lahat sa bahay tangi sa isang di napakilala at naiwan sa lupa; siya'si tomas na siyang may pakana ng lahat. ano ang aking maipaglilingkod sa inyo, mga ginoo upang magkalutas tayo agad. | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Jose N. Sevilla | sino po ang ikinararangal kong kausapin? ako po ginoo, upang tayo'magkadalian, gaya ng inyong sinabi, ay siyang ama ng babaing inyong itinakas buhat sa bokawe. nalalaman na ninyo? ako ang ama ni binay. saan siya naroon? marami pong salamat ang tahimik na tugon ni maneng. at ano po ang aking maipaglilingkod? ipagpaumanhin ninyo ang di ko pakikiharap, sapagka'tunay na hindi ko kayo nakikilala at dumungaw sa silid at tumawag. anya parini ka'narito raw ang tatang. natigilan ang panauhin sa katiwasayan ni maneng na di man nababahala. hinarap silang muli ni maneng at anya: ipagpatawad po ninyo sa amin ang kabiglaanan ng pagluwas; nguni'inaakala ko pong hindi ninyo sukat ikabalisa, sapagka'si binay ay nasa sarili niyang tahanan. ako ang kanya pong asawa. at si binay ay lumuhod sa ama, at anya: ang anak mo tatang ay hindi tumakas upang pairugan lamang ang maling pita ng katawan. ang anak mo po'sumama sa kanyang asawa, bagay na di mo po dapat na pagtakhan. | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Jose N. Sevilla | ito'tumpak at kinakalinga ng mga batas. at kayo ba'kasal na binay? bakit di na ninyo ipinatalastas sa akin? may ilang buwan na po tatang; nguni'sa mga ganitong pagkakamali na ang puso ay siyang namamahala sa tao, ang agarang hatol ng iba ay nawawalan ng saysay sa harap ng katotohanan, kaya ama, patawarin mo ang aming kamalian at igawad mo sa mga nabiglaanang anak mo ang inyong pala. kami ay nasa biyaya ng poon. si tandang atong (ang ama ni binay) ay natigilan. ang dalawang kagawad na lihim ay naglipatan ng tingin at inakalang sila'kalabisan na roon at madaling napaalam. pagkaalis ng mga secreta ay sinalubong ni tomas at tinanong: ano ang nangyari mga kaibigan? ang rapto na siya naming sapantaha ay gumuho at ang galit na ama gaya ng maaasahan ay gumuhong lahat din sa pakikiayon sa manugan na mayaman, mabikas at ang diwa'busog sa tanglaw ng talino. | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Jose N. Sevilla | oh namamali kayo ng sapantaha, ang ginoong yaon na inakala ninyong isang matalino ay isang hangal na hindi marunong magpapanatili ng kaligayahan na ikinatiwala ng palad sa kanyang kapamahalaan. hindi ko makita ang inyong sinasabi? kahit ninyo ipikit ang inyong mga mata upang huwag makita, kahit ninyo takpan ang inyong mga tainga upang huwag maringig, ang dapat na mangyari ay mangyayari at gaya nang ako'inyong kausap ngayon ay magiging panauhin sa pook ng mga salarin ang palalong mayaman na inyong sinasapantahang batbat ng liwanag ng katalinuhan. | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Jose N. Sevilla | hindi ko malaman kung bakit at sa isang tao na may marangal na gawi, bagamang palalo; may dakilang asal at mapitagan hanggang sa lalong mapanganib na katayuan na, ang lalong malakas na diwa ay nadudupilas at nababalisa; at sa isang taong tahimik na sa gitna ng sigwa sa buhay ay di nababalino at di nakalilimot sa mga aral ng dakilang asal, kahit na magipit ng isang kagipitang likha mandin ng kanyang kapangahasan; hindi ko malaman kung bakit at sa isang tao na gaya noon ay nagbubuko ang iba ng masasamang nasa. hindi ko malaman kung bakit dapat na mapabilang sa mga salarin. ako po ang tanungin mo at ako ang makaaalam kung bakit ang salo ng kasama. turan mo nga po ani tomas. sapagka'isang hapon na di ninyo dapat na malimutan ay ipinasukat sa inyo ng taong yaon (tinutukoy si maneng) ang makintab na baldosa ng la campana . at ang dalawang tiktik ay nagtinginan na wari naala ala ang isang pangyayaring nakabalisa kay tomas. hindi dahil doon mga ginoo, hindi dahil sa ako'kanyang tinampalasan. | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Jose N. Sevilla | dahil sa inaakala ko na ang batas ay may sariling bisa sa harap ng mayaman at dukha man. ano ang ibig ninyong sabihin? na si maneng, ang asawa ng taga bokawe, ang mayaman, matalino, makisig na lalaking tahimik na tahimik ay nasa sa lilim ng kapamahalaan ng mga hukuman, pagka'siya'lumabag sa mga batas na nagpapanatili ng kapayapaan ng ating kapisanan. at nang huwag kayong magalinlangan ay alamin ninyo na si maneng ay makalawang pakasal at ang ganitong paglabag ay pinarurusahan ng boong higpit. ah, yan po'hindi sa amin nauukol ginoo. wala po kaming karapatang magusig. kami ay mga galamay lamang na ginagamit upang mapapanatili ang kapayapaan at ang mga batas ay igalang at pairalin. at ang tatlo'naghiwalay. at si tomas ay tumungo sa pasulatan upang yumari ng isang tudling na mahayap na magpapasakit ng gayon na lamang kay maneng. | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Jose N. Sevilla | pagkatapos na masiyasat ni mang donato na ama ni binay ang patunay ng kanilang pagiisang palad at makapagmalas na pawang kasaganaan ang ibinabadha sa lahat ng sulok ng tahanan ni maneng ay nasisiyahang nagwika: pagpalain kayo ng panginoon, mga anak ko, at nawa'manatili kayo sa kaligayahan. at binigkis sa yakap ang dalawang anak na pinagpapala. yumaon pagkalipas ng isang sandali, na di binigyang sagwil bahagya man ang inaakala niyang mga nananabik na bagong magasawa, sa pulot at gata ng bagong kalagayan. nguni'sa katotohanan si maneng ay lalong dinalaw ng balisa. ang lihim na lihim na kasal niya kay binay ay bunyag na ngayon. paano kaya siya sa harap ng kapisanan, paano ang gagawin niyang pakikiharap sa maganak ni selmo at higit sa lahat ng ito ay paano ang gagawin niya upang ang kanyang mahal na si nati ay manatili sa katahimikan. hinagkan si binay ng boong tamis, at napaalam na sandali upang lutasin ang kanyang mga nabibiting suliranin. | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Jose N. Sevilla | at parang nakahinga si maneng nang siya'hagkan ng malamig na simoy at nagiisang malayo kay binay, malayo kay nati, naaawa kay mameng at sumusumpa kay orang. ang buntong hininga ni maneng at binilisan ang takbo ng auto na pinalilipad halos. binagtas ang mga lansangan; wala siyang anomang napapansin. sa kanyang diwa'nagsisikip ang isang mahigpit na suliranin ng kanyang buhay at sa gayong pagwawari ay parang hiyaw na tuwi na sa kanyang pangdingig, parang kidlat na gumuguhit sa kanyang pantanaw ang gayari: ang araw ngayon ay iyo bukas ay di mo malaman kung para sa kangino. at sa kanyang puso'kumalat ang isang karamdamang nakaaaliw sa kanyang diwa at nagbalak ng isang balak sa sarili: kung ang sasakyan ko'ibinubuno ng alon, ipinaghahampasan ng sigwa, at pinapaslang ng walang pitagan kong maitim na tala; kung natatalastas kong ang kaya ng tao ay lubhang maliit, ang diwa ay nagkakait ng tanglaw at ang puso'tumitibok ng pangamba, ano ang aking magagawa? | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Jose N. Sevilla | at nagbago ang hantungan ng diwa at pinasiyahang bumili ng isang bagong tahanan na mapagpugaran ni binay. hindi dapat na sinomang babai, kasakdalang kanya mang sinasamba halos, kahit na si nati pa, na sukdulan ng kanyang pitagan, ay tulutan na ang kanyang tahanan ay dalawin. damdam ba niya'ang babai ay laging nagdadala sa kanyang tahanan ng ligalig, kaya'panibulos na nagtatag ng panibagong tahanan na laan sa kanyang taga bukawe. at salapi palibhasa ang namahala ay karakarakang nakapagtayo ng isang munting langit sa manga avenue sa santa mesa, at sa dambana ng tahanang yaon ang pintakasi ay si binay. | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Jose N. Sevilla | pagkatapos na mailipat sa bagong tahanan ang taga bukawe, ang tunay niyang asawa sa harap ng mga batas, ang babaing masaya na laging masunurin sa kay maneng sa lahat ng hibo ng kalupaan, ay lumiham kay nati ng isang lalang, upang maitago ang kanyang magusot na pamumuhay: gayari ang nasa liham ni maneng: nati ko; aking nati: hindi ako tumelegrama pagdating dito pagka'iniilagan ko na matalastas ng nanay ang ating binabalak na paglalakbay. linulutas kong kasalukuyan ang mga kinakailangan upang huwag tayong dalawin ng gipit sa paglalayag sa paglilibot sa boong daigdig, upang doo'tuklasin ang ligaya na ikinakait sa atin sa sariling lupa; at sa silong ng ibang langit, doon marahil tayo tutunghan ng buwang lalong maliwanag, ng mga bituwin na lalong maniningning, at ang pagtatamasa ay di ikakait sa atin ng ating malupit na tadhana. | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Jose N. Sevilla | umaasa ako nati, na doo'di tayo gagambalain ng mga ala alang mapanglaw ng aking kahapon, at palibhasa ay wala tayo doong kakilala man lamang, ang pagmamahal ko'mauubos sa iyo at ikaw naman sa akin ay maguubos ng iyong ganap na pagmamahal. napakasaklap ng patlang na ito ng ating kasalukuyan. ang pagkawalay ko sa iyo'lubhang napakalungkot sa akin at ang aking mga sandali dini sa maynila ay nagiging malalawig at kalunos lunos. dini ay wala ang mga hunihan ng mga ibon, ang matuling lagaslas ng tubig sa mga batisan, ang lagitikan ng mga siit kung ginagahasa ng hangin at ang kahanga hangang katahimikan pagdungaw ng gabi upang tayo ay malayang tulutan na makapagbubo ng samyo nang lalong banal na pagiibigan. dito ay pawang ingay ang namamayani. mga kaaway na dibdib ang sa kahilingan ng mabuting gawi ay yinayakap. mga tampalasang kamay na may dungis pa ng balaraw na handang papaglagusin sa ating puso ang kinakamayan ng boong higpit. | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Jose N. Sevilla | mga ngiting pilit at pinagaralan, at ang pagkukunwari'siyang pangkasalukuyan. isang walang katapusang balatkayo na di ko matatalima. nguni'ang lahat ng ito'tulong tulong na nagtataboy sa atin upang tahakin ang malalawak na dagat at sa ibang lupa, humanap ng ibang simoy, ibang kaugalian at doo'itayo ang mga muog ng ating gusali ng ligaya na matibay na matibay. kung di ko pipigilin ang panitik ko nati, kung ikaw ang aking kinakaulayaw, ay maging papel man yata ang malawak na langit at maging tinta ang kalawakan ng dagat ay di mandin matatapos ang sa iyo'ibig kong ibalita. nguni'huwag nating aksayahin ang panahon, ang kislap daw ng ngiti ay sasandali lamang na dumudungaw sa mga labi samantalang ang bakas ng kapanglawan ay di yumayao karakaraka sa ating anyo. maghintay ka nga at ang ating mabubuting sandali ay namimitak na. ang laging iyo,. | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Jose N. Sevilla | busog sa kasayahang binasa ni nati ang liham ni maneng, at binubusog sa halik, samantalang binabasang paulit ulit at sinisinag doon ang kaluluwang matimtiman at pusong mairugin ng giliw niyang si maneng. noon, malayo man siya kay maneng, ay nararamdaman niya na nasa kanyang piling mandin sa lahat ng sandali at binabalot siya ng walang maliw na ala ala. ang pangungulilang saglit ay di naghari sa kanyang karamdaman, nguni'ang luha ng galak ay nagsusumungaw sa kanyang mata. maya maya'isang liham na naman ang dumating. ang puso niya'sumikdong muli pa. talagang si maneng anya ay napakamairugin at binuksan ng boong ingat ang sobre: anang liham: ginang: huwag mo pong pagtakhan ang kapangahasang ito; nguni'ang isang tapat na kakilala ay di dapat maghalukipkip at di dalidaling sumaklolo kung ang isang iginagalang ng boong pagmamahal ay nababalaan ng isang sakuna. | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Jose N. Sevilla | ang kalakip pong pilas ng pahayagan ay siya nang magtatapat sa inyo ng di ko masabi; sapagka'ako'natitigilan sa bangis ng katotohanan. sinong tomas ito ani nati at ugaling babai palibhasa na hangad na mataho ang tanang bagay kahit na lasong pangpatay ang taglay noon ay binasa ang pilas ng pahayagang kalakip ng sulat. kumakalat ang balita na ang kagawaran ng tagausig (fiscalia) ay nababalinong kasalukuyan sa isang maingay na usapin na nasa kanyang kamay ngayon. umano'ang tanyag na mangangalakal na si. manuel san juan na nakipagisang puso kay bb. natividad lopez ay nagsisikap na kasalukuyan upang iliblib sa pamagitan ng paglalagalag sa ibang lupain ang una niyang kasal na sinumpaan sa isang magandang taga bokawe na nagngangalang severina francisco. ang mga kagawad ay di umiidlip at may mga kautusan nang ilinagda upang sagwilan ang nagnanasang maglaro sa mga batas na umiiral. | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Jose N. Sevilla | ang mga sumusunod na kasulatan ay siyang mga patunay na ang nasabing ginoo, na nasiraan mandin ng bait sa mga panghalinang dilag ng dalawang babai, ay nakagawa ng isang kalapastanganan. ang isang kasal, gaya ng makita sa siping ilinathala namin ay idinaos ng biglaan at ginanap ng isang pastor protestante at ang pangalawa ay sa bahay ng binibining huling pinakasalan na ganap ng cura sa mataong bayan tundo, nang ang nasabing babai ay nabibingit sa kamatayan. nagulo ang ulo ni nati, ang diwa niya ay nalito, ang puso niya ay linunod ng pighati at ang hininga ay sandaling pumanaw. at nang siya'pagsaulan ng bait ay ang mairuging ina, si balong tayang ang siyang sa kanya'tanging sumaklolo. maneng ang hibik ni nati maneng, saan naroon si maneng? tawagin si maneng nanay. at si aling tayang ay agad nagpadala ng isang telegrama sa maynila. gayari ang nasasaad: anselmo lopez, tundo, maynila,. parine kang agad at ibalita kay maneng na si nati ay malubha. | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Jose N. Sevilla | at si maneng ay nababalisa sa piling ng magandang taga bokawe. ang mongolia ay tutulak sa ating lunsod patungo sa hilaga at nakahanda nang lahat ang kailangan nina maneng upang tumakas sa mga batas na walang awang kaaway sa sariling lupa. ang mga pahayagan ay di nababasa ni maneng palibhasa'gulong gulo ang kanyang diwa at litonglito ang pagiisip sa magusot na suliraning sarili. inakala niya na si binay ay langong lango sa pag ibig na kanyang ipinagbudyakan. inakala niyang sa kanyang pakikisamang ilang araw at sa walang patumangang pagyayaman sa kanilang langitlangitan sa santa mesa, ay tahimik na ang butihin niya at masayang birhen; at tahimik na nga; at lubos ang pakikiayon sa buhay na yaong sariling sarili; di man lamang natitigatig kahit sasandali; at di mandin kinakabahan na siya'lalayasan ng giliw. datapua'si maneng ay dinadalaw ng isang alaalang nakababalino. | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Jose N. Sevilla | siya'yayaon at kaipala'di na muling babalik pa; magagawa kaya niyang lumayo ng malayong malayo nang di man lamang makausap si mameng? si mameng na bulag na lumusong sa libingang kanyang hinukay; si mameng na sakbibi ng panglaw dahil sa kanya; si mameng na di man niya iniibig ng tapat, pagka'di na magagawa ang gayon, nguni'pinipintuho naman ng kanyang kalolua, sinasamba ng kanyang diwa, at nais niyang magawaran ng isang pahimakas; nais niyang pagpaalaman; at kahit hindi? hangad din naman niyang bilang baon sa paglalayag at paglalagalag na parang isang samuel belibet ay taglain niya ang isang huling alaala, isang patibay na muli pa ng sanla na kanyang pinuti niyaong karnabal na nagdaan. at ang bahay ni selmo ay dinayo pagdaka; hindi siya marahil paghihinalaan nino man, magkaniig man sila ni mameng, sapagka'talastas ng lahat doon na siya'asawa ni nati. doo'wala marahil na makasalanang malas na maghihinala man lamang sa kanya ng sanhi ng kanyang pakay. | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Jose N. Sevilla | at napataong si selmo ay kaalis pa lamang sa bisa ng telegrama . umalis, na, ang tagubilin kay mameng ay gayari: kung si maneng ay mapaparini, ay sabihin mong hintin ako at anya sa sarili kawawa naman, hindi niya dapat na malaman agad ang sakunang nangyayari sa kanyang asawa. si yoyong ay nasa kanyang gamlayan. pinalad si maneng na datnan si mameng na halos nagiisa at tangi sa isang matandang ali at mga utusan ay walang ibang tao sa bahay. parang tiniyap sa pagkakasala. at ang dalawang puso'nagtibukang pamuli. mameng ani maneng pagkaraan ng isang saglit ang palad natin ay linikha mandin upang magdusa, ako sa kasalukuyan ay nasa langit mandin, sapagka'ako'nasa piling mo, nguni'bakit ba'ang ligaya ay saglit lamang dumungaw sa aking puso? napakaramot!.?.! di ka na naawa sa akin! muli mo na naman akong inapi at napakarupok naman yaring puso na sa luhog mo'hindi makapaglaban. kay itim ng aking kapalaran. hindi na ako dapat na mabuhay pa sa kalagayang ito. bakit pa kaya ako linalang? | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Jose N. Sevilla | talaga kayang may mga kalolwang linikha upang magdusa? bakit kaya tayo ginayakan pa ng tigisang puso kung talagang titibok lamang upang tumangis? kung nalalaman mo lamang na sa gitna ng mga suliranin ko sa buhay ay naroroon ka'hinding hindi napapawi sa aking ala ala, kung nalalaman mo lamang na kahit ako'tabunan sa isang mapanglaw na libingan ay saglit pa akong dudungaw upang ang pangalan mo'tawagin; kung nalalaman mo lamang at mabubuklat ang lalong kalihimlihiman niyaring puso, disin ay nabasa mo, na ang iyong pangalan ay na sa dambana niyaring diwa. kay tamis ng iyong mga pangungusap, kay inam ng mga sumpa mo at pangako, anong bango ng kamanyang na isinusuob mo sa akin. oo, maneng, kailangan ko ang lahat ng yan. ulitin mo pang minsan, upang mawala sa aking malas ang bibitayan kong linikha ng walang awa mong pagibig at ang mga luha'naguunahan sa kanyang mga mata, at ang mukha'isinusubsob na itinatago sa balikat ni maneng. | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Jose N. Sevilla | anong ligaya ng tinatamasa ni maneng ng mga sandaling yaon, at anong saklap ng tangis ni mameng. samantalang ang auto ni selmo ay humahagibis na lulan si nati na nakasandal kay aling tayang, ay lumalapit; lumalapit sa pinagdadausan ni maneng ng huling piging ng kanyang puso. si mameng dala ng kanyang mahinang puso ay nagpatiwakal na muli at muli pa sa kandungan ng kanyang kasi. ang auto ay dumating nang kasalukuyang ang huling halik ay iginagawad ni maneng sa animo'sagang mga labi ni mameng. ang kanilang puso'nagkadaop nang sumungaw si nati na nakaakbay kay selmo at sa mairuging ina. at ang kidlat ng sumpa ay gumuhit sa malas ni nati, ang kanyang mata ay nawalan ng liwanag, at parang hangal na napahiyaw: maneng!!. kikitlin mo ang aking buhay!. at napalagmak na walang hininga. napa si aleng tayang, at si selmo ay nakalimot na sandali sa kanyang pagmamahal kay maneng. | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Jose N. Sevilla | ninasang sugurin, inisin sa isang mariing sakal, alsan ng buhay, sa biglang sabi; nguni'nanlomo sa kaamuan ni maneng na anya'at payukong hinintay ang ano mang mangyayari. handang aalis na sana, nguni'ang mga kagawad ng pamahalaan ay dumungaw at si maneng ay dinakip. nagtagumpay ang paglalamay ni tomas sa palad ni maneng. pinagsaulan si nati pagkaraan ng ilang sandali. ang lahat ng nangyari ay parang bunga lamang ng isang pagkahibang sa mataas na lagnat, at ang unang hinanap ng malas ay si maneng. nguni'ang unang nakita ay si mameng, si mameng na luhaluhaan at gaya ng isang magdalena ay nananambitan sa pinagtaksilan niyang pinsan at inagawan ng ligaya. siya'nagsisisi. ako'isang hamak na ginayakan ng isang pusong mahina at isang kalolwang napakaliit. ako na dapat magsikap ng kapayapaan mo, sapagka'ikaw ay laging mairugin sa ulila mong pinsan, ako ang nagkanulo at umagaw sa iyong ligaya. dinggin mo akong sandali, dinggin mong saglit ang aking samo. | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Jose N. Sevilla | ako'isang kulang palad sa lahat ng anyo ng kabuhayan. ako'isang nahatulang tumangis magpakailan man dahil sa aking pagkasungabang. walang bukas na nakahanda sa akin kundi pawang kutiya at siphayo. lalayo ako ng malayong malayo upang ako'huwag mo nang makitang muli pa nati. ang kasalanang nagawa ko ay sinusumpa ng kaugalian, pinarurusahan ng mga batas, at di pinatatawad ng mga walang awang mapagaliw sa dusa ng kanyang kapwa. ang patawad mo ang patuloy ang tanging hinihingi kong baon, at ang aking karumihan ay lilinisin ko ng maputing damit ng nurse . pinatatawad mo ba ako nati? si nati ay walang nawatasan mandin. si maneng saan naroroon? ang animo'baliw na sagot ni nati si maneng!. hanapin si maneng. ipinagsuplong siya ng kaniyang unang asawa. ako'kanyang dinaya; nguni'siya ay aking minamahal; ayukong siya'madakip. inyong patakasin. inyong itago at huwag payagang ilibing ng buhay na parang isang salarin. | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Jose N. Sevilla | ang lagnat ni nati ay napakataas at di man sinasadiya ay humihilig kay mameng at yinakap ng ubos higpit. kilala mo si maneng na lubhang matamis magmahal. ito ay iyong talastas. huwag mong ipagkaila. tayo'inulila sa dagat ng walang pampang na dalamhati. iyong patakasin. si mameng ay patuloy ng pagtangis at paghingi ng tawad kay nati; si aling tayang ay walang malay gawin upang hatdang ginhawa ang anak na naratay; nguni'si selmo ang kaibigang tapat ni maneng bago naging bayaw, ang lihim na mangingibig ni mameng ay parang nauupos na kandila sa gayong panonood ng dagandagang sakit. nagbihis pagdaka. inalam ang sigalot ng bayaw at kaibigan, handang maglagay ng lagak, nguni'nalugsong lahat ang mabuti niyang nasa. nais ni maneng ang malibing ng buhay; pagdusahan ang nagawa niyang kamalian sa loob ng mapanglaw na bilangguang handa ng kapisanan sa mga salarin. ani selmo nang siya'makausap: maneng!. maaaring palawigin ang usap, na isa, dalawa tatlong taon. | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Jose N. Sevilla | maaaring mamuhay ka ng tahimik at malaya. at sa panahong ito'masisikap natin ang patawad . maaaring ayusin ang gusot na iyong kinapasukan. ang boong tigas na tugon ni maneng bayaan mo akong maglinis sa tiising nakataan sa akin. hindi ako maaaring tumahimik sa gitna ng sigalot na aking napasukan sa masamang sandali. ang huling tawa raw ay siyang lalong masarap. kung may buhay pa ay maaari pa ring lumigaya. gayon nga, samantalang ang kalagim lagim na pamamayani ng lungkot ay naghahari sa kanilang tahanan at sa bawa'isa nilang puso, ay boong tapang na yinayakap ang kasawian. hiningi sa tagausig na huwag nang palawigin ang usap; hiniling ng boong pagsamo na iharap na siya sa hukuman at ano mang lupit ng parusa ay kanyang tinatanggap ng boong puso yayamang siya ay may sala. | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Jose N. Sevilla | at ang mga kaibigan ay nangaguunahang maghandog ng samantalang lagak upang ang hatol ay mapaglabanan, gayon din ang mga tulong upang mabawasan ang pasiya ng hukumang siya ay mabilanggong 'ay mabago, nguni'walang ibang isinasagot si maneng kundi: salamat mga kaibigan, hindi ko na kailangan ang lumawig pa kahit sandali pa ang laya na sa aki'bumibigti at nakasasabagal. tinatawag ako sa bayan ng mga salarin at panibulos ang aking paniniwala na yaon ang aking bayan . basahin ang karugtong nito. masarap na luto na tumutugon sa kaugalian at kapanahunan. malinis, mababa ang halaga at mabuting pagkain. madlang awa tailor de ildefonso madlangawa confeccion esmerada de trajes para caballeros ninos. azcarraga tondo, manila. amor studio | sa araw at gabi may tagaayos ng buhok na walang bayad. juan luna, tondo, manila. tel. || || || mayroon kaming sukursal || || sa baliwag, bulakan. | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Jose N. Sevilla | || || || || sa mga nakatapos ng pagaaral na mababalam || || dahilan sa di pa nayayari ng kanilang || || mananahi, ang toga kami ay may nahahanda || || at buong pusong ihinahandog sa kanila, sa || || lahat ng sandali. || || || || may mga retocador kami at fotografo na mga || || sanay sa lalong maselang na gawaing ukol sa || || aming hanap buhay. || || || || bago sana magpakuha sa mga taga ibang || || lupain ay sa mga kalahi na muna ibigay ang || || tangkilik. || || || || isasauli namin ang bayad sakaling ang aming || || mga larawan ay mapintasan. pahina wala nang simula ng bagong talata bago ang pakasal na muli kay nati . pahina binago mula sa (inaakala niyang. pahina mameng binago mula sa maneng (napahiyaw si mameng). pahina umiimik binago mula sa umiiimik (hindi ka umiimik). pahina di ko binago mula sa diko (di ko mapapayagang). pahina nguni'binago mula sa guni'(nguni'sa harap ng mga pangyayari). pahina maneng binago mula sa manen (higanti kay maneng). | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Jose N. Sevilla | pahina mangimbulo binago mula sa manngimbulo (mangimbulo si binay). pahina ako'binago mula sa ako'(ako'ginugulo ng); tinanggal ang simula ng bagong talata at ang gatlang bago ng tinanggap mo ba ang liham . pahina siya nga binago mula sa siyanga (siya nga gorio). pahina napakilala binago mula sa napakikila (isang di napakilala); ipagpaumanhin binago mula sa ipagpaumanhin (ipagpaumanhin ninyo ang); silid binago mula sa salid (at dumungaw sa silid). pahina walang binago mula sa walag (walang maliw na ala ala); karamdaman binago mula sa karamadaman (sa kanyang karamdaman). pahina hangad binago mula sa hangad (hangad din naman niyang); binago mula sa makakapal na titik ang samuel belibet (parang isang samuel belibet at telegrama (sa bisa ng telegrama. pahina animo'binago mula sa animoy (animo'sagang mga labi); binago mula sa makakapal na titik ang auto (ang auto ay dumating). | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Jose N. Sevilla | pahina binago mula sa makakapal na titik ang patawad (masisikap natin ang patawad ); tinanggal ang naulit na linyang gayon nga, samantalang ang kalagimlagim na pamama. narito ang bahagi ng kabanata sa orihinal na duplikado ng bahagi ng kabanata, na may bahagya lamang na pagkakaiba: at ang kulang palad na si nati na pinahihirapang kasalukuyan ng pagaalanganin ni maneng ay nangunguyapit na kasalukuyan sa maiinit na bagting ng tanikala na dulot sa kanya at isinilo ng anangki niyang nakapangingilabot. si maneng namang yumaon na ay tulad sa isang sasakyang walang ugit; susuling suling na hindi matukoy kung ano ang dapat na gawin. may mga taong mahihina at agad sumusuko sa mga bayo ng dusa at kung magkabihira'walang ibang pinagbubuntuhan kundi ang kabiglaanan na masamang gawi ang dagling pagbibigay sa mga udyok ng pita. sa diwa ni maneng ay nagsulpot sulpot ang mga ala ala, niyaong mga sawi na nagpapatiwakal dahil sa pag ibig. | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Jose N. Sevilla | sa lahat nang yaon ay walang mapili si maneng na dapat niyang uliranin. nasusuklam siya sa palad nang mga nagpapatiwakal, na kanyang binababawan ng tawag na duwag at nangagsisitalikod sa katungkulang banal ng tao na makibaka sa buhay. at boong tapang na tinungo ang kanyang tahanan at nagkulong din sa kanyang silid, at yao'ditong di mapakali na sinusukat ng kanyang banayad na hakbang ang maaliwalas niyang pahingahan. paano ang mabuti kong gawin? ani maneng sa kaniyang sarili. pakasal na muli kay nati pagkatapos na pakasal kay binay ay ganap na pagpapatiwakal din sa kapisanang ito na aking pinakikipamayanan. dito'may mga batas na napakalulupit sa ganitong paglabag. bakit ba'di pa ako sa mga bayang tumatangkilik ng poligamia sumilang? disin ay di ako naghihirap ng paglutas ngayon nitong magusot na suliranin ng aking buhay. at napatigil na sumandali, lumikmo sa kanyang maringal na likmuan at pinagwawari ang dapat na gawin. | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Jose N. Sevilla | mayamaya ay napatampal sa hita at aniya: lutas na ang suliranin kung papayag ang pastor na nagkasal sa amin ni binay. ano ang mawawala sa kanya kung ang talaan ng aming pagkakasal ay mawala halimbawa? ang salapi ay isang mainam na panilaw. atuhan natin sa paraang ito. limang puong libong bagay ang kay daling lutasin, nguni'ang tao ay napakahangal na sa isa lamang dito, ay natutulig na, at di magkatuto ng paglutas. at nagmadaling nagbihis. sinidlan ng maraming salaping papel ang kanyang kalupi at nagsilid sa dalawang sobre ng tiglilimang daang piso na handang pansuhol sa pastor ng iglesia metodista na kanyang handang upatan. at nanaog na daglian, nguni'nasalubong niya ang cartero na nagabot sa kanya ng isang sulat. lumulan sa kanyang auto na laging nakahanda at doon na binasa ang liham pagkatapos maipagbilin kay ikong na pumatungo sa bahay ng pastor, sa avenida rizal. | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Jose N. Sevilla | gayari ang nasasabi sa liham: maneng ko: parine kang agad at nang maaga tayong makabalik at ang tatang ay darating daw ngayong hapon. kung pahintulot mo ay ihayag na natin sa kanya ang lihim nating pagiisang puso. siya ay isang taong marunong maghunos dili at kung kanyang makita na huli na ang kaniyang tutol ay maaasahan nating ang kaniyang pakikiayon sa atin, baga mang hindi na yaon kailangan. mabuti na rin ang walang pinangingilagan at inaala ala. ano ang sabi mo maneng? ako'uhaw na uhaw sa iyong masuyong alo na inaasahan kong di mo ipagkakait sa iyong tapat at tuwina'mairuging asawa. sinabayan ng punit ang liham, pinaggutay gutay at ipinalipad sa hanging sumasalubong sa lumilipad niyang sasakyan. at ang sabi sa sarili: tapat na asawa!. kung ang lahat ng tapat ay gaya niya, ay baligtad na ang daig dig. wala nang taksil; wala nang maituturing pang pagkakanulo sa puring dapat na ingatan at mahalin tuwina. tapat na asawa!. at ang bali hindi ako pahahalata. | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Jose N. Sevilla | makikipagkita ako kay binay at kung siya'madaya ko yamang ako'dinaya din lamang niya, ay walang salang di magiging mapalad ako sa piling ni nati. samantalang ito'nangyayari si nati naman sa gitna ng gayong dagok ng kapighatian ay waring walang ikakaya at ang kaniyang pihikang katawan ay linulupig ng dalamhati. ang ulo niya'parang iginigiba sa paniniwalang siya'pinaglalaruan ni maneng at di siya marahil nasang pagtapatan. ang paniwalang si mameng ang siyang pinaguubusan ng suyo at sanhi ng gayong alinlangan ay uutas mandin sa kanyang buhay. | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Engracio L. Valmonte | kahi'saang tumatahip na lupa ako maparoo'hintayin mo ang sulat ko, bago ka lumiham sa akin. ang hindi pagkakaroon ng katuparan ng ganyang pangakong iniwan ni teang kay tirso ay di sasalang lumilikha na ng kabalisahan sa kalooban ng makatang ito, pagkatapos na magdaang sunodsunod ang ilang araw sa gitna ng kanyang mainip na paghihintay. nang gabing marinig niya ang ganyang mahigpit na pangako sa bibig ng kanyang kasi, ay di niya inakalang pakatatagal na ng gayon ng hindi siya tatanggap ng sulat, palibhasa, kung totoong sa nueba esiha lamang ang uwi, ay di naman kalayuang gaano ang nasabing lalawigan upang mabilangan ng maraming araw ang lakad ng koreo hanggang maynila. nguni'ngayong panay na wala po ang isinasagot sa kanya ng tagadalang sulat kailan pa ma'ito'kanyang abatan sa pagdating at pagtanungan ng bagay na inaantabayanan, ayawayaw man niyang maghinala ay hindi rin siya makalaban sa sarisaring bintang na naguumukilkil sa kanyang ulo. | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Engracio L. Valmonte | kung minsan ay malarawan sa kanyang panimdim ang di bagong pangyayari na pagkakapariwara ng matimyas na pagasa ng isang lalaking paris niya na mapalayo sa kinaroroonan ng kanyang giliw. ang dalaga at ang binata, bago magtalikod sa isang pahimakas na paguulayaw, ay nagsusumpaang sinoman sa kanila ay di magmamaliw, mananatili kapwa sa kawagasan at pagtatapat hanggang sa huling tibok ng puso. ang lalaki ay maiiwang buongbuo ang pagasa sa pangako ng babae: magtataman sa pagaaral, lilimutin ang pagbubulagsak, magbabawas ng nilibotlibot at pagaaksaya ng panahon, sa paguupanding pagdating ng tipanan, pagkatapos ng pagaaral ay lalo siyang magiging karapatdapat sa mata'pagmamahal ng kanyang liyag. datapwa'ang babae, na kapatid ng kahinaang loob at hinlog ng pagkasalawahan, ay madaling nagmamaliw, lumilimot sa pangako at kumikita ng bagong ligaya sa lilim ng pakikipagsuyuan sa iba. | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Engracio L. Valmonte | oh, gaanong pagasa ng lalaki ang nalibing sa laot ng kapariwaraan, sanhi sa ganyang pagkakabilanin ng di iilang babae!. at, si teang at si tirso ay naging isang dalaga ri'isang binatang nagsumpaan na walang maglililo ni magmamaliw bago naghiwalay. tulad sa karaniwang nangyayari, si tirso ay naiwan ding walang tanging kasama sa tanang sandali kundi ang walang pasubaling pananalig sa kadalisayan ng budhi at matibay na panghahawak sa kadakilaan ng pangungusap ni teang. nasaan ang katuparan ng pangakong iniwan sa kanya ng babaeng ito? bakit walang sulat? siya kaya, si tirso, ay magiging isa rin diyan sa mga lalaking nawalatan ng dibdib at nalurayan ng puso sa ulos ng balaraw na walang pangigiming itinatarak ng babae? at si teang kaya naman ay isa pa ring babaeng katulad ng di iilang kabaro niya na humahalakhak lamang sa harap ng bangkay ng mga pusong kanilang pinaglalaruan?. hindi naman magkakagayon marahil. | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Engracio L. Valmonte | ang nawiwika ng naninimdim na makata, kung dumarating sa dakong ito ang kanyang pagninilaynilay. at ang pinakatubig na pangpatay sa siklab ng masusungit na hinala, ay ang ganitong kanya ring nawiwika: kaipala'hindi lamang siya magkapanahon sa higpit ng pangangalaga ng kanyang ina. kung nababanggit namang ganito ang ina ni teang, ay kasunod nang agad na magugunita ang ibinalitang pagayaw sa kanya ng matandang; iyon dahil sa kanyang pagkamason. ang kanyang pagkamason ay bikig na humahalang sa lalamunan ng naturang matandang nabubulagan ng pananampalataya'nahihibuan ng mga tagapangalaga ng kadiliman, kaya'kailan man ay hindi nga yata makatutuloy na maluwag sa loob ang kanyang malinis na pakay. at dito siya untiunting nahihila ng pagaakalang marahil ang babaeng pinagsisimpanan niya ng lahat ay nagbabago na nga ng loob at tumataliwakas sa kanilang salitaan. | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Engracio L. Valmonte | subali'ang salitaan naman nila ay di na isang salitaan lamang na maaari pang talimuwangin kung ibig: yao'isa nang sumpang hindi mababawi, isang pagkakabuhol ng palad na di na muling makakalag. diyata'ang kapangyarihan ng magulang ay makapanghihinaig pa'makawawalang halaga sa sinumpaan ni teang na pakikiisang palad sa kanya? dito ay di na maitugon ni tirso ang hindi ikapangyayari ng ganyang hinuha. nalalaman niyang sa salitaang kinasasangkutan ng isang magulang at isang asawa, ang una ang dapat pahalagaha'kilalanin, kasakdalang itong huli ay maduhagi at mapawakawak. isang kawikaang kagalanggalang ang nagsasabing sampu mang asawa ay makikita kung mawala, datapwa'hindi ang isang magulang. nakilala ni tirso si teang na isang anak na may likas na pagkamagalangin sa kalooba'pasya ng magulang saka nagtataglay pa ng isang pananampalatayang di kuno'nasusumang sa ganang kanya. | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Engracio L. Valmonte | maliwanag pa kayang hinagapin, sa gayong paghihintay na walang napapala kundi pagkabigo, na ang pagkakaibang iyan ng kanilang pananampalataya, na siyang nasasabing sanhi ng pagayaw ng ina, ay siya rin namang maging dahil ng di pagdating ng sulat na pinakahihintay? singkad na isang linggo ang nagdaang kay tirso ay walang iniiwan kundi ang mga bakas ng kalumbayang halos ikasaid ng kanyang paniniwala sa kabanalan ng kaluluwa ng babaeng pinaguukulan niya ng boong pagirog. samantala, ang nangyaring pagkakabawi sa kolehio kay teang, saka ang hindi pagkaganap ng pangako ni tirsong paglalathala sa pahayagan ng larawan ng marilag na babaeng iyan na nagtagumpay sa timpalak ay hindi sa nabanggit na makata lamang nakababahala kundi gayon din sa mga manunulat sa pahayagang pinagtagumpayan, saka sa di iilang kaibigang tumangkilik sa natukoy na kandidata. | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Engracio L. Valmonte | sa tanggapan ng mga tagapangasiwa ng karnabal sa luneta ay nangahahanay na ng boong ayos ang nagpapangagaw sa gandang mga larawan ng mga kandidatang nangagsipagwagi sa timpalak ng isa'isang pahayagan, bukod tanging hindi mahangaan ng balanang nagsasadya roon ang larawan nga ni teang. nang araw na iyon, tanghali ng ika ng disyembre. huling araw ng nanghihimakas na taong at samantalang si tirso'walang kibong nakapangalumbaba sa isa sa mga bukas na durungawan ng kanyang tahanan, ay natanaw niyang papalapit ang ilang lalaking malayolayo pa'nagtaastaas na ng kamay at humuhudyat sa kanya. at kanyang nakilala na ang mga dumarating ay ilang kaibigang kawal ng panulat, ilang kasamahan sa larangan ng panitikang tagalog. panhik kayo, mga kasama! isinalubong ni tirso sa nagsisirating. may aginaldo bang nakahanda? agad itinanong buhat sa lupa ng isang singliit ni paguia. kahi'wala ay mayroon din. pangiting naitugon ng maybahay na makata. huwag kang magbiro'sadyang totohanan itong lakad namin! | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Engracio L. Valmonte | anang isa namang singlaki ni sochong. at noon di'sabaysabay ang nagsirating na umakyat sa hagdanan. matulin namang sinalubong ni tirso. ang mga manunulat, na kung sabihin ng iba'mga hibang, ulol, sinungaling, nguni'ang totoo'nakapagguguho ng kahakaharian at nakapagbabangon ng sangbasangbayanan wika nga ng isang guro, kung magkasamasama'magpalagayan ay talo pa iyang tunay na magkapatid na ipinanganak ng iisang ina. sa kanila, ay wala niyang pagtutumpik. bawa'salitang gamiti'kataga ng katapatang loob, bigkas ng kaisang damdamin, pahayag ng panibulos na pagtitiwala. kaya'sa paguusap nilang yaon ay pawang ngiti ng saya at sigla ng pagbibiro ang naghari sa lahat. silveira, ang pagkapanhik ng lahat ay sinabi ng nakasalaming kamukha ni tirso, bagong taon bukas, at sukat nang mahulaan mo ang bagay na aming ipinagsadya ngayon dito. ano ang aginaldo namin? bukas pa pala naman ang bagong taon, eh, ngayon pa'aginaldo na ang inyong itinatanong! ipinakling natatawa ng tinukoy. | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Engracio L. Valmonte | higit sa panghihingi ng aginaldo, ang ipinarito nami'isang paniningil, isinambot naman ng isang singtaba ni kando. magbayad ang may utang! isinusog pa ng malakas tatawang kaboses ni sauro. sa ako'walang utang na dapat pagbayaran! ang tugon ng makata. nasaan ang larawan ng ating reyna dorotea? ang tanong pang tila nanunumbat ng mataba. ang nasambit na lamang ni tirso. ang katlo ng isa pa. oh!. ang habol pa rin ng isa. isinusog naman ng iba. at ang malakas na tawana'nagsumikip sa loob ng bahay. nahan ang pangako mong larawan? ang halos panabay pang iniusisa ng mga panauhin paghulaw ng tawanan. biglang nagtago ang mga badha ng ngiting nagsipanungaw sa mga labi ng makata. at nakapagpanumbalik ng lungkot sa diwa niya ang gayong binanggit at ipinagkatawanan pa ng kanyang mga kaharap. oh, kung natatalos lamang ng langkay na yaon ng mga palabiro ang bagay na nagpapaulap sa kanyang gunamgunam! | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Engracio L. Valmonte | mga kasama, ang itinugon ni tirsong walang kangitingiti, tila sa bagay na iya'talagang masisira ako, nguni'. hindi ako ang maysala. magpapakasira, saka maghihinaw!. talagang sinungaling na makata! saka maramot! palibhasa'hindi ninyo nalalaman ang nangyayari! ang tanging naipakli ni tirso. at talaga bang may nangyayari na? ha ha ha ha! wala; anhin mang timbangin ni tirso ay hindi makagigitaw at lulunurin lamang sa biro ang anomang paliwanag na ipahiwatig niya sa harap ng kawang yaon ng mga may kato sa katawan. mahanga'magsawalang kibo na lamang. | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Engracio L. Valmonte | nasa sandaling iyon ng pagkatila hinahalong binusa ang mga panauhin ng makata, na, mayroong bumubuklat sa mga dahong sariwa ng kanyang kalupi, kaluping kinatitipunan ng sarisaring hiyas at kayamanan ng tulang tagalog, mayroong naghahamon ng ahedres, domino at dama, saka mayroon pang nagaagawan sa paghanap ng larawan ni teang sa makapal na album na inabutang nasa ibabaw ng sulatan nang walang anoano'nakarinig sila ng mga kaluskus ng isang sasakyang biglang tumigil sa tapat ng bahay. datapwa'nakita nilang ang tinurang sasakya'muling lumalakad at papalayo na, na kinalululanan ng isang babaeng nagtatago ng mukha'ayaw manding pakilala. ang naging tanungan ng isa'isa, ah, marahil siya ang ating reyna dorotea! at noon din ay may narinig naman silang kumakatok na tao sa pinto sa lupa. at nang kanilang dunghali'natunghan ang isang babaeng anyong alila na may bitbit sa kamay na isang magandang buslo ng mga bulaklak. | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Engracio L. Valmonte | ang mukha ng babaeng iyon ay dating kilala ni tirso, kaya'oras na makita'dagli siyang nanaog na sumalubong. ang mga pilyong panauhin naman ay di na nakapaghintay: nagpanakbuhan pang nangagsipanaog din, sa paglulunggating agad na matalos ang ibig; sabihin ng gayong biyayang balot ng hiwaga. nguni'ang babaeng nagabot ay di na nila nakita. at maliksing umalis oras na maisakamay ni tirso ang isang liham na nasa munting sobre, saka ang buslong yaon ng bulaklak na pinagkaguluhan ng mga katoto ng naturang makata. makatang mapalad! ang bulalas ng lahat, pagkamalas sa gayong handog na kapagkaraka'sinapantaha nang padala ng magandang si teang. at sa boong kapalagayang loob at malaking pananabik na tila may lakip pang lihim na pananaghili, ay pinakasiyasat ang boong kayarian ng bagay na yaong likhang di sasala ng mga kahangahangang kamay ng isang tunay na alagad ng arte. pagkagandaganda! ang wika na namang namutawi sa bibig ng tanan singganda ng puso ng babaeng nagbigay! | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Engracio L. Valmonte | at si tirso, na pinaghaharian ng ilang lihim na paghahaka, ay di makahuma. talagang maganda nga'kalugodlugod ang handog na iyon! isang munting pangnan na yari sa panay na bulaklak, mga saglitsaglit na bulaklak ng mga sariwa'nagbabanguhang bioleta, pitimini, klabel, tsampaka, kampupot, ilangilang, rosas de pasion, alehandria, kamuning at kung anoano pang hiyas ng mga halamanan sa singgalong; na binagayan ng mangilanngilang dahon ng papwa, malba rosa, at mga baging ng kadena de amor; na walang tanging laman kundi isang kalapating singputi ng gatas, na sa kanyang makinis na tuka'taglay ang isang munting tarhetang may ginintuang titik. ang tarhetang ito'pinagsambilatan ng mga kaibigan ni tirso, palibhasa ay hinuhulaang dito nahahabilin ang boong hiwaga ng handog na yaon. at sa isang daan ng mata'ganito ang nabasa ng lahat: sa karangalan ng makatang kapatid ng mga salamisim kay tirso silveira: alangalang sa kadakilaan ng bagong taon. | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Engracio L. Valmonte | kalakip ang pusong nagtatangi ni gayon na lamang ang pagkakaingay ng di magkamayaw na mga kaibigan ni tirso sa harap ng handog na yaong nakapananaghili. mula sa silong hanggang sa bahay, ang panunukso'siya na lamang inaatupag. sadyang kung sa taas ng kapalara'wala tayong ikaaabot kay silveira! ang wika ng pandak. tatawagin pa ba namang mapagwaging makata, kung hindi talagang karapatdapat sa ganyang palayaw! ang agaw naman ng tila higante sa taas at laki. mabuhay ang mapalad! mabuhay ang mapagwagi! ang katlo pa ng nakasalamin. ang isisigaw ko, kapag ako'hindi ipinakilala ni silveira sa masintahing iyan na si elsa balboa, isinabad pa rin ng malakas tatawa. di mo ba nakikilala ang elsang iyan? ang halos magkatiyap na tanong sa nagsalita ng kanyang mga kasamahan. atrasado ka rin pala! idinugtong pa. sino nga ba ang babaeng ito? walang iba kundi ang mestisang kaluluwa at buhay ng mga sayawan dito'ng alinmang malalaking piging at pagtatao! | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Engracio L. Valmonte | ang mestisang nakita kong minsan sa lamayan ng aklatang bayan balu ku na ketang misterio subali'ang mga patilanduya'hindi humangga sa pagkabatid na si elsa balboa ang nagukol ng magandang handog na iyon kay tirso silveira. lalong nagdulot ng malaking alingasngas na hindi matimpi ang pagkatalos na ang pagkamakata ni tirso ay naglalayag pala sa dalawang bangka, naliligo sa dalawang batis. kahapo'isang dorotea iris daw ang ipinakitunggaling kandidata sa isang pahayagan; ngayo'isang kaakitakit na mestisa naman ang may kalapati'bulaklak na iniaalay. katangian ng makatang labis na nakatawag sa pananaghili ng mga lalaking may malilikot ding isip! at si tirso, na di naninibago sa gayong kilos at palagay ng taga kamanunulat niya, ay gumamit noon ng lubos na paglilihim. | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Engracio L. Valmonte | at sa tulong ng kanyang maayos na pakikiagpang sa mga kaharap, ay nagawa niyang ibaling sa iba'ibang bagay ang kanilang salitaan, hanggang sa nang lisanin siya ng mga pilyong yaong kung sa kilos lamang hahatula'mawiwikang hindi makagagawa ng anoman, ay di na napagukulan ng kahi'isang kataga, ang sinoman kay teang at sa mestisang kay elsa. pagkapanaog ng mga panauhi'saka lamang inilabas na binasa ni tirso ang kalatas na ibinigay na lihim sa kanya ng alila ng kaibigang mestisa. at ganito ang natunghayan: ibig mo bang makatanggap ng ilang balitang mahalaga ukol sa iyong kasaysayan? kung gayon, ay hinihintay kitang magpapaunlak na makisalo sa akin mamayang gabi, yamang gabi rin lamang ito ng mga pagpupuyat, at sa pagsasalo nati'saka ko ibabalita sa iyo ang ilang bagay na totoong kanaisnais na iyong matalastas hangga'may panahon. | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Engracio L. Valmonte | pagkakai'magpapasyal pa tayo sa escolta, at manonood sandali ng sayawan sa plaza moraga, bago pagkatapos ay dadalo tayo sa pandakan sa isang di karaniwang piging na ipinagaanyaya ng isang tagaroong matalik na kaibigan ng aking kapatid. kapag hindi ka dumating, ay ituring mong nabigo na naman ang isa sa mga ninanasa nitong kapatid mong walang itinatangi sa ubod ng kanyang puso kundi isa. naghihintay,. habol tanggapin mo sa maydala nito ang isang maralitang handog. isang kibit lamang ng balikat ang ginawa ni tirso pagkatalos sa laman ng sulat, saka pangiting nasabi ang ganitong mga kataga: may katuwiran na nga kaya akong magturing sa sarili na mapalad na, dahil sa ganitong buhay na tinatawid ko?. | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Engracio L. Valmonte | kung may hilig sa pagsusuri sa taglay na kahulugan ng bawa'bagay na nangyayari ang makasusubaybay sa lakad ng katangitanging buhay ni elsa, ay sukat nang mapaghalata ang isang katotohanan na bawa'gawi, kilos at pangugusap ng matalinong mestisa ay dili ang hindi nasasalig sa alinman sa mga sadya niyang layon at lihim na hangarin. kaya, kung isasagunita ang pangyayaring ikinatuwa niya ng gayon na lamang ang balitang galing sa malaking kababalaghang ipinaghimala ng martir na si pari casio sa bahay ni donya basilia ay kaagad matatanggap na isa mga talagang dapat niyang gawin ang kanyang ginawang pagaanyaya kay tirso na siyang makaabay niya sa pagdalo sa pandakan upang makipaglamay sa isang malaking piging at isang magdamagang sayawang ipasasalubong sa manigong pasok ng pumipintong bagong taon. | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Engracio L. Valmonte | minarapat nga ng mestisa na ang makatang sa palagay niya'nagbabagong loob sa kanya ay siya niyang makasama sa pagsasadya sa pandakan, upang sa gayon ay magkaroon siya ng pagkakataon na mailipat sa kabatiran ng tinukoy na makata ang balitang kanyang natanggap tungkol sa nangyari sa san lazaro. at, binubuko pa lamang sa isip ang ganitong balak ay malunodlunod na ang puso sa di masayod na kagalakan. para na niyang natatanaw, kahi'malayolayo pa, ang mabuting magiging wakas ng kanyang mga gagawin. inaasahan kong hindi ipagwawalang bahala ni tirso ang aking sulat, ang naibulong sa sarili sa gitna ng kanyang pagmumuni. kapag nabigo pa naman ako sa pagkakataong ito'talaga na lamang na sa kasawian ako nauukol. | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Engracio L. Valmonte | nalalaman niya na sa gabing yaon na kanyang ipinagaanyaya ang isang pagsasalo, ang kapatid niya'hipag ay hindi daratnan ni tirso sa bahay, sapagka'ayon sa gayakang pinagkasunduan, hapon pa ng araw na iyo'magpapauna na sa pandakan ang magasawa upang dalhin ang ilang bagay na iaalay sa maypiging. kung si elsa ay maiiwan, ay sapagka'gayon ang kanyang pinakikunang hilingin sa kapatid at hipag, at di umano'ayaw siyang tantanang hindi isabay sa pagparoon ng ilang binibining masdaraan sa kanyang bahay sa gabing iyon. at ang gayo'kanyang binalangkas, upang madulutan nga ng kasiyahan ang mga mithi ng kanyang kaluluwang lihi at isinilang sa biyaya ng kaligayaha'tamis ng buhay. | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Engracio L. Valmonte | hangga'hindi niya nakukuhang masarili ang paghahari sa puso'kalooban ng makatang kinahihibangang labis ng kanyang boong pagkababae, at hangga'nagugunita niyang may isang mulalang taga lalawigan na kinabubulagan ng mga paningi'tila nagkakapangalan sa pitak ng dibdib ng nabanggit na makata, sa pakiramdam ng mestisa ay palusong na yata sa libingan ang tungo ng kanyang kabuhayang di pa gaanong nagnanawnaw ng ligaya sa pakikihalubilo sa daigdigang ito. at yamang nalalaman niyang gayon, ay kautangan na naman niya ang gumawa ng tanang marapat gawin, upang maiwasan ang bumabalang kapariwaraan.at ang tao ay nalikha na may isip na kasama ang narinig niya sa isang tula ni tirso. at ang isip na iya'nakay elsa: kinakailangang gamitin niya sa lahat ng bagay at sa lahat ng pagkakataon. | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Engracio L. Valmonte | nararamdaman niyang ang kanyang puso ay tinitibukan ng walang kasingdubdob na pagibig sa makatang si tirso; nahahabilin naman sa isip niya ang paglikha ng tanang kaparaanang kailangan upang masunduan ang ikapagtatagumpay ng pagibig na iyan. ang tunay na katamisang idinudulot ng pagibig ay di maaaring sayurin ng kahi'sino, samantalang ang puso ay ipinasisikil sa makipot na galawang gawa ng pagpapakunwari, ng pagbabalobalo at ng kung sabihi'pakikibagay sa lakad ng kaugalian. ang hinhin, yumi, kahihiyaan. ano ang mga katagang ito kundi mga patibong lamang na nililikha ng kapisanan upang mapagkasanhian ng pagkaduhagi ng mga kaloobang madaling malamuyot at ng mga damdaming walang tatag sa pakikilaban sa habagat ng buhay? ang tunay na tamis ng buhay ay wala sa parating pagpapakunwari, sa pagimpit na palagi sa mga dalisay na itinitibok ng damdamin. | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Engracio L. Valmonte | namamali iyang mga nagpapalagay na kabanalan ng isang babae ang tuwina'kikimikimi, hindi makapagpahayag ng kanyang isinasaloob, ilas na parati sa bahagyang silay ng mata ng kapwa. ang nararapat ikakimi, ang nababagay ikahiya, ay wala kundi ang anomang baga'at gawang nangangahulugan ng pagkakasala. nguni'pagkakasala baga ang pagsunod sa malalayang pitlag ng pusong dumaramdam ng paggiliw? ang pagkakasala, ay ang pagsuway sa iniaatas ng pusong iyan. nararapat nang mawakasan ang mga paghihirap kong ito! ang nanggigitil na nawika, matapos paglimilimiin ang ganyang hakahakang sarilingsarili ng kanyang pagkamestisa. at, nang sumapit ang gabing idarating ni tirso sa kanyang bahay, si elsa ay kinahalataan kaagad ng mga alila ng isang kabalisahang hindi mailingid. sa loob ng bahay ay lumabas masok siyang kung minsa'sasayawsayaw at kung minsan nama'huhunihuni ng alinman sa mga kundimang kanyang nakakagiliwan. | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |